Share

Kabanata 160

Caline’s POV

“Buhay pa siya,” biglang sagot ng mahiwagang swimming pool. Naramdaman ko ang kilabot ng boses nito na tumagos sa tenga namin ni mama, “Ang kakambal mong si Caius ay buhay pa.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, at kahit paano, bumalik ang tibok ng puso kong kanina pa nangangalog sa kaba. Buhay pa si Caius! Hindi ko maiwasang mapaluha, parang biglang gumaan ang lahat ng pinapasan ko.

Niyakap tuloy ako ni mama kasi gaya ko, isa rin siya sa sobrang nakaramdam ng saya dahil sa narinig namin.

Ngunit kasunod ng sagot ng mahiwagang swimming pool, narinig ko ang isang kaluskos mula sa tubig. Ang dating malinaw na imahe ay tila nagugulo. Parang may mga anino na humaharang dito at sa bawat paggalaw ng tubig, parang nagiging malabo ang lahat.

“Bakit... bakit hindi mo masabi kung nasaan siya?” tanong ko. Hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala.

“Buhay pa siya, pero may puwersang nagtatago sa kaniya. Hindi ko masagap kung nasaan siya.” Muli bumalik ang boses ng mahiwagang pool,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status