Share

Kabanata 119

Corvus’ POV

Sa tatlong araw na pag-e-ensayo ko sa kapangyarihang binigay sa akin ng aqua lily, marami-rami akong nadiskubring kapangyarihan at kakayahan nito. At sa tingin ko ay handang-handa na akong sumabak sa laban.

Dalawang demonyo ang hina-hunting ko. Una ay ang demonyong may apoy na kapangyarihan, pangalawa ay ang demonyong sumapi sa katawan ni Emma.

Ngayong gabi, nasa isang ospital na ako. Ang sabi ni lola, naamoy at nakita niya raw ang demonyong may apoy na kapangyarihan. Suwerte lang dahil ang ospital na nadalaw niya ngayon ay may ilog sa likod. Kaya kung lalabanan ko siya ngayon, malakas ang laban ko kasi pabor na pabor ‘to sa akin.

Nandito na ako sa loob ng ospital. Gaya ng dati, karamihan sa nakikita ko rito ay ‘yung mga kaluluwang ligaw. Mga kaluluwang wala pang alam na kaluluwa na lang sila.

Sa emergency room ako unang nagpunta. At hindi nagkamali si lola kasi naroon na nga ang demonyong nakalaban ko noon. Hinayaan ko munang naroon siya habang nag-aabang ng kaluluwang ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status