Caline’s POVNakatingin ako sa harap ng malaking salamin sa sala ng manisyon habang hawak-hawak ang kamay ko, inaasahan kong muli kong maramdaman ang kapangyarihan na ilang beses ko nang nagagamit, lalo na kahapon nung iligtas ko si Akeno. Pero wala. Ni isang kislot ng kapangyarihan ay hindi ko maramdaman.Huminga ako ng malalim at sumulyap sa pintuan, naghihintay ako sa pagdating nina Mama at Papa. Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang saya sa mga mata nila nang sabihin ko sa kanila ang balita. Finally, may kapangyarihan na rin akong sariling akin. Totoo ngang isa rin akong flowe fairy. Kahit ilang beses na akong hindi makapaniwala, hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa dugong nananalantay sa akin. Ngayon, para na akong isang superhero. Pero ang kaibahan lang, wala pa. Hindi ko pa ito masyadong galamay.Kaya’t kaninang umaga, masaya kong ibinalita kina Mama at Papa ang nangyari. Napatigil si Mama sa ginagawa niyang pag-aasikaso ng mga halaman, at si Papa naman ay natigil sa pagba
Caline’s POVSa umagang iyon, nakatayo ako ng tahimik at nagmamasid sa hardin mula sa ikalawang palapag ng mansiyon. Araw-araw kong binabantayan ang bawat galaw ng mga bulaklak—parang sila ang pinakamalalapit kong kaibigan, ang mga luntiang buhay na nagbibigay liwanag sa tahimik kong mundo. Oo, simula nang malaman kong flower fairy ako, mas nagustuhan at minahal ko pa ang mga halaman, lalo na kung ito ay namumulaklak.Alam kong dapat ko nang sabihin kay Akeno, ang aming hardinero ang tungkol dito, dapat na rin kasi gaya nang sabi ng mga magulang ko, may malaking magiging papel si Akeno sa buhay ko. Matagal ko na itong pinag-isipan kagabi buong magdamag, lalo na pagkatapos ng insidente nung nakaraang araw nang halos mamatay siya sa kamay ng isang lasing na bigla na lang namamaril. Pinrotektahan ko siya gamit ang kapangyarihan ko, ngunit hindi ko sinabi ang totoo—hindi ko maipaliwanag noon, pero ngayon, kailangan ko nang ipagtapat ang lahat sa kaniya kasi alam kong marami na siyang tano
Akeno’s POVKanina lang, nagpaalam na sina Sir Corvus at Ma’am Alina. Nagmamadali na namang pumasok sa trabaho. Napailing na lang ako, sabi ko sa sarili ko, “Sana ako rin, ganyan ka-busy sa trabaho.” Pero siyempre, iba ang pagiging hardinero. Hindi ko kailangang pumunta sa opisina. Ang trabaho ko dito sa mansiyon ay palaging nasa labas—kasama ang mga halaman, ang lupa, at kung minsan, ang mga insekto na mas madalas akong kagatin kaysa alagaan.Pagkaalis na pagkaalis nina Sir Corvus, heto na, napansin kong parang may kakaiba sa kilos ni Miss Caline. Kakatapos lang naming mag-usap kanina pero tila may bago na naman siyang aaminin. Sasabihin naman kaya niya na may pakpak din siyang tiantago sa likod niya.Nakatayo siya sa terrace, nakatitig sa akin habang nagdilig ako ng mga tanim. Napatigil ako sa ginagawa ko at pinilit kong umaktong parang walang alam. Pero, alam niyo ‘yung pakiramdam na parang may binabalak ang isang tao? Para bang may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi? Ganito an
Caline’s POVNagsimula ang hapon na maaliwalas, pero sa hindi ko inaasahan, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakaupo ako sa loob ng bahay, nakatingin sa bintana, habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa hardin namin. Naalala ko agad si Akeno. Gaya ng dati, siguro nandun siya sa labas, nag-aalaga ng mga halaman kahit basang-basa na.“Naku naman,” bulong ko sa sarili ko. “Paano kaya siya uuwi sa ganitong malakas ng ulan?”Pilit kong hinahanap ng mga mata ko kung nasaan siya, pero wala akong makitang kahit anino niya mula sa loob ng mansyon. Hindi ko maiwasang maawa. Kakatapos lang niya magkasakit, tapos ganito pa ang panahon. Hindi puwedeng umuwi siya ng basa. Baka magkasakit ulit si Akeno.Nagdesisyon akong puntahan siya. Kinuha ko ang payong ko at lumabas ng bahay, habang nilampasan ang malakas na ulan. sinundan ko ang direksyon papunta sa hardin. Sinalubong ako ng malamig na hangin at patuloy na pag-uulan, pero hindi ko iyon inalintana.“Akeno!” sigaw
Caline’s POVHabang busy si Akeno sa kusina, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa panahon o dahil kasama ko siya sa isang maliit na lugar na tila mas pribado. Bigla kong naisip, “Bakit ba kinikilig ako?” Hindi normal ‘to. Pero bakit parang may kakaibang saya akong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya? Dagdag pa rito ang matipunong katawan niya na kahit basang-basa kanina, hindi ko maiwasang mapansin.“Ma’am, okay lang po ba ang pritong isda?” tanong ni Akeno mula sa kusina, binasag ang mga iniisip ko.“Ha? Oo, oo, okay lang!” sagot ko na parang wala sa sarili. Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili. “Ano ba ‘tong nararamdaman ko?”Mayamaya lang, inihain na ni Akeno ang simpleng hapunan namin. Pritong isda, kanin, at konting gulay. Wala mang espesyal, pero masarap. Lalo na dahil kami lang dalawa ni Akeno ang magkasalo sa ilalim ng liwanag ng kandila.“Pasensya na po, Miss Caline, simpleng hapunan lang,” sabi niya na medyo
Caline’s POVNagising ako sa tunog ng malakas na ulan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Pero hindi iyon ang unang bagay na napansin ko. Hindi. Ang una kong napansin ay ang mainit na bisig na nakapulupot sa akin—malaki, matigas, at... ang bango, grabe. May halong amoy ng sabon at konting cologne na parang hinalo sa malamig na hangin. Teka, bisig ‘yun ni Akeno pala ‘yon!Kumabog ang dibdib ko, idinilat ko nang kaunti ang mga mata ko, tinatantiya kung makakaalis ba ako nang hindi niya napapansin. Pero sa mismong sandali na gumalaw ako, naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Na para bang akala niya ay una niya ako. Naramdaman ko rin na mas malapit pala kami kaysa inaasahan ko. Grabe, ang lapit namin! Bakit nga ba e, napakaliit kaya nitong higaan niya.Hindi ko magawang bumitaw. Siguro, dahil ang comfy ng pagkakayakap ko sa kanya. Pangalawa, kasi parang ang perfect ng umaga. Malamig sa labas, umuulan pa, pero heto ako, katabi ng isang guwapo—no, sobr
Caline’s POVNang matapos ko ang pagtitig sa bintana dahil sa lakas pa rin ng ulan, bumalik ako sa mesa, pero hindi ko pa rin maiwasang patagong sumulyap kay Akeno. Grabe, parang commercial ang dating niya habang nagluluto—yung tipong simpleng galaw pero parang laging nasa slow motion. Tapos, ang perfect pa ng paglalagay niya ng apron, na parang lagi siyang handa para sa isang cooking show. Sino ba ang guwapong ganito ka-domesticated?“Kape?” tanong niya bigla nang hindi lumilingon.“Ha?” nataranta ako sa pagtitig sa kaniya. “Uh, oo... sige.”Ngumiti siya. “Black or sweet?”Nagkunwari akong nag-iisip, pero sa totoo lang, kung anong ibigay niya, tatanggapin ko. “Hmm... sweet na lang.” Saktong tamang-tama dahil mukhang mas matamis pa ‘to sa umaga kong kasama siya.Habang hinihintay ko siyang matapos magluto, napansin ko ang simpleng mga gamit sa bahay ni Akeno. Maliit lang ang espasyo pero napakaaliwalas, kasing aliwalas ng cute niyang mukha. Ang cute ng pagkakaayos—halatang hindi siya
Caline’s POV“Pero seryoso, paano nga pala ‘to?” tanong ko habang pilit na binabasag ang katahimikan. “Kung hindi tumigil ang ulan, baka abutan ako dito ng gabi.”“Sabi ko nga, okay lang. Hindi ka naman na iba,” sagot niya sabay ngiti. “At saka... hindi ka ba natutuwa? Libre almusal, libre tulog, at libre pang tingin sa ‘kin.” Tumawa pa siya nang pilyo.“Grabe ‘to!” natatawa kong sagot. “Kapal mo ah! Hindi ko naman sinabi na gusto kitang titigan.”“Ah, pero hindi mo rin sinabi na ayaw mo, ‘di ba?” sabay kagat-labi na parang nanunukso pa lalo.Napatigil ako. Ano bang problema ng taong ito? Bakit ganito siya bigla sa akin Bahagya akong tumingin sa kanya, at napansin kong seryoso siya, kahit na parang biro lang ang banat niya. Naroon na naman ‘yung tingin niya—yung tipong tumatagos hanggang sa kaloob-looban ko. Teka lang, Caline, huwag ka munang bumigay.Bigla siyang tumayo, at akala ko ay tapos na ang usapan namin. Pero naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, at nang tumingin ako sa