Caline’s POVNasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang bigla akong naalimpungatan. Madilim ang kuwarto, at ang natatanaw ko lang ay ang malabong anino ng bintana sa dinding. Tila may kung anong pumukaw sa akin mula sa aking mahimbing na tulog, at unti-unti kong napagtanto ang dahilan—nauuhaw ako. Nauuhaw na nauuhaw. Siguro ay dahil nakalimutan kong uminom ng tubig kanina bago ako matulog.Napabuntong-hininga ako, at napansin kong walang laman ang pitchel sa tabi ng kama ko. Napilitan akong tumayo, palihim na pinapakinggan ang katahimikan ng gabi. Iniiwasan kong mag-ingay sa bawat hakbang habang bumababa ako ng hagdan, kahit pa tahimik ang buong mansiyon at wala namang makakarinig.Pagdating ko sa kusina, mabilis kong binuksan ang fridge. Ang lamig ng hangin mula sa loob nito ay dumampi sa aking mukha, ngunit agad din akong kumuha ng pitsel ng malamig na tubig at nagbuhos sa baso. Naramdaman ko ang saya ng bawat lagok ng tubig—para bang gumagaan ang pakiramdam ko.Pabalik na sana ako sa ha
Caline’s POVMaagang-maaga pa lang nang magising ako, dala pa rin ang bigat ng mga pangyayari kagabi. Hindi ko malilimutan ang itsura ni Papa—matikas ngunit puno ng pangamba, habang pinapalutang ang mga tubig mula sa ilalim ng lupa. Parang isang mandirigma na handang ipagtanggol ang aming pamilya laban sa kung anong nasa labas ng pinto ng impyerno.Tahimik akong bumaba mula sa aking kuwarto at dumiretso sa dining room. Doon ko naabutan si Mama, nakaayos na at tila may masamang balita sa mga mata. Nakaupo siya sa dulong upuan, tahimik na hinihintay si Papa na nasa kabilang dulo ng hapag. Sa tabi niya, nakaupo si Tita White. Hindi ko alam ang buong kasaysayan ni Tita White, pero alam kong lagi siyang nariyan kapag may kinakaharap na problema si Papa at mama.Naupo ako sa isang tabi, tinanaw ang kanilang mga mukha habang hinihintay na magsimula ang usapan. Ramdam kong may kung anong hindi pangkaraniwang nangyayari—isang bagay na malalim at nakakatakot. Hindi lang ito basta-bastang pagtit
Akeno’s POVTahimik akong nagwawalis sa paligid ng hardin, tinatanaw ang malalawak na taniman ng mga halaman na nagpapalamuti sa mansiyon nila Caline. Ang hamog ay dahan-dahang umaangat mula sa mga dahon, at ang hangin ay malamig, na para bang may pahiwatig na maganda ang panahon ngayon.Habang abala ako sa aking ginagawa, bigla kong naramdaman ang kakaibang panginginig sa lupa. Saglit akong natigilan, ibinaba ang walis at tiningnan ang paligid.Doon ko siya nakita—si Sir Corvus, nakatayo sa isang bahagi ng hardin, ang mga kamay niya ay banayad na kumikilos sa hangin. Hindi ko maiwasang mapanganga sa nakita ko. May umiikot na bola ng tubig sa kanyang harapan, lumulutang at umiikot na para bang may sariling buhay. Galing iyon sa lupa, at kitang-kita ko kung paano niya ito kontrolin nang madali at may kumpiyansa.“Sir Corvus… may kapangyarihan ka na po ulit?” tanong ko na halos hindi makapaniwala sa sarili kong mga mata.Tumingin siya sa akin, at kita ko sa mga mata niya ang seryosong e
Caline’s POVKumagat na ang dilim, at nang masiguro kong tahimik na ang paligid, sinimulan kong sundan si Papa. Gustong kong malaman kung paano niya nagagawang talunin ang mga demonyong sinasabi nilang gumagala sa mga ospital para kumain ng mga kaluluwa ng tao. Marami akong tanong, at hindi na ako nakatiis. Alam kong walang kaalam-alam si Papa sa ginagawa ko ngayon, pero hindi ko mapigilan ang matinding pagnanasang malaman ang totoo.Dahan-dahan akong naglakad, palaging nasa anino niya, sinisiguro kong hindi niya ako makikita. Mahigpit ang kapit ko sa maliit na bato sa bulsa ng jacket ko, parang ito lang ang sandata ko sakaling may mangyari.Pumunta siya sa isang lumang ospital. Sumilip sa emergency room, sa mga room ng pasyente. Nakita ko na parang naaamoy niya ang demonyo. Hanggang sa narating niya ang likuran ng ospital—isang lugar na hindi na iniilawan at parang pinabayaan na ng mga tao.“Who’s there?” Narinig kong boses ni Papa, mabigat at malalim, parang galit ngunit kalmado. Da
Caline’s POVAkala ko tapos na. Tinitigan ko ang mga abong iniwan ng demonyong tinapos ko, at hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa ko iyon. Isang kakaibang lakas ang dumaloy sa akin, pero kasabay noon ang pagod na bumalot sa katawan ko. Parang bigla akong nanghina, halos manginig na ang mga tuhod ko sa pangyayaring hindi ko inaasahan. Ganitong-ganito ako palagi kapag naglalabas ako ng kapangyarihan.Narinig ko ang mga yabag ni Papa papalapit, at alam kong may sasabihin siya—siguro ay sermon dahil sa pagsunod ko sa kanya. Pero bago pa siya makalapit, naramdaman ko ang biglaang lamig sa paligid. Bumigat ang hangin. Napakunot ang noo ko habang lumilinga, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.Hindi ko napansin—may isang demonyo pa palang lilitaw.“Caline, watch out!” sigaw ni Papa, kasabay ng tunog ng kanyang takbong papunta sa akin. Ngunit huli na. Isang malakas na kamao ang tumama sa likuran ko bago ko pa man naisipang lumingon.Nagulat ako sa matinding sakit na dumaloy mula sa liko
Caline’s POVPagsapit ng umaga, nagising ako sa amoy ng sinangag na nagmumula sa kusina. Hindi ko na pala nalapat ang pinto kagabi dahil sa pagod, kaya ang amoy sa labas ay pumapasok na sa loob ng kuwarto ko.Ramdam ko pa rin ang mga pananakit ng katawan ko mula sa laban kagabi, pero mas nangingibabaw ang pakiramdam ng tagumpay at pagmamalaki. Ang hirap ipaliwanag—parang sa isang gabi lang, nagbago ang takbo ng mundo ko. Napatunayan ko sa sarili ko na hindi ako basta-basta, na may lakas at kakayahan din akong ipaglaban ang mga taong mahalaga sa akin.Narinig ko si Mama Alina na masiglang nakikipag-usap sa Papa Corvus ko. Hindi ko mapigilan ang aking mga labi sa pagngiti habang pinakikinggan ang mga hirit ni Papa sa mga kuwento niya tungkol sa nangyari kagabi.“Alina, hindi mo alam kung gaano katapang si Caline kagabi,” narinig kong sabi ni Papa na may bahid ng halakhak at pagmamalaki sa boses niya. “Kung nakita mo lang siya! Hindi nagdalawang-isip na sumugod para protektahan ako.”Nar
Caline’s POVPagkatapos ng trabaho ni Akeno sa hardin namin, nagpaalam lang siya na maglilinis ng katawan. Sakto, kailangan ko pang gumayak kasi kakatapos ko lang makipag-usap kay papa. Simula nang makasama ko siyang lumaban sa mga demonyo, palagi na niya akong gustong kausapin. Sinasabi niya sa akin ang mga dapat kong malaman, dapat kong matutunan at ang mga dapat kong iwasan.Sa ngayon daw, huwag na muna akong maglalabas at makipagkita sa mga kaibigan ko. Pero kung si Akeno naman daw ang kakasamahin ko sa labas, okay lang. Mainam daw na maging close na kami lalo kasi kailangan ko raw talaga si Akeno sa buhay ko. Kaya kung maaari ay dapat magkadikit daw kami palagi. Weird pakinggan na ang mga magulang ko pa ang nag-uudyok na magdidikit ako sa isang lalaki, pero kasi sa case ko, kailangan ko talaga kasi si Akeno ang susi para tuluyan nang mapasa-akin ang kapangyarihan ko.Pagkagayak ko at pagkatapos din gumayak ni Akeno ay umalis na kami. Agad niya akong sinama sa isang mamahaling cof
Caline’s POVHabang magiliw na nakikipag-usap si Akeno sa kanila, hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakatuwang tingnan na kaya niyang makisabay sa mga kaibigan ko, kahit alam kong sila mismo ay madalas nagkokomento tungkol sa social status. Pero ngayon, sa harap ng isang guwapong binata na parang modelo raw, nawala lahat ng prejudice nila. Proud akong tingnan siya habang sumasagot nang maayos at may respeto sa mga tanong ng mga kaibigan ko.“So, Akeno, what do you do? You look like you’d be in some high-profile job,” tanong ni Brianna habang kunwari’y iniinspeksyon ang suot ni Akeno.“Ah, well, I work mostly with plants and gardens,” sagot niya, simple pero diretso, na may ngiti sa labi. “It’s a bit different, but I enjoy it.Patay, naku, huwag naman sanang dito mag-start. Sana nagsinungaling na lang siya.Nagkatinginan kami ni Akeno. Alam kong may halong kaba ang sagot niyang iyon, pero parang may nais pa siyang sabihin. Bago pa makasagot ang mga kaibigan ko, sumingit ako para palitan
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag