Akeno’s POVSa bawat kaluskos ng hangin, kasabay ng marahang hampas ng mga dahon sa paligid, naririnig ko ang paghinga ni Caline. Tahimik kaming nakaupo sa maliit na papag sa loob ng bahay-kubo.Tumatagos pa rin sa isip ko ang nalaman kong gusto niya akong matikman sa kama. Nang una ay loko-loko ko lang sana, hindi ko naman alam na magiging matapang siya sa pagsagot ng “oo.”Natahimik ako talaga. Hindi ko alam kung paano tutugunan ang ganung klaseng diretsong sagot niya. Ngayon, heto kami, magkatabi, nakatingin sa labas ng bintana, na tila kapwa nag-iisip kung ano na ang susunod na sasabihin. Lalaki ako, pero ayokong magpadalos-dalos. Ayokong madaliin. Baka kasi kung anong mangyari.Ramdam ko ang alon ng init na gumapang sa balat ko mula sa pagkabigla kanina. Kailangan kong makabawi, kailangan kong baguhin ang usapan. Hindi ko kayang harapin ang mga nararamdaman ko tungkol doon. Hindi pa siguro sa ngayon.Nagpalinga ako at nagpanggap na kalmado. “Miss Caline,” bungad ko habang pilit n
Akeno’s POVBumuntong-hininga ako, pilit hinuhugot ang lakas ng loob na baguhin ang sitwasyon. Hindi ko kayang biglain siya. Hindi pa tamang oras para pagbigyan siya. Mukha kasing nagmamadali na siya. Nagmamadaling matikman ako, tapos kapag nakuha na niya ang gusto niya, wala na, parang wala na lang ako.Sa halip na magpadala sa init ng mga nararamdaman, may naisip akong mas mabuting paraan para iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko, pero dahan-dahan lang.Dahan-dahan kong inabot ang kanyang pisngi, ang lambot ng kaniyang balat ay tila apoy na dumampi sa aking palad. “Caline,” sabi ko nang mababa at maingat ang tono. “Hindi pa tayo dapat magmadali.”Tumingin siya sa akin, kita ko sa mukha niya ang bahagyang pagkabigla, pero hindi siya nagreklamo. Napalunok ako. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na mapalapit pa lalo sa kanya. Tumitig ako sa mga labi niya—malambot, makintab sa ilalim ng kaunting liwanag na pumapasok mula sa labas.Iniyuko ko ang ulo ko, dahan-dahan, hanggang sa mag
Caline’s POVNakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Pero imbes na makatulog, hindi ko talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ano ba ‘yan, Caline! Tumahimik ka nga diyan! Pero seryoso, ang hindi ko talaga makalimutan ay nang makapa ko ‘yung... uh... ‘yung kay Akeno.Hindi ko naman sinasadya! Promise, hindi ko intensyon ‘yun. Pero ang laki, grabe. Para akong nakahawak ng... ano bang comparison nito? Timbangan sa palengke? Pata ng baboy? Okay, sobra na ‘yan. Pero seryoso, ang weird. Kasi, paano ko ba ito sasabihin nang hindi ako nahihiya? Sige, sabihin na natin... natulala ako.Napapikit ako, pinilit kong kalimutan. Pero ayun na naman, bumabalik na naman sa utak ko. Masyadong vivid!“Hindi ko talaga ‘yun kakayanin.” ‘Yan na lang ang naisip ko habang ini-imagine ko kung ano mangyayari kung sakaling—teka, tama na, Caline! Siraulo ka ba? Pero seryoso, hindi ko alam kung kakayanin ko.Binalot ko ang sarili ko ng kumot, parang kinakailangan kong magtago sa sarili kong mga th
Caline’s POVHabang nasa kusina, abala ako sa paghalo ng harina at asukal para sa pinaplano kong bagong cake recipe. Naisip kong magpakalibang, hindi na kasi mawala sa isip ko si Akeno. Kahit na nandiyan lang naman siya sa garden. Gusto ko siyang kumustahin o lapitan, kaya lang nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari nung nakaraan.Nakataas ang manggas ng suot kong blusa, at amoy na amoy ko ang tamis ng vanilla at ang pinong malamig na pakiramdam ng harina sa aking mga kamay. Medyo mahangin sa paligid, kaya’t sa bawat pagbuga ng hangin ay may mga butil ng harina na napapadikit sa pisngi at noo ko, pero hindi ko na rin ito pinapansin. Masaya ako sa ginagawa ko. Nalilibang talaga ako kapag gumagawa ng cake.Ngunit habang inihahalo ko ang mantikilya at itlog sa malaking mangkok, may narinig akong pabulong na tinig na parang nagmumula sa labas. Parang umaawit ito, tinatawag ang pangalan ko, “Caline... Caline…” Medyo kinilabutan ako, pero hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kong wala nang ib
Caline’s POVNatapos ko na rin ang cake. Maingat kong inayos ang mga detalye—ang cream na nasa ibabaw, ang maliliit na dekorasyon na gawa sa tsokolate, at ang cherry sa ibabaw bilang panghuli. Nakangiti akong nakatingin sa gawa ko. Sa isip ko, sana magustuhan ni Akeno ang lasa nito.Hmm… okay, Caline. Ready ka na ba? Bulong ko sa sarili ko habang hinahanda ang tray na may lamang piraso ng cake. Pinagpag ko ang ilang harinang nasa pisngi ko, saka dumiretso palabas ng mansiyon, patungo sa hardin kung saan ko alam na nandoon si Akeno.Pagdating ko sa hardin, agad kong nakita si Akeno sa ‘di kalayuan. Naka-topless siya at pawis na pawis mula sa pag-aalaga ng mga halaman. Bakas sa katawan niya ang araw-araw na pagbubuhat, kaya bawat galaw niya, kitang-kita ang bakat ng muscles niya. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Nagulat ako sa sarili ko dahil halos matulala ako sa pagtingin.“Miss Caline!” bati niya nang mapansin akong papalapit. Ngumiti siya, at ewan ko ba kung bakit par
Akeno’s POVPagdating ko sa bahay, pagod ako pero may konting excitement. Bitbit ko ang cake na bigay ni Caline. Nakakainis, sa totoo lang, kasi sino ba namang may alam na kaya kong bumigay nang ganito sa isang slice ng cake, noh? Pero hindi rin ako makatanggi—isang buong cake ‘to, na sinadya lang daw niya para sa akin. Naks, special na talaga ang tingin ni Miss Caline sa akin.Pagkababa ko ng gamit sa mahabang bangko, tinitigan ko muna ang cake sa mesa. Naka-box pa siya at may maliit na note sa gilid: enjoy!Kumuha ako ng plato, hinanda ang tinidor at binuksan ang cake box. Hindi ako dumaan sa palengke para bumuli ng pagkain kasi may merienda ako sa pag-uwi ko. At ito na nga ‘yung cake na bigay ni Miss Caline.Lumanghap ako ng amoy ng tsokolate at ng tamis ng icing ng cake. Kumuha ako ng isang malaking kagat at,holy smokes, parang literal na ligaya ang nasa bibig ko. “Ang galing mo, Caline,” bulong ko at natatawa ako sa sarili ko na parang ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Sino
Caline’s POVOras na para sa napag-usapan namin ni Akeno. Sa totoo lang, kinakabahan na ako. Never ko pa ‘tong ginawa. Ngayon lang, para kay Akeno, gagawin ko ‘to. Yes, nakakapag-mariang palad naman ako, pero hindi ko pa nata-try mag-mariang palad nang panunuorin ako.Ay, jusmiyo, natatawa tuloy ako. Talaga bang gagawin ko ‘to?Pero ang tanong, kaya ko ba talaga? Kaya ko bang maging hubu’t hubad sa harap ng camera, tapos alam kong si Akeno pa ang manunuod. Ay, naku, bahala na nga!Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko kasi tapos na akong mag-dinner at uminom ng tsaa.Gaya nang sinabi niya kanina, mag-lock na lang daw ako ng pinto para walang makahuli sa gagawin namin. Tama naman, mas nakakahiya kung mahuhuli ako ng isa sa mga kasambahay namin, nakakahiya talaga ‘yon.Grabe, ang weird ng ganitong pakiramdam. Hindi ko lubos maisip na gagawin ko ‘to. Na mababaliw ako sa isang lalaki at magagawa ko ang ganitong bagay. Sa totoo lang, narinig ko na dati ang mga ganitong gawain sa mga close fr
Caline’s POV“Miss Caline, tulungan mo na lang akong mag-init lalo,” sabi pa niya kaya nagtaka ako.“Mag-init lalo? P-paano?” nauutal tuloy ako. Bakit kasi wala akong idea sa mga ganitong gawain. Dapat pala bago ako sumabak sa mga ganito, nagtanong-tanong muna ako o nag-search sa internet. Mukha tuloy virgin na virgin ako, pero totoo naman kasi. Nakakahiya lang kasi baka magmukhang boring ako sa paningin ni Akeno.“Ang ibig kong sabihin, tulungan mo akong mag-init lalo. Magsabihan tayo ng mga salitaang nakakalibog lalo. Tapos, ngumanga ka minsan, labas-labas mo dila mo. Imagine-in mo na isusubo mo ang akin, tapos ganoon din ako para lalo akong mag-enjoy. Ganiyan na lang ang gagawin mo kaya sana ay mapagbigyan mo ako,” paliwanag niya kaya napangiti ako ng pilit. Grabe, kaya ko ba ‘yon? Sabagay, ganoon na lang ang pinapagawa niya kaya pagbibigyan ko na.Nakakainis, ako ‘yung malanding pagdating sa mismong landian, wala, tiklop, weak ako.“Oo, gagawin ko, kaya ko naman siguro,” matapang