Caline’s POVHabang magiliw na nakikipag-usap si Akeno sa kanila, hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakatuwang tingnan na kaya niyang makisabay sa mga kaibigan ko, kahit alam kong sila mismo ay madalas nagkokomento tungkol sa social status. Pero ngayon, sa harap ng isang guwapong binata na parang modelo raw, nawala lahat ng prejudice nila. Proud akong tingnan siya habang sumasagot nang maayos at may respeto sa mga tanong ng mga kaibigan ko.“So, Akeno, what do you do? You look like you’d be in some high-profile job,” tanong ni Brianna habang kunwari’y iniinspeksyon ang suot ni Akeno.“Ah, well, I work mostly with plants and gardens,” sagot niya, simple pero diretso, na may ngiti sa labi. “It’s a bit different, but I enjoy it.Patay, naku, huwag naman sanang dito mag-start. Sana nagsinungaling na lang siya.Nagkatinginan kami ni Akeno. Alam kong may halong kaba ang sagot niyang iyon, pero parang may nais pa siyang sabihin. Bago pa makasagot ang mga kaibigan ko, sumingit ako para palitan
Caline’s POVPag-alis namin sa coffee shop, nag-aya siyang umuwi sa kanila. Ang sabi niya, sumama raw ako sa kaniya kung wala naman daw akong gagawin. Gusto raw niya akong ipagluto ng masarap ng hapunan. Ako namang si gaga, palibahasa’t kinikilig pa rin sa kaniya, sumama na rin kasi nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya.Pero sa totoo lang, hindi siya nag-o-open ng topic tungkol doon sa nangyaring pagka-udlot ng dapat ay sëx on phone namin. Siya na nga lang ‘yung magma-mariang palad, naudlot pa dahil kay mama. Hindi ko na alam kung anong nangyari nun. Kung tinuloy pa ba niya ng siya na lang o huminto siya dahil sa inis.Pagka-park ko ng sasakyan ko, bumaba na kami at tumuloy nang pumasok sa loob ng bahay-kubo niya. Na-miss ko rin itong maliit niyang bahay.“Sandali lang, maupo ka muna at magbibihis lang ako. Hindi na bagay sa bahay ko ang outfit kong ‘to. Saka, papalaba ko pa ‘to kasi inarkila ko lang ‘to sa bayan,” pag-aamin niya kaya natawa na naman ako.Habang nakaupo ako sa i
Alina’s POV Nagulat na lang ako na nasa tapat ako ng isang lumang apartment na para bang lumang-luma na. Takang-taka ako, dahil parang nag-teleport ako rito. Narito ako sa kalsada nang biglang may dumaan na mabilis na sasakyan. Napasigaw ako nang malakas nang inakala kong sasagasaan niya ako pero, laking-gulat ko nang tumagos ako bigla sa sasakyan na ‘yon. What the fuck! I slowly looked at myself. Nakasuot pa rin ako ng damit pangkasal pero, ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang buo kong katawan at buong sarili. Parang…parang black and white ang itsura ko. Panaginip ba ito? I looked around. I screamed and asked for help. Umaasang maririnig ako ng mga tao pero wala. Kahit lapitan at sigawan ko man sila sa mismong harap ng mukha nila ay walang nangyayari. I’m just passing through their bodies. Bakit tumatagos ako sa kanila? Okay, panaginip ata ito. Oo, hindi ako dapat mag-panic kasi panaginip ito. Pero kung panaginip ito, ang gara naman. Para kasing totoo. Napakunot ang n
Alina’s POV “Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!” Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon. Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad? “I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…” I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya. “Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!” I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta
Corvus’ POVPumunta ako kay Aling Paleng para magtanong tungkol sa naririnig kong boses sa apartment ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo ko. Pagdating dito sa tapat ng malaking bahay ni Aling Paleng ay agad kong pinindot ang doorbell sa may gate niya. Naghahabol ako ng hininga habang basang-basa rin sa sarili kong pawis.“Hoy, nandiyan na, sandali lang! Sisirain mo naman ang doorbell ko kung makapindot ka riyan!” iritadong sigaw niya habang palabas na ng pinto ng bahay niya. Iika-ika itong maglakad kasi pinanganak na talaga siyang pilay ‘yung isa paa. Kaya nga raw tinawag siyang paleng kasi paleng daw itong maglakad. Nakakunot ang noo niya, halatang na-bad-trip dahil sa pagdating ko.“Aling Paleng, may gusto po kasi akong sabihin at itanong sa inyo,” sabi ko nang pagbuksan na niya ako ng gate. Galit pa rin ang mukha niya kahit nakita niyang ako ito. Sa lahat kasi ng tenant niya, ako ang paborito niya. Ngayon kasi, mabilis na akong magbayad ng upa sa kaniya kasi mababa l
Alina’s POVI accompanied Helena downstairs to leave my penthouse. I thought that if I just stayed there, nothing would happen. Now I’m just a soul, I don’t know how long I’ll stay in this world. Baka kasi masayang lang ang oras ko dito. Bago sana ako tuluyang mawala dito sa mundong ibabaw, gusto ko sanang magkaroon ng hustisya ang pagkawala ko.I also don’t know if I’m headed for heaven or hell. Or maybe there really is another world where when you die here in the world of humans, you go to another world.“Alina, dalawin mo ako sa panaginip ko. Sabihin mo sa akin kung ano bang nangyari sa iyo,” bulong ni Helena dito sa loob ng elevator habang nasa tabi ko siya. Hanggang ngayon, panay pa rin ang iyak niya. Sobrang sweet talaga ng babaeng ito kahit kailan. Nalulungkot tuloy ako lalo kapag nakikita kong malungkot siya.“Kung kaya ko lang, Helena, gagawin ko,” sagot ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.Pagdating sa labas ng penthouse, naghiwalay na kami. Hinaya
Corvus’ POV Si Geronimo ang bumungad sa mga mata ko nung magising na ako. Agad ko namang naalala ‘yung nakausap kong multo kanina kaya tuloy-bangon ako para tumingin sa paligid. “Pare, ano bang nangyari sa ‘yo?” tanong ni Geronimo na takang-taka sa akin. “M-may mult—” Hininto ko ang sasabihin ko kasi baka pati siya ay pag-isipan na nababaliw na ako. “May ano?” tanong pa niya ulit. “Wala, nanaginip lang siguro ako,” tanging sagot ko na lang at saka na ako naupo sa sofa. Tumingin-tingin pa rin ako sa paligid, pinapakiramdaman ko kung nandito pa rin ba ‘yung kaluluwa na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nagpakilala na siya sa akin kanina.Napatingin ako sa newspaper na nasa lapag. Pinulot ko ito at saka ko muling tinignan ang pangalan niya sa headline. Tama, siya si Alina Lovia. Ang babaeng nagpakamatay—hindi pala. Hindi raw siya nagpakamatay, iyon ang sabi niya kanina. “Mabuti pumunta ako dito. Nagulat ako nang madatnan kitang walang malay. May sakit ka ba?” “Wala, nawalan lang
Corvus’ POV Alas sais palang ng umaga ay nandito na kami ni Geronimo sa flower shop ng ate niya. Malaki pala nito at ang daming mga iba’t ibang bulaklak at dahon. Ang sabi ni Geronimo sa akin ay marami raw pa-order ang ate niya ngayong araw kaya kailangan naming maging masipag. Limang flower bouquet daw ang naka-assign na gagawin ko at limang bulaklak na pangpatay. Ang nakakakaba lang dito ay wala akong experience sa pag-aayos ng bulaklak. Natatawa tuloy ako kung bakit tinanggap ko pa itong trabahong ito. Sinabi pa kanina ni Geronimo sa ate niya na magaling kaming mag-ayos at marami ng karanasan sa pag-aayos ng bulaklak kaya lalo akong natatakot. Kung bakit kasi hindi ko rin naisip na kung minsan, gago rin itong si Geronimo. “Oh, bakit nakanganga ka pa diyan? Ang dami mong kailangang gawin, mag-umpisa ka na,” dining kong bulong ni Alina. Hindi na ako nagtaka kung bakit pati dito ay sumama pa siya. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakakuwento niya ng buhay niya. Ewan ko ba d