Caline’s POVNarinig ko ang tahimik na huni ng mga ibon sa labas ng bintana nang magising ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Pero imbis na humawak ng cellphone para tumingin ng notification ay naisip ko agad si Cass. Mabilis akong bumangon at sinilip ang oras—alas-sais pa lang ng umaga. Dapat sana, pupuntahan ko agad si Cass sa guest room, ngunit tila nahulo na ako.Wala si Cass sa guest room. Nasaan na ‘yon?Nilibot ko ang buong mansyon, nagbabakasakaling makita ko siya sa isa sa mga kuwarto o kaya ay sa sala. Nakita ko sina mama at papa na nag-aalmusal, tinanong nila ako pero hindi ko sila agad nasagot kasi gusto ko munang makita muna si Cass.Pinuntahan ko rin ang library, ang kusina, pati na ang veranda, ngunit tila wala siya kahit saan. Nag-alala ako nang hindi siya matagpuan; paano kaya siya nakalabas nang hindi ko nalalaman?Hindi kaya hindi siya nakatulog at na-boring kaya umalis na rin agad nang hindi nagpapaalam.Huli kong pinuntahan ang hardin, nagbasakali ulit na baka
Caline’s POVHapon na at kanina pa kami magkakasamang tatlo nila Akeno at Cass. Nang bigla kong maisip na baka may matulong ang mahiwagang swimming pool.“Alam ko na,” sabi ko na kinagulat ng dalawa.“Ano, matutulungan mo na ako, Caline?” masayang tanong ni Cass.“Oo, baka may matulong ang mahiwagang swimming pool namin,” sagot ko kaya nakita kong napangiti din si Akeno.“Oo nga, may mahiwagang swimming pool nga pala kayo,” sang-ayon ni Akeno sa akin.Hinala ko agad sina Cass at Akeno papunta sa swimming pool area namin.“Ano bang meron sa swimming pool na ’to?” tanong niya na bahagyang nakakunot ang noo.“I have my reasons, Cass. You’ll understand once we’re there,” sagot ko, pilit na pinapasigla ang boses ko. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako. Hindi ko pa nasubukang dalhin ang isang kaluluwa sa mahiwagang swimming pool, at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa presensya ni Cass.Narating namin ang likod ng mansyon kung saan matatagpuan ang mahiwagang swimming p
Caline’s POVNakahanda na ako sa gitna ng garden namin. Ang katahimikan ng paligid ay tila nagbigay ng kakaibang bigat sa bawat segundo. Wala si Akeno kasi day off niya, si Cass naman, nasa gilid at tahimik na nag-aabang sa magiging training ko.Napalunok ako ng hangin at pilit na pinapalakas ang loob ko, pero hindi ko mapigilang kabahan.Si Papa Corvus ay nakatayo na rin sa harap ko, mabigat ang tingin at halatang seryoso. Ito ang unang araw ng training ko, at wala akong ideya kung ano ang mangyayari. Sinimulan na niya akong turuan ng mga basic defense, ngunit parang sa bawat galaw ko ay nagkakamali ako.“Keep your stance low, Caline. You’re too open,” malamig niyang sabi.Wala pang isang oras kaming nagte-training, pero parang ang hirap para sa akin. Siguro ay dahil sanay akong nakahilata lang sa kuwarto ko, sanay lang na palaging naka-relax.“Kaya mo ‘yan, Caline,” pangchi-cheer pa sa akin ni Cass. Ngumiti ako nang hindi tumitingin sa kaniya kasi baka mahalita ako ni papa. Hanggang
Caline’s POVHuminga ako nang malalim, pilit nilalakasan ang loob ko para sa susunod na round ng training. Ramdam ko pa rin ang bigat sa katawan, pero higit pa roon ang bigat ng mga mata ni Papa Corvus, tila nanunuot sa kaluluwa ko ang bawat tingin niya. Alam kong hindi siya magpapakita ng awa dahil lang nahihirapan ako. Kaya kailangan kong tumayo at ipakita sa kanya na kaya kong magpakatatag.Ibang-iba si papa pagdating sa ganito, talagang para siyang ibang tao, sobrang seryoso at sobrang sungit, ngayon na lang ako natakot ng ganito kay Papa.Pumuwesto ako nang mas maayos at mas mababa ang stance, gaya ng sinabi niya kanina. Nang ngumiti siya nang bahagya, napatigil ako. Hindi ito ngiti ng pagtutuwid, kundi ng pagkilala—parang may bahagyang paghanga.“Now, strike at me,” sabi niya, seryoso ngunit mas kalmado na ang boses.Nagdadalawang-isip ako. Hindi pa ako sanay at alam kong magaling siyang lumaban kahit walang kapangyarihan, samantalang ako ay nagsisimula pa lang. Pero sa isang ig
Caline’s POVHapon na at kakauwi lang ni Akeno. Kakatapos lang din ng training ko at habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan sa mga pinapagawa sa akin ni papa. Kaya naman naisip ko, paano kaya kapag nasa katawan ko na habangbuhay ang kapangyarihan ko, siguro mas madali ang training kasi makapangyarihan na ako.Nadedemonyo tuloy akong puntahan si Akeno para magpasakop na, para isuko na ang aking pagkabirhen, iyon lang naman na ang kailangan, e. Sadyang ako lang ‘yung tangang malanding pakipot na ayaw pa, todo-bigay pa naman na si Akeno.Habang nandito ako sa loob ng kuwarto, nakahiga at namamahinga, panay ang isip ko kay Akeno. Iniisip kong ituloy na, kaya lang e, buwisit ang puso ko. Hindi tumutugma sa isip kong naughty mag-isip.“Anak, tara, mag-merienda ka, nagluto ako ng carbonara,” sabi ni mama sa labas ng kuwarto ko.“Sige po, susunod po ako sa ibaba,” sagot ko naman.“Huwag kang magtagal, lalamig, mas masarap iyon kapag mainit.”“Okay po.”Bumangon na ako at nagpalit ng dam
Caline’s POV Pagdating ko sa bahay-kubo ni Akeno, nadatnan kong nakaupo siya sa harap ng bahay niya, nakatulala at parang malalim ang iniisip. Nang makita niyang huminto ang sasakyan ko, doon lang siya napatingin sa akin.Tumayo siya at sinalubong ako. “Oh, anong ginagawa mo rito, Miss Caline?” tanong niya agad at saka siya tumingin sa bitbit kong merienda namin.“Tara, samahan mo akong mag-merienda,” aya ko sa kaniya. Ginawa ko lang dahilan din talaga itong merienda, pero iba ang pakay ko.“Aba, tamang-tama, nag-iisip din talaga ako nang me-meriendahin ko kaya tulala ako kanina,” nakangiti niyang sabi.Pagpasok namin sa loob ng bahay niya, binaba niya agad sa lamesa ang mga ihaw-ihaw at buko juice. Kumuha siya ng plato at saka niya hinandan ang dala ko. Habang inaasikaso niya ‘yon, nakatitig lang ako sa kaniya.Tama, sobrang okay naman talaga ni Akeno. Guwapo, maganda ang katawan, mabait at sobrang sipag. Wala akong nakikitang dahilan para mahiya akong patulan siya. Wala akong nakik
Alina’s POV Nagulat na lang ako na nasa tapat ako ng isang lumang apartment na para bang lumang-luma na. Takang-taka ako, dahil parang nag-teleport ako rito. Narito ako sa kalsada nang biglang may dumaan na mabilis na sasakyan. Napasigaw ako nang malakas nang inakala kong sasagasaan niya ako pero, laking-gulat ko nang tumagos ako bigla sa sasakyan na ‘yon. What the fuck! I slowly looked at myself. Nakasuot pa rin ako ng damit pangkasal pero, ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang buo kong katawan at buong sarili. Parang…parang black and white ang itsura ko. Panaginip ba ito? I looked around. I screamed and asked for help. Umaasang maririnig ako ng mga tao pero wala. Kahit lapitan at sigawan ko man sila sa mismong harap ng mukha nila ay walang nangyayari. I’m just passing through their bodies. Bakit tumatagos ako sa kanila? Okay, panaginip ata ito. Oo, hindi ako dapat mag-panic kasi panaginip ito. Pero kung panaginip ito, ang gara naman. Para kasing totoo. Napakunot ang n
Alina’s POV “Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!” Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon. Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad? “I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…” I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya. “Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!” I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta