Caline’s POVNapansin kong napalingon siya ng konti nang gumalaw ako papalapit. “Okay ka lang diyan, Miss Caline?” tanong niya, na parang hindi niya alam kung bakit ako masyadong malapit.“Oo naman,” sabi ko na parang wala lang, pero ang katawan ko ay halos dumikit na sa kaniya. “Medyo malamig lang dito, kaya lumalapit ako.” Excuse lang iyon, syempre. Hindi naman talaga ganoon kalamig, pero kailangan ko ng rason para makalapit pa.Tumawa siya ng konti, pero hindi na siya nagsalita pa. Maya maya, naramdaman kong nag-shift siya ng posisyon, parang nagiging uneasy. Nag-decide akong ito na ang moment para simulan ang operation landi.Inayos ko ang sarili ko at sumandal sa kaniya, enough na para maramdaman niya ang init ng katawan ko. Tumingin ako sa screen kunwari, pero ang buong focus ko ay nasa bawat reaksyon niya. Inabot ko ang isang kumot sa tabi at tinakip ko ito sa aming dalawa.“Masyadong malamig, ‘no?” sabi ko nang pabulong.“Uh, hindi naman masyado…” sagot niya, pero naramdaman k
Akeno’s POVHindi na ako komportable. Hindi ko alam kung ako lang ba ‘to, pero parang may kakaiba sa kaniya ngayon. Medyo clingy siya, pero hindi naman siya ganito dati.“Hey, Akeno… Are you comfortable?” tanong niya sa akin, sabay sandig ng ulo niya sa balikat ko. Dama ko pa ang bigat ng mga mata niya kahit hindi ko tingnan. Sa totoo lang, tinitigasan na ako sa ginagawa niya. Hindi pa naman ako sanay na gumaganito ang babae sa akin, lalo na’t si Miss Caline pa ‘to.“Uh, oo naman,” sagot ko, kunwari ay focused ako sa pelikula. Pero, nararamdaman ko na ‘yung mga kamay niya, paunti-unting humihigpit sa braso ko. Nung una, okay lang. Sabi ko, baka gusto lang niya ng comfort o siguro malamig talaga kaya naghanap ng kaunting init. Pero habang tumatagal, iba na ‘to. Kulang na lang, sabihin niyang maghubad na kami para may mangyari nang kakaiba dito sa loob ng cinema room nila.Naka-tatlong shift na ng puwesto si Miss Caline mula sa una naming upo. Kanina, nasa kabilang gilid siya, may dista
Akeno’s POVMabilis akong nag-isip ng palusot. Hindi ko na kaya ‘yung tensyon sa cinema room. Kahit anong iwas ko, pakiramdam ko, para akong tupa na hinihintay kainin ng lobo. Kailangan kong makalabas dito nang mabilis. Baka kasi may mangyari nang hindi maganda. Hindi tama, baka malaman ito ng parents niya.“Uh, Miss Caline, I think I need to go home,” sabi ko, kunwari seryoso. Napa-english pa nga. Medyo tumayo ako mula sa pagkakaupo, pero bago pa ako makalayo, hinawakan niya ‘yung braso ko.“Home? But why? The movie’s just starting to get good,” sabi niya na habang tumingala sa akin na parang nagpapapansin. Yung mata niya, parang gustong-gustong magtagal pa kami roon.Bigla kong naisip yung bahay kubo ko. Perfect excuse! Pero walang masyadong problema roon, kailangan ko lang ng rason para makalayo nang mabilis. O mas maganda siguro kung doon ko siya dadalhin. Tama, kung gusto niyang makipaglandian, sige, doon kami sa bahay namin.“Ah, kasi ano… May sira yung iyero ng bahay kubo ko. B
Akeno’s POVSa bawat kaluskos ng hangin, kasabay ng marahang hampas ng mga dahon sa paligid, naririnig ko ang paghinga ni Caline. Tahimik kaming nakaupo sa maliit na papag sa loob ng bahay-kubo.Tumatagos pa rin sa isip ko ang nalaman kong gusto niya akong matikman sa kama. Nang una ay loko-loko ko lang sana, hindi ko naman alam na magiging matapang siya sa pagsagot ng “oo.”Natahimik ako talaga. Hindi ko alam kung paano tutugunan ang ganung klaseng diretsong sagot niya. Ngayon, heto kami, magkatabi, nakatingin sa labas ng bintana, na tila kapwa nag-iisip kung ano na ang susunod na sasabihin. Lalaki ako, pero ayokong magpadalos-dalos. Ayokong madaliin. Baka kasi kung anong mangyari.Ramdam ko ang alon ng init na gumapang sa balat ko mula sa pagkabigla kanina. Kailangan kong makabawi, kailangan kong baguhin ang usapan. Hindi ko kayang harapin ang mga nararamdaman ko tungkol doon. Hindi pa siguro sa ngayon.Nagpalinga ako at nagpanggap na kalmado. “Miss Caline,” bungad ko habang pilit n
Akeno’s POVBumuntong-hininga ako, pilit hinuhugot ang lakas ng loob na baguhin ang sitwasyon. Hindi ko kayang biglain siya. Hindi pa tamang oras para pagbigyan siya. Mukha kasing nagmamadali na siya. Nagmamadaling matikman ako, tapos kapag nakuha na niya ang gusto niya, wala na, parang wala na lang ako.Sa halip na magpadala sa init ng mga nararamdaman, may naisip akong mas mabuting paraan para iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko, pero dahan-dahan lang.Dahan-dahan kong inabot ang kanyang pisngi, ang lambot ng kaniyang balat ay tila apoy na dumampi sa aking palad. “Caline,” sabi ko nang mababa at maingat ang tono. “Hindi pa tayo dapat magmadali.”Tumingin siya sa akin, kita ko sa mukha niya ang bahagyang pagkabigla, pero hindi siya nagreklamo. Napalunok ako. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na mapalapit pa lalo sa kanya. Tumitig ako sa mga labi niya—malambot, makintab sa ilalim ng kaunting liwanag na pumapasok mula sa labas.Iniyuko ko ang ulo ko, dahan-dahan, hanggang sa mag
Caline’s POVNakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Pero imbes na makatulog, hindi ko talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ano ba ‘yan, Caline! Tumahimik ka nga diyan! Pero seryoso, ang hindi ko talaga makalimutan ay nang makapa ko ‘yung... uh... ‘yung kay Akeno.Hindi ko naman sinasadya! Promise, hindi ko intensyon ‘yun. Pero ang laki, grabe. Para akong nakahawak ng... ano bang comparison nito? Timbangan sa palengke? Pata ng baboy? Okay, sobra na ‘yan. Pero seryoso, ang weird. Kasi, paano ko ba ito sasabihin nang hindi ako nahihiya? Sige, sabihin na natin... natulala ako.Napapikit ako, pinilit kong kalimutan. Pero ayun na naman, bumabalik na naman sa utak ko. Masyadong vivid!“Hindi ko talaga ‘yun kakayanin.” ‘Yan na lang ang naisip ko habang ini-imagine ko kung ano mangyayari kung sakaling—teka, tama na, Caline! Siraulo ka ba? Pero seryoso, hindi ko alam kung kakayanin ko.Binalot ko ang sarili ko ng kumot, parang kinakailangan kong magtago sa sarili kong mga th
Caline’s POVHabang nasa kusina, abala ako sa paghalo ng harina at asukal para sa pinaplano kong bagong cake recipe. Naisip kong magpakalibang, hindi na kasi mawala sa isip ko si Akeno. Kahit na nandiyan lang naman siya sa garden. Gusto ko siyang kumustahin o lapitan, kaya lang nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari nung nakaraan.Nakataas ang manggas ng suot kong blusa, at amoy na amoy ko ang tamis ng vanilla at ang pinong malamig na pakiramdam ng harina sa aking mga kamay. Medyo mahangin sa paligid, kaya’t sa bawat pagbuga ng hangin ay may mga butil ng harina na napapadikit sa pisngi at noo ko, pero hindi ko na rin ito pinapansin. Masaya ako sa ginagawa ko. Nalilibang talaga ako kapag gumagawa ng cake.Ngunit habang inihahalo ko ang mantikilya at itlog sa malaking mangkok, may narinig akong pabulong na tinig na parang nagmumula sa labas. Parang umaawit ito, tinatawag ang pangalan ko, “Caline... Caline…” Medyo kinilabutan ako, pero hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kong wala nang ib
Caline’s POVNatapos ko na rin ang cake. Maingat kong inayos ang mga detalye—ang cream na nasa ibabaw, ang maliliit na dekorasyon na gawa sa tsokolate, at ang cherry sa ibabaw bilang panghuli. Nakangiti akong nakatingin sa gawa ko. Sa isip ko, sana magustuhan ni Akeno ang lasa nito.Hmm… okay, Caline. Ready ka na ba? Bulong ko sa sarili ko habang hinahanda ang tray na may lamang piraso ng cake. Pinagpag ko ang ilang harinang nasa pisngi ko, saka dumiretso palabas ng mansiyon, patungo sa hardin kung saan ko alam na nandoon si Akeno.Pagdating ko sa hardin, agad kong nakita si Akeno sa ‘di kalayuan. Naka-topless siya at pawis na pawis mula sa pag-aalaga ng mga halaman. Bakas sa katawan niya ang araw-araw na pagbubuhat, kaya bawat galaw niya, kitang-kita ang bakat ng muscles niya. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Nagulat ako sa sarili ko dahil halos matulala ako sa pagtingin.“Miss Caline!” bati niya nang mapansin akong papalapit. Ngumiti siya, at ewan ko ba kung bakit par