Home / Romance / Pangarap Kong Matikman Ka / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Pangarap Kong Matikman Ka: Chapter 111 - Chapter 120

213 Chapters

Kabanata 110

Corvus’ POVPagdating sa ospital, kasama ang kaluluwa ng ligaw na batang lalaki ay tinuro niya sa akin kung saan makikita ang sinasabi niyang may demonyong nangangain ng ligaw na kaluluwa. Sa tapat ng emergency room, naroon ang isang matangkad na itim na lalaking nag-aabang. Ang itsura niya, parang sunog ‘yung balat. Tapos, amoy na amoy dito sa paligid ang parang sunog na kahoy o tao. Sigurado akong amoy ‘yun ng demonyong ‘to.Halatang nag-aabang ito sa mga taong nag-aagaw-buhay. Nag-aabang sa katawan ng tao na hihiwalay ang kaluluwa sa katawan upang biktimahin niya. Titig na titig siya sa loob. Focus lang sa goal ang istura niya. Kung bakit ba naman kasi sarap na sarap sila sa mga kaluluwa ng tao.Ayon pa sa batang lalaking nakausap ko, halos limang fresh na kaluluwa na ang nakain nito ngayong gabi lang. Kitang-kita raw niya kung paano higupin ng demonyong ‘to ang ligaw mga bagong ligaw na kaluluwa.“Mabuti hindi ka niya nabibiktima?” tanong ko sa batang lalaki.“Ginagalingan ko ang
Read more

Kabanata 111

Corvus’ POVNagising ako pagkatapos ng isang oras na wala akong malay-tao. Tumayo agad ako at saka pumasok sa loob ng ospital. Hinanap ko ang kaluluwa ng batang lalaki na nakausap ko kanina, pero hindi ko na ‘to nakita. Sa hallway, nagpakita si lola sa akin.“Nakita niyo po ba siya?” alam kong alam ni lola ang tinutukoy ko.“Sampo o mahigit na kaluluwa na ang nakain ng demonyong ‘yun ngayong gabi. At kasama na roon ang batang lalaking hinahanap mo. Nung mawalan ka ng malay kanina, sinundan siya ng demonyo. Nagalit siya rito kaya hindi siya tumigil hanggang hindi ‘to nakikita. Ngayon, ang comatose nitong katawan ay tuluyan na ring bumigay. Hindi mo nagawang iligtas ang bata, namatay na rin ito dahil nasa loob ng katawan ng demonyong ‘yon ang kaluluwa niya.”Nalungkot ako sa binalita ni lola. Parang nawala ako ng lakas. Kung hindi lang sana ako tinamaan ng pagbuga niya ng apoy sa akin ay baka naligtas ko siya. Naawa ako sa kaniya kasi wala akong nagawa. Ang tanga-tanga ko.“Ang demonyo,
Read more

Kabanata 112

Corvus’ POVMadaling-araw palang ay nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Bumangon na ako at saka naligo. Gumalaw ako nang hindi nagigising si Alina para hindi ko maistorbo ang pagtulog niya.Pagbaba ko sa ibaba, sa kusina ang tuloy ko. Hindi ko na rin muna ginising ang mga kasambahay. Ako na ang nagluto ng pagkain ko. Nag-noodless na lang ako para madaling lutuin at madaling kainin.Nilalamig pa ako. Palibhasa’t maaga pa at malamig ang paligid kaya tumataas ang mga balahibo sa tuwing iihip ang hangin. Tamang-tama ang paghigop ko ng mainit na sabaw ng noodless, kahit pa paano ay naiibsan ang panlalamig ko.Dinala ko na sa garden ang tasa ng kape at doon na ininom habang naghahagilap ako ng mga bulaklak na gagamitin ko sa pag-aaral ko sa swimming pool area. Ang hinanap ko, ‘yung mga bulaklak na hindi ko pa nata-try gamitin sa mahiwagang swimming pool. Naglaan ako ng mahabang oras dito kasi ang kailangan ko ay ‘yung mahalagang bulaklak.Pagkalipas ang halos isang oras ay lima
Read more

Kabanata 113

Corvus’ POVAng last na bulaklak na hawak ko ay galing pa sa fountain namin kanina. Kakaiba ang isang ‘to sa apat na bulaklak na nauna kong nakuha. Kaya napili kong pitasin kanina sa may tubig. Ang kulay niya ay parang translucent blue. Gandang-ganda ako sa kaniya kanina nung pitasin ko. At sa lahat ng bulaklak na napitas ko kanina, ito rin ‘yung pinakahuling nakita ko.“Sana ikaw na,” bulong ko.Binaba ko na sa tubig ang huling bulaklak na hawak. Ang tubig ng swimming pool ay agad nang naging kulay light blue, ganoon din ang itim na libro. Ang ganda nang pagkakailaw ng tubig at ng libro kaya malakas ang kutob ko na may kakaiba na talaga sa bulaklak na ‘to.Maya maya pa ay lumabas na ang magic spell sa libro. Binasa ko na agad ito at doon palang, napapangiti na ako kasi parang alam ko na agad ang kakayahan nito.Napasigaw ako sa tuwa nang malaman kong isa na ngang magic element ang kakayahan ng aqua lily na nakita ko na ngayon.“Aqua lily, kontrolin ang tubig, linisin ang mga likido,
Read more

Kabanata 114

Alina’s POVMaaga pa at kasalukuyang nag-e-ensayo si Corvus sa bagong kakayahan niya kaya nagpasya kami ni mama na lumabas ng mansiyon para asikasuhin ang mga naipong trabaho sa kompanya namin. Nabo-boring na rin kasi ako na nakakulong lang sa bahay. Kaya kapag araw, naisip namin ni mama na maglalabas. Safe pa naman kapag may araw pa. Sa gabi lang naglisaw ang mga kampon ng kadiliman.Magkasama kami ni mama dito sa likod ng sasakyan ko. May kasama kaming driver at mga bodyguard. Si Corvus kasi, ayaw niya nang wala kaming kasamang bodyguard kapag lalabas ng manisyon niya. Nag-iingat na siya, lalo na’t nagdadalang-tao ako.“Alam mo, anak. Sa panahon ngayon, kakaiba na talaga. Masyado nang mahiwaga ang mga bagay-bagay sa paligid natin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may ganiyan at ganito. Tulad ni Corvus, tulad ng mansiyon nilang mahiwaga at tulad na lang din ng mga demonyong kinakalaban ni Corvus. Isama na rin natin ‘yung milagrong nangyari sa ‘yo, ang pagkabuhay mo,”
Read more

Kabanata 115

Alina’s POV Tatlong garden shop ang napuntahan namin ni Manang Penpen. Bawat shop, halos isang truck ng mga tanim na bulaklak ang nabili ko. Bawat shop din, nag-hire ako ng mga hardinero na magtatanim dito sa garden ko. Mabuti na lang at marunong sa mga landscape ang mga nakausap kong hardinero kanina kaya hindi ko na rin problema kung paanong tanim at ayos ang dapat kong gawin dito sa garden ko. Pinaubaya ko na lang sa kanila, basta ang sabi ko, ang gusto kong mangyari ay makitang maraming tanim na bulaklak dito sa garden ko at pati na rin sa paligid ng swimming pool ko.“Hindi pa tapos ang garden at swimming pool area, pero parang nakikita ko nang maganda ang kalalabasan nito,” sabi ni Manang Penpen habang magkatabi dito sa likod ng sasakyan ko.“Oo nga, pati ako excited na rin,” sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti. Nauna kaming umuwi sa manisyon.Maya maya, isa-isa na ring dumating ang mga truck.“Manang Penpen, magpahanda ka ng ng maraming merienda sa kusina at marami tayong
Read more

Kabanata 116

Alina’s POVHalos alas dos na ng hapon nang magising ako. Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumangon na ako. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam ko. Kapag talaga nahihilo at nanghihina ako, tulog lang talaga ang kapatat nito para maging okay ako.Lumabas na ako ng kuwarto ko at saka pumunta sa ibaba. Nakita ako ng bodyguard ko na pababa ng hagdan kaya agad niya akong sinalubong para alalayan.“Okay na ako, hindi mo na ako kailangang alalayan, salamat na lang,” sabi ko sa kaniya pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko hanggang hindi ako nakakababa sa hagdan. Sumilip ako sa pinto pagdating ko sa ibaba. Nakita ko agad na malaki na ang nabago. Ang dami na rin nilang naitanim. Ang hindi lang maganda sa mata ko ay medyo lanta pa ang ibang tinanim nila. Sabi nila, normal lang daw ‘yon sa mga bagong tanim na halaman o bulaklak, kaya hindi na muna ako dapat na magpaka-stress. After two to three days, kapag naging stable na ang mga ‘to, gaganda na ulit ang mga itsura nila.“Gising na po p
Read more

Kabanata 117

Corvus’ POVHabang nag-e-ensayo ako ng bagong kakayahan ay biglang nagpakita sa harap ko si Lola. Sinabi niya sa akin na pumunta ako sa swimming pool area dahil may ipapakita siya. Sumunod ako sa kaniya kasi mukhang may kailangan akong malaman.Pagdating sa swimming pool area, inutos niya na hawakan ko ang tubig at hilingin na ipakita ang lagay ngayon ng pintuan ng impyerno. Paghipo ko sa tubig ng swimming pool, lumitaw doon ang kahindik-hindik na malaking pulang pinto ng impyerno. Ang buong paligid nito ay umaapoy at na parang galit na galit. Namilog ang mga mata ko nang dahan-dahan ay gumalaw ‘yon. Sa kaunting pagbukas ng pinto, nakita ko rin na may isang itim na usok ang parang lumabas doon.“Isang demonyo ang nakawala na sa impyerno. At nagpaparamdam na rin ang pinto ng impyerno. Malapit na itong magbukas kaya kailangan mo na talagang maghanda, Corvus,” sabi ni Lola.“Ngunit nasaan na ang nakawalang demonyo?” tanong ko sa kaniya.“Sige, hilingin mo ulit sa tubig ng swimming pool ku
Read more

Kabanata 118

Corvus’ POV“Sumama ka na sa akin, doon ka na lang muna sa manisyon ko. Huwag mo na problemahin ang trabaho, bibigyan kita doon. Delikado na ngayon ang panahon. Gusto ko, nasa safe place na lahat ang mga malalapit sa buhay ko. At isa ka roon kaya sumama ka na sa akin,” sabi ko kay Geronimo nang puntahan ko siya rito sa bahay lumang bahay ko na binigay ko sa kaniya. Takang-taka siya kasi biglaan ang pag-aaya ko sa kaniya. Wala na rin kasi akong choice. Ayokong mapahamak siya. Gusto ko, kapag naglabasan na ang lahat ng demonyo sa pinto ng impyerno, nasa ligtas na lugar na silang lahat. Ayokong may mabalitaan akong nasaktan o namatay sa isa sa mga mahal ko sa buhay.“Corvus, sabihin mo muna kasi sa akin ang dahilan kung bakit biglaan ‘yang desisyon mo? Saka, hindi mo ba ako nakikita? Lugmok ako. Brokenhearted. Halos walang tulog. Tulala na ako ilang araw na dahil sa natuklasan ko sa asawa ko,” sabi niya habang namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak. Ngayon ko lang kasi nalaman na nahuli
Read more

Kabanata 119

Corvus’ POVSa tatlong araw na pag-e-ensayo ko sa kapangyarihang binigay sa akin ng aqua lily, marami-rami akong nadiskubring kapangyarihan at kakayahan nito. At sa tingin ko ay handang-handa na akong sumabak sa laban.Dalawang demonyo ang hina-hunting ko. Una ay ang demonyong may apoy na kapangyarihan, pangalawa ay ang demonyong sumapi sa katawan ni Emma.Ngayong gabi, nasa isang ospital na ako. Ang sabi ni lola, naamoy at nakita niya raw ang demonyong may apoy na kapangyarihan. Suwerte lang dahil ang ospital na nadalaw niya ngayon ay may ilog sa likod. Kaya kung lalabanan ko siya ngayon, malakas ang laban ko kasi pabor na pabor ‘to sa akin.Nandito na ako sa loob ng ospital. Gaya ng dati, karamihan sa nakikita ko rito ay ‘yung mga kaluluwang ligaw. Mga kaluluwang wala pang alam na kaluluwa na lang sila.Sa emergency room ako unang nagpunta. At hindi nagkamali si lola kasi naroon na nga ang demonyong nakalaban ko noon. Hinayaan ko munang naroon siya habang nag-aabang ng kaluluwang ka
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
22
DMCA.com Protection Status