Akeno’s POVHabang iniihaw ko ang manok, napansin kong tahimik lang si Miss Caline, nakaupo sa bangko sa labas ng kubo. Tumitingin-tingin siya sa paligid, parang sinusuri ang buhay ko sa kubong ito. Sa totoo lang, simple lang talaga ang buhay ko rito, walang kuryente kundi maliit na generator para sa mga kailangan kong appliances. Pero sa bawat tingin niya, parang may mga tanong siyang gustong itanong.Napatigil siya sa kaniyang pagmamasid at tiningnan ako. “Akeno, may tanong ako sa ‘yo.”Napatingin ako sa kaniya habang iniikot ang manok sa grill. “Ano ‘yun, Miss Caline?”Napangiti siya ng bahagya na parang medyo nahihiya. “Ano bang pangarap mo sa buhay?” Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Mahirap ‘yung tanong, hindi dahil wala akong pangarap, kundi dahil hindi ko alam kung may saysay pa ba ang mga pangarap ko sa buhay na ‘to. Pero sige, wala namang mawawala kung sasabihin ko.“Pangarap ko talagang maging chef,” sabi ko nang dahan-dahan. “Pero... hindi ako nakapag-a
Caline’s POVHindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang binabalot ko ang aking mamahaling scarf sa leeg ko. Naka-sked ako today to meet my friends. You know, the usual brunch date. Nothing fancy—just some casual get-together with mimosas and avocado toasts at Café Royale. I was supposed to be getting ready na nga, pero somehow, I found myself strolling towards the terrace. I mean, it’s not like I’m going to miss much if I’m late, right? Fashionably late is my style, anyway.Pagbukas ko ng pinto papunta sa terrace, ang unang bumungad sa akin ay ang sikat ng araw, pero hindi iyon ang unang sumapul sa akin. It was him. Si Akeno.Oh. My. God.Nagdidilig siya ng mga halaman. Tulad ng dati, nakasuot lang siya ng simple, puting t-shirt at jeans. Pero alam mo ‘yung feeling na kahit simple lang ang suot ng isang tao, parang bumabakat lahat ng muscles nila? Literal na glistening ang balat niya sa pawis, at ang araw na tumatama sa kanya ay parang spotlight lang na mas lalo pang
Akeno’s POVNapapailing ako habang inaalala ko ang sinabi niya. Bakit gusto niyang naka-topless ako dito sa garden? Napansin ko kasing kanina pa siya nakaupo sa terrace, pinapanood ako habang nagdidilig ng mga halaman. Hindi ko alam kung napansin ba niya, pero obvious na obvious na kanina pa siya hindi mapakali. ‘Yung tipong kunwari, casual lang siyang nandoon, pero ramdam ko ang tingin niya na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.Ngumiti ako sa sarili ko. Sabi ng nanay ko noon, marami raw mga babae ang nahuhulog sa simpleng hardinero na kagaya ko. Hindi naman ako makapaniwala noon, pero mukhang tama si nanay.Habang hawak ko ang hose, ramdam ko ang pawis na bumababa sa likod ko. Ang init nga naman ng araw, pero hindi iyon dahilan para magpabagal ako sa trabaho. Pero teka, dahil alam kong nakatingin si Miss Caline—eh bakit hindi ko i-level up ang eksena?Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt ko at dahan-dahang tinanggal ito. Sinunod ko ang sinabi niya sa terrace. Malakas ang pand
Akeno’s POVNag-aalangan pa rin ako, pero sa bawat haplos ni Miss Caline sa katawan ko, parang unti-unti na rin akong nadadala. ‘Yung mga kamay niyang dati ay napakapino, ngayon parang nagiging mas mapangahas, dahan-dahang lumilibot mula sa dibdib ko pababa, at minsan pa ay napapahinto siya, tila nag-aalangan, pero pagkatapos ng isang malalim na hinga, tuloy ulit siya. Sobra akong natatawa sa sarili ko—hardinero lang naman ako, pero heto ako, nasa loob ng kuwarto ng isang sosyal na babae na mukhang nawawala na sa sarili.Binitiwan ko ang isang malalim na hinga. “Miss Caline, sigurado ka ba rito?” tanong ko, pero sa loob-loob ko, alam kong walang atrasan na ito. Nakita ko ang init sa mga mata niya at alam kong kahit ano pa ang itanong ko, hindi na siya hihinto.“Call me Caline,” bulong niya na halos dumidikit pa sa labi ko ang mga salita niya. Napalunok ako. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para magsalita ulit dahil hinalikan niya ako muli, mas mapusok, mas mainit.Hindi ko ma
Caline’s POVMinsan, naiisip ko kung anong tawag sa nararamdaman ko ngayon. Baka mahiya na lang ako sa sarili ko kung ipagtatapat ko ito sa kahit sino. Nandito ako sa kuwarto ko, nakaupo sa kama, at iniisip ang ginawa kong kalandian kanina. Grabe, hindi ako makapaniwalang magagawa ko ‘yon. Ilang minuto ko atang nakahalikan si Akeno. At… grabe, ramdam ko kanina ‘yung bumubukol sa loob ng short niya. Alam ko kung ano ‘yon, ibig sabihin tinigasan siya sa ginawa namin. Kung hindi siguro nang-istorbo ang kasambahay namin, sigurado akong na-first blood na ako kanina ni Akeno. Sino ba naman ang mag-aakalang ang hardinero namin, si Akeno ay makakatikim ng halik mula sa akin? Naku, nakakaloka talaga. Pero, hindi, kahit hardinero lang siya rito, hindi ko tinitignan na mababa siyang uri ng tao. Para sa akin, iba siya.Ang dami kong iniisip. Ayoko naman kasing isipin kung anong tingin niya sa akin pagkatapos nun. Alam mo yun? Panay na ang isip ko sa kaniya. Panay ang hawak ko sa mga labi ko. Tap
Caline’s POVDahil ba sa hangin ngayong araw, o talagang nahihilo lang ako sa kilig? Kanina pa ako paikot-ikot sa kuwarto ko, iniisip kung paano ko aayain si Akeno sa cinema room. Wala namang masama, ‘di ba? Just a casual movie date... kung ‘yun nga lang talaga ang plano ko. Pero ang totoo, alam kong malayo ang mararating nitong naiisip ko—mas malayo kaysa sa simpleng panunuod ng pelikula.“Okay, Caline, kalma ka lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Hinawi ko ang buhok ko, siniguradong mukhang chill lang ako, kahit sa loob-loob ko, halos mag-hyperventilate na ako sa excitement. Gusto ko lang naman na magkaroon ng konting kilig moments kasama si Akeno. I mean, after nung halikan namin last time, may something na talaga, eh. At ngayon, oras na para i-level up ang lahat!Pero paano kaya?Bago pa ako tuluyang malunod sa mga thoughts ko, biglang nag-ring ang phone ko. Speak of the devil, si Akeno ang tumatawag. Dali-dali ko itong sinagot at pinilit ang boses ko na ma
Caline’s POVNapansin kong napalingon siya ng konti nang gumalaw ako papalapit. “Okay ka lang diyan, Miss Caline?” tanong niya, na parang hindi niya alam kung bakit ako masyadong malapit.“Oo naman,” sabi ko na parang wala lang, pero ang katawan ko ay halos dumikit na sa kaniya. “Medyo malamig lang dito, kaya lumalapit ako.” Excuse lang iyon, syempre. Hindi naman talaga ganoon kalamig, pero kailangan ko ng rason para makalapit pa.Tumawa siya ng konti, pero hindi na siya nagsalita pa. Maya maya, naramdaman kong nag-shift siya ng posisyon, parang nagiging uneasy. Nag-decide akong ito na ang moment para simulan ang operation landi.Inayos ko ang sarili ko at sumandal sa kaniya, enough na para maramdaman niya ang init ng katawan ko. Tumingin ako sa screen kunwari, pero ang buong focus ko ay nasa bawat reaksyon niya. Inabot ko ang isang kumot sa tabi at tinakip ko ito sa aming dalawa.“Masyadong malamig, ‘no?” sabi ko nang pabulong.“Uh, hindi naman masyado…” sagot niya, pero naramdaman k
Akeno’s POVHindi na ako komportable. Hindi ko alam kung ako lang ba ‘to, pero parang may kakaiba sa kaniya ngayon. Medyo clingy siya, pero hindi naman siya ganito dati.“Hey, Akeno… Are you comfortable?” tanong niya sa akin, sabay sandig ng ulo niya sa balikat ko. Dama ko pa ang bigat ng mga mata niya kahit hindi ko tingnan. Sa totoo lang, tinitigasan na ako sa ginagawa niya. Hindi pa naman ako sanay na gumaganito ang babae sa akin, lalo na’t si Miss Caline pa ‘to.“Uh, oo naman,” sagot ko, kunwari ay focused ako sa pelikula. Pero, nararamdaman ko na ‘yung mga kamay niya, paunti-unting humihigpit sa braso ko. Nung una, okay lang. Sabi ko, baka gusto lang niya ng comfort o siguro malamig talaga kaya naghanap ng kaunting init. Pero habang tumatagal, iba na ‘to. Kulang na lang, sabihin niyang maghubad na kami para may mangyari nang kakaiba dito sa loob ng cinema room nila.Naka-tatlong shift na ng puwesto si Miss Caline mula sa una naming upo. Kanina, nasa kabilang gilid siya, may dista