Akeno’s POVPagdating ko sa bahay, pagod ako pero may konting excitement. Bitbit ko ang cake na bigay ni Caline. Nakakainis, sa totoo lang, kasi sino ba namang may alam na kaya kong bumigay nang ganito sa isang slice ng cake, noh? Pero hindi rin ako makatanggi—isang buong cake ‘to, na sinadya lang daw niya para sa akin. Naks, special na talaga ang tingin ni Miss Caline sa akin.Pagkababa ko ng gamit sa mahabang bangko, tinitigan ko muna ang cake sa mesa. Naka-box pa siya at may maliit na note sa gilid: enjoy!Kumuha ako ng plato, hinanda ang tinidor at binuksan ang cake box. Hindi ako dumaan sa palengke para bumuli ng pagkain kasi may merienda ako sa pag-uwi ko. At ito na nga ‘yung cake na bigay ni Miss Caline.Lumanghap ako ng amoy ng tsokolate at ng tamis ng icing ng cake. Kumuha ako ng isang malaking kagat at,holy smokes, parang literal na ligaya ang nasa bibig ko. “Ang galing mo, Caline,” bulong ko at natatawa ako sa sarili ko na parang ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Sino
Caline’s POVOras na para sa napag-usapan namin ni Akeno. Sa totoo lang, kinakabahan na ako. Never ko pa ‘tong ginawa. Ngayon lang, para kay Akeno, gagawin ko ‘to. Yes, nakakapag-mariang palad naman ako, pero hindi ko pa nata-try mag-mariang palad nang panunuorin ako.Ay, jusmiyo, natatawa tuloy ako. Talaga bang gagawin ko ‘to?Pero ang tanong, kaya ko ba talaga? Kaya ko bang maging hubu’t hubad sa harap ng camera, tapos alam kong si Akeno pa ang manunuod. Ay, naku, bahala na nga!Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko kasi tapos na akong mag-dinner at uminom ng tsaa.Gaya nang sinabi niya kanina, mag-lock na lang daw ako ng pinto para walang makahuli sa gagawin namin. Tama naman, mas nakakahiya kung mahuhuli ako ng isa sa mga kasambahay namin, nakakahiya talaga ‘yon.Grabe, ang weird ng ganitong pakiramdam. Hindi ko lubos maisip na gagawin ko ‘to. Na mababaliw ako sa isang lalaki at magagawa ko ang ganitong bagay. Sa totoo lang, narinig ko na dati ang mga ganitong gawain sa mga close fr
Caline’s POV“Miss Caline, tulungan mo na lang akong mag-init lalo,” sabi pa niya kaya nagtaka ako.“Mag-init lalo? P-paano?” nauutal tuloy ako. Bakit kasi wala akong idea sa mga ganitong gawain. Dapat pala bago ako sumabak sa mga ganito, nagtanong-tanong muna ako o nag-search sa internet. Mukha tuloy virgin na virgin ako, pero totoo naman kasi. Nakakahiya lang kasi baka magmukhang boring ako sa paningin ni Akeno.“Ang ibig kong sabihin, tulungan mo akong mag-init lalo. Magsabihan tayo ng mga salitaang nakakalibog lalo. Tapos, ngumanga ka minsan, labas-labas mo dila mo. Imagine-in mo na isusubo mo ang akin, tapos ganoon din ako para lalo akong mag-enjoy. Ganiyan na lang ang gagawin mo kaya sana ay mapagbigyan mo ako,” paliwanag niya kaya napangiti ako ng pilit. Grabe, kaya ko ba ‘yon? Sabagay, ganoon na lang ang pinapagawa niya kaya pagbibigyan ko na.Nakakainis, ako ‘yung malanding pagdating sa mismong landian, wala, tiklop, weak ako.“Oo, gagawin ko, kaya ko naman siguro,” matapang
Caline’s POVNasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang bigla akong naalimpungatan. Madilim ang kuwarto, at ang natatanaw ko lang ay ang malabong anino ng bintana sa dinding. Tila may kung anong pumukaw sa akin mula sa aking mahimbing na tulog, at unti-unti kong napagtanto ang dahilan—nauuhaw ako. Nauuhaw na nauuhaw. Siguro ay dahil nakalimutan kong uminom ng tubig kanina bago ako matulog.Napabuntong-hininga ako, at napansin kong walang laman ang pitchel sa tabi ng kama ko. Napilitan akong tumayo, palihim na pinapakinggan ang katahimikan ng gabi. Iniiwasan kong mag-ingay sa bawat hakbang habang bumababa ako ng hagdan, kahit pa tahimik ang buong mansiyon at wala namang makakarinig.Pagdating ko sa kusina, mabilis kong binuksan ang fridge. Ang lamig ng hangin mula sa loob nito ay dumampi sa aking mukha, ngunit agad din akong kumuha ng pitsel ng malamig na tubig at nagbuhos sa baso. Naramdaman ko ang saya ng bawat lagok ng tubig—para bang gumagaan ang pakiramdam ko.Pabalik na sana ako sa ha
Caline’s POVMaagang-maaga pa lang nang magising ako, dala pa rin ang bigat ng mga pangyayari kagabi. Hindi ko malilimutan ang itsura ni Papa—matikas ngunit puno ng pangamba, habang pinapalutang ang mga tubig mula sa ilalim ng lupa. Parang isang mandirigma na handang ipagtanggol ang aming pamilya laban sa kung anong nasa labas ng pinto ng impyerno.Tahimik akong bumaba mula sa aking kuwarto at dumiretso sa dining room. Doon ko naabutan si Mama, nakaayos na at tila may masamang balita sa mga mata. Nakaupo siya sa dulong upuan, tahimik na hinihintay si Papa na nasa kabilang dulo ng hapag. Sa tabi niya, nakaupo si Tita White. Hindi ko alam ang buong kasaysayan ni Tita White, pero alam kong lagi siyang nariyan kapag may kinakaharap na problema si Papa at mama.Naupo ako sa isang tabi, tinanaw ang kanilang mga mukha habang hinihintay na magsimula ang usapan. Ramdam kong may kung anong hindi pangkaraniwang nangyayari—isang bagay na malalim at nakakatakot. Hindi lang ito basta-bastang pagtit
Akeno’s POVTahimik akong nagwawalis sa paligid ng hardin, tinatanaw ang malalawak na taniman ng mga halaman na nagpapalamuti sa mansiyon nila Caline. Ang hamog ay dahan-dahang umaangat mula sa mga dahon, at ang hangin ay malamig, na para bang may pahiwatig na maganda ang panahon ngayon.Habang abala ako sa aking ginagawa, bigla kong naramdaman ang kakaibang panginginig sa lupa. Saglit akong natigilan, ibinaba ang walis at tiningnan ang paligid.Doon ko siya nakita—si Sir Corvus, nakatayo sa isang bahagi ng hardin, ang mga kamay niya ay banayad na kumikilos sa hangin. Hindi ko maiwasang mapanganga sa nakita ko. May umiikot na bola ng tubig sa kanyang harapan, lumulutang at umiikot na para bang may sariling buhay. Galing iyon sa lupa, at kitang-kita ko kung paano niya ito kontrolin nang madali at may kumpiyansa.“Sir Corvus… may kapangyarihan ka na po ulit?” tanong ko na halos hindi makapaniwala sa sarili kong mga mata.Tumingin siya sa akin, at kita ko sa mga mata niya ang seryosong e
Caline’s POVKumagat na ang dilim, at nang masiguro kong tahimik na ang paligid, sinimulan kong sundan si Papa. Gustong kong malaman kung paano niya nagagawang talunin ang mga demonyong sinasabi nilang gumagala sa mga ospital para kumain ng mga kaluluwa ng tao. Marami akong tanong, at hindi na ako nakatiis. Alam kong walang kaalam-alam si Papa sa ginagawa ko ngayon, pero hindi ko mapigilan ang matinding pagnanasang malaman ang totoo.Dahan-dahan akong naglakad, palaging nasa anino niya, sinisiguro kong hindi niya ako makikita. Mahigpit ang kapit ko sa maliit na bato sa bulsa ng jacket ko, parang ito lang ang sandata ko sakaling may mangyari.Pumunta siya sa isang lumang ospital. Sumilip sa emergency room, sa mga room ng pasyente. Nakita ko na parang naaamoy niya ang demonyo. Hanggang sa narating niya ang likuran ng ospital—isang lugar na hindi na iniilawan at parang pinabayaan na ng mga tao.“Who’s there?” Narinig kong boses ni Papa, mabigat at malalim, parang galit ngunit kalmado. Da
Caline’s POVAkala ko tapos na. Tinitigan ko ang mga abong iniwan ng demonyong tinapos ko, at hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa ko iyon. Isang kakaibang lakas ang dumaloy sa akin, pero kasabay noon ang pagod na bumalot sa katawan ko. Parang bigla akong nanghina, halos manginig na ang mga tuhod ko sa pangyayaring hindi ko inaasahan. Ganitong-ganito ako palagi kapag naglalabas ako ng kapangyarihan.Narinig ko ang mga yabag ni Papa papalapit, at alam kong may sasabihin siya—siguro ay sermon dahil sa pagsunod ko sa kanya. Pero bago pa siya makalapit, naramdaman ko ang biglaang lamig sa paligid. Bumigat ang hangin. Napakunot ang noo ko habang lumilinga, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.Hindi ko napansin—may isang demonyo pa palang lilitaw.“Caline, watch out!” sigaw ni Papa, kasabay ng tunog ng kanyang takbong papunta sa akin. Ngunit huli na. Isang malakas na kamao ang tumama sa likuran ko bago ko pa man naisipang lumingon.Nagulat ako sa matinding sakit na dumaloy mula sa liko