Share

Kabanata 170

Caline’s POV

Nagsimula ang hapon na maaliwalas, pero sa hindi ko inaasahan, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakaupo ako sa loob ng bahay, nakatingin sa bintana, habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa hardin namin. Naalala ko agad si Akeno. Gaya ng dati, siguro nandun siya sa labas, nag-aalaga ng mga halaman kahit basang-basa na.

“Naku naman,” bulong ko sa sarili ko. “Paano kaya siya uuwi sa ganitong malakas ng ulan?”

Pilit kong hinahanap ng mga mata ko kung nasaan siya, pero wala akong makitang kahit anino niya mula sa loob ng mansyon. Hindi ko maiwasang maawa. Kakatapos lang niya magkasakit, tapos ganito pa ang panahon. Hindi puwedeng umuwi siya ng basa. Baka magkasakit ulit si Akeno.

Nagdesisyon akong puntahan siya. Kinuha ko ang payong ko at lumabas ng bahay, habang nilampasan ang malakas na ulan. sinundan ko ang direksyon papunta sa hardin. Sinalubong ako ng malamig na hangin at patuloy na pag-uulan, pero hindi ko iyon inalintana.

“Akeno!” sigaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status