Alina’s POVMaaga pa at kasalukuyang nag-e-ensayo si Corvus sa bagong kakayahan niya kaya nagpasya kami ni mama na lumabas ng mansiyon para asikasuhin ang mga naipong trabaho sa kompanya namin. Nabo-boring na rin kasi ako na nakakulong lang sa bahay. Kaya kapag araw, naisip namin ni mama na maglalabas. Safe pa naman kapag may araw pa. Sa gabi lang naglisaw ang mga kampon ng kadiliman.Magkasama kami ni mama dito sa likod ng sasakyan ko. May kasama kaming driver at mga bodyguard. Si Corvus kasi, ayaw niya nang wala kaming kasamang bodyguard kapag lalabas ng manisyon niya. Nag-iingat na siya, lalo na’t nagdadalang-tao ako.“Alam mo, anak. Sa panahon ngayon, kakaiba na talaga. Masyado nang mahiwaga ang mga bagay-bagay sa paligid natin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may ganiyan at ganito. Tulad ni Corvus, tulad ng mansiyon nilang mahiwaga at tulad na lang din ng mga demonyong kinakalaban ni Corvus. Isama na rin natin ‘yung milagrong nangyari sa ‘yo, ang pagkabuhay mo,”
Alina’s POV Tatlong garden shop ang napuntahan namin ni Manang Penpen. Bawat shop, halos isang truck ng mga tanim na bulaklak ang nabili ko. Bawat shop din, nag-hire ako ng mga hardinero na magtatanim dito sa garden ko. Mabuti na lang at marunong sa mga landscape ang mga nakausap kong hardinero kanina kaya hindi ko na rin problema kung paanong tanim at ayos ang dapat kong gawin dito sa garden ko. Pinaubaya ko na lang sa kanila, basta ang sabi ko, ang gusto kong mangyari ay makitang maraming tanim na bulaklak dito sa garden ko at pati na rin sa paligid ng swimming pool ko.“Hindi pa tapos ang garden at swimming pool area, pero parang nakikita ko nang maganda ang kalalabasan nito,” sabi ni Manang Penpen habang magkatabi dito sa likod ng sasakyan ko.“Oo nga, pati ako excited na rin,” sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti. Nauna kaming umuwi sa manisyon.Maya maya, isa-isa na ring dumating ang mga truck.“Manang Penpen, magpahanda ka ng ng maraming merienda sa kusina at marami tayong
Alina’s POVHalos alas dos na ng hapon nang magising ako. Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumangon na ako. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam ko. Kapag talaga nahihilo at nanghihina ako, tulog lang talaga ang kapatat nito para maging okay ako.Lumabas na ako ng kuwarto ko at saka pumunta sa ibaba. Nakita ako ng bodyguard ko na pababa ng hagdan kaya agad niya akong sinalubong para alalayan.“Okay na ako, hindi mo na ako kailangang alalayan, salamat na lang,” sabi ko sa kaniya pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko hanggang hindi ako nakakababa sa hagdan. Sumilip ako sa pinto pagdating ko sa ibaba. Nakita ko agad na malaki na ang nabago. Ang dami na rin nilang naitanim. Ang hindi lang maganda sa mata ko ay medyo lanta pa ang ibang tinanim nila. Sabi nila, normal lang daw ‘yon sa mga bagong tanim na halaman o bulaklak, kaya hindi na muna ako dapat na magpaka-stress. After two to three days, kapag naging stable na ang mga ‘to, gaganda na ulit ang mga itsura nila.“Gising na po p
Corvus’ POVHabang nag-e-ensayo ako ng bagong kakayahan ay biglang nagpakita sa harap ko si Lola. Sinabi niya sa akin na pumunta ako sa swimming pool area dahil may ipapakita siya. Sumunod ako sa kaniya kasi mukhang may kailangan akong malaman.Pagdating sa swimming pool area, inutos niya na hawakan ko ang tubig at hilingin na ipakita ang lagay ngayon ng pintuan ng impyerno. Paghipo ko sa tubig ng swimming pool, lumitaw doon ang kahindik-hindik na malaking pulang pinto ng impyerno. Ang buong paligid nito ay umaapoy at na parang galit na galit. Namilog ang mga mata ko nang dahan-dahan ay gumalaw ‘yon. Sa kaunting pagbukas ng pinto, nakita ko rin na may isang itim na usok ang parang lumabas doon.“Isang demonyo ang nakawala na sa impyerno. At nagpaparamdam na rin ang pinto ng impyerno. Malapit na itong magbukas kaya kailangan mo na talagang maghanda, Corvus,” sabi ni Lola.“Ngunit nasaan na ang nakawalang demonyo?” tanong ko sa kaniya.“Sige, hilingin mo ulit sa tubig ng swimming pool ku
Corvus’ POV“Sumama ka na sa akin, doon ka na lang muna sa manisyon ko. Huwag mo na problemahin ang trabaho, bibigyan kita doon. Delikado na ngayon ang panahon. Gusto ko, nasa safe place na lahat ang mga malalapit sa buhay ko. At isa ka roon kaya sumama ka na sa akin,” sabi ko kay Geronimo nang puntahan ko siya rito sa bahay lumang bahay ko na binigay ko sa kaniya. Takang-taka siya kasi biglaan ang pag-aaya ko sa kaniya. Wala na rin kasi akong choice. Ayokong mapahamak siya. Gusto ko, kapag naglabasan na ang lahat ng demonyo sa pinto ng impyerno, nasa ligtas na lugar na silang lahat. Ayokong may mabalitaan akong nasaktan o namatay sa isa sa mga mahal ko sa buhay.“Corvus, sabihin mo muna kasi sa akin ang dahilan kung bakit biglaan ‘yang desisyon mo? Saka, hindi mo ba ako nakikita? Lugmok ako. Brokenhearted. Halos walang tulog. Tulala na ako ilang araw na dahil sa natuklasan ko sa asawa ko,” sabi niya habang namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak. Ngayon ko lang kasi nalaman na nahuli
Corvus’ POVSa tatlong araw na pag-e-ensayo ko sa kapangyarihang binigay sa akin ng aqua lily, marami-rami akong nadiskubring kapangyarihan at kakayahan nito. At sa tingin ko ay handang-handa na akong sumabak sa laban.Dalawang demonyo ang hina-hunting ko. Una ay ang demonyong may apoy na kapangyarihan, pangalawa ay ang demonyong sumapi sa katawan ni Emma.Ngayong gabi, nasa isang ospital na ako. Ang sabi ni lola, naamoy at nakita niya raw ang demonyong may apoy na kapangyarihan. Suwerte lang dahil ang ospital na nadalaw niya ngayon ay may ilog sa likod. Kaya kung lalabanan ko siya ngayon, malakas ang laban ko kasi pabor na pabor ‘to sa akin.Nandito na ako sa loob ng ospital. Gaya ng dati, karamihan sa nakikita ko rito ay ‘yung mga kaluluwang ligaw. Mga kaluluwang wala pang alam na kaluluwa na lang sila.Sa emergency room ako unang nagpunta. At hindi nagkamali si lola kasi naroon na nga ang demonyong nakalaban ko noon. Hinayaan ko munang naroon siya habang nag-aabang ng kaluluwang ka
Corvus’ POV“Mahiwagang aqua lily, tulungan mo akong pagalingin ang nasugatan at nanghihina kong katawan. Nang sa ganoon ay hindi na makawala pang muli ang demonyong kalaban ko ngayon,” sabi ko habang nakakahinga ako sa ilalim ng tubig. Nagulat ako kasi bigla ulit umilaw ang katawan ko. Naramdaman kong naghilom ang mga sugat sa katawan ko at nanumbalik ang lakas ng katawan ko.Sa pagkakataong iyon, lumangoy na ako paahon sa tubig ng ilog. Patakas na ang demonyo nung akala niyang natalo na naman niya ako. Kaya naman gumawa ako ng tali gamit ang tubig ng ilog para mahuli siyang muli. Ginamit ko ang buong lakas na binigay sa akin ng aqua lily para mahatak siya at madala sa tubig ng ilog. Para itong malaking bato na bumagsak sa tubig. Narinig ko ang parang pagkulo ng tubig. Dahil siguro sa init na dala niya.Dahil allergy siya sa tubig, dali-dali rin siyang umahon sa tubig gamit ang paglipad niya. Hindi lang siya mabilis, nagagawa niya rin palutangin sa hangin ang sarili niya. Sa pagkakat
Corvus’ POV“Hanggang kailan tayo ganito, Corvus?” tanong sa akin ni Geronimo habang nasa garden kami. Nagdidilig siya ng mga bulaklak habang ako ay umiinom naman ng kape. Hindi lang ako ang naiinip, pati na rin sila. Sa nangyayari kasi, parang nawawalan sila ng kalayaan. Ang hindi nila alam, kung mas nahihirapan sila sa sitwasyon ngayon, paano pa kaya ako na inaasahan nilang lahat na maglilitas sa kanila? Habang tumatagal na ganito ang sitwasyon, lalo rin akong nahihirapan kapag naririnig kong umaangal na sila sa sitwasyon namin dito sa manisyon.“Hanggang sa may maisip akong paraan, Geronimo. Kaunting tiis lang, matatapos din ‘to,” sagot ko sa kaniya na hindi naman niya pinansin.“Hindi ba kasi puwedeng takpan o lagyan na lang ng kung anong harang ang lintek na pinto ng impyerno na ‘yon? Baka sakaling hindi na matuloy ang pagbukas nito kada isang daang taon ang lumilipas?” tanong pa ni Geronimo.“Puwede nga ba ‘yon?” singit ni white lady na dumating na rin dito sa garden. “Baka nga p