Oh, SPG 'yan kaya sana happy kayo. Hahahaha!
Corvus’ POVHindi na nagparamdam si lola. Ang huling pagkikita namin ay ‘yung gabing nakalaban ko ang demonyong may kapangyarihang apoy. Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang naglaho o may pinagkakaabalahan lang. Mabuti na lang at tinuruan niya akong gamitin ang sikreto ng swimming pool dito sa manisyon. Kaya kapag may katanungan ako, doon ako nagtatanong. Minsan, nasasagot naman ako ng mahiwagang swimming pool, pero minsan ay hindi rin talaga.Sa ngayon, ang mina-master ko na lang ay ang kapangyarihang bigay ng aqua lily. Power element ito kaya dapat lang. Mas malakas kasi ang kakayahan nito kaysa sa ibang kapangyarihan na binibigay ng iba’t ibang bulaklak sa akin. Ang kakayahan ng aqua lily ay mas marami at nalalaro ko talagang mabuti ang mga kakayahan nito. Habang tumatagal, mas marami akong natutulaksang gawin sa kapangyarihang na ‘to. Na para sa akin, nakakagalamay ko na rin talaga ang kapangyarihan ng tubig.“Corvus, tignan mo ‘to,” sabi ni Alina nang lumapit sa akin. Pinakita
Corvus’ POVIto na ‘yung araw na pinakakinatatakutan ko. Mag-isa palang na nakakatas ang demonyong sumapi kay Emma pero sunod-sunod na ang natatagpuang walang buhay. Naghahasik na siya ng lagim habang patuloy na nagiging mailap sa akin.Lagpas sampung katao na ang natatagpuang halos tuyot ang katawan at wala ng buhay. Nandito ako ngayon sa bahay ng ex-wife ni Geronimo. Nagpunta pa rin si Geronimo matapos mabalitaang isa ‘to sa nabiktima ng demonyo. Kahit na lang nagtaksil ito kay Geronimo, iyak pa rin siya nang iyak kasi minahal pa rin naman niya ‘to kahit pa paano.“Palala na nang pala ang nangyayari, Corvus. Anong plano mo, hindi mo pa ba tutugising ang demonyong ‘yon?” tanong ni Geronimo habang pauwi na kami. “Ang dami nang namamatay. Nakakaalarma na ‘to. Nung una nakakatawa lang talagang pakinggan ang sinasabi mong paglabas ng mga demonyo sa impyerno, pero ngayong dumarami na ang mga namamatay, nakakaramdam na rin ako ng takot,” pag-aamin niya. Hanggang ngayon nahihilam pa rin ang
Corvus’ POVTahimik na ang buong paligid dito sa swimming pool area. Ewan ko ba kung bakit bigla namang nagdilim ang kalangitan. Na para bang bubuhos na ang malakas na ulan. Nakatitig ako sa mahiwagang swimming pool. Ang tubig ay kalmado, parang hinihintay na ang gagawin kong ritwal. Alam kong sa araw na ito, magbabago na ang lahat.Hinawakan ko ang itim na libro sa aking kamay—ang mahiwagang libro na naglalaman ng mga sinaunang ritwal at kapangyarihan ng mga ninuno namin. Desidodo na akong tanggapin ang tungkol sa kapangyarihan ng tubig, at ngayon, sa wakas, ako na ang susunod na makakakuha nito. Pero hindi ito madali. May ritwal na dapat sundin at isang pagkakamali lang, maaaring mawala ang lahat. Isang beses ko lang ito dapat gawin, kapag nagkamali ay wala na. Hindi ko na makukuha ang pagiging water fairy na rin.Sa gilid ng pool, umilaw ang labindalawang puting kandila. Ang mga apoy nila ay kumikislap, sumasabay sa malamig na hangin ng paligid. Dahan-dahan kong nilabas ang dosena
Corvus’ POVMadilim pa nang magising ako kinaumagahan. Tulog pa si Alina nung bumangon ako. Pagod ‘yan kasi pinagbigyan ko kagabi. Kahit buntis, gustong-gusto niya pa rin na nagse-sëx kami.Ang lamig ng umaga ay bumabalot sa mansiyon dala nang pag-ulan ng malakas kagabi, magdamag atang umuulan. Kaya naman nagpa-init talaga kami ni Alina kagabi. Hindi ko na tandan kung ilang oras niyang nilalaro ang titë ko. Nakadalawang putok ata ako kagabi.Tulog pa ang lahat pagbaba ko sa ibaba. Kapag umuulan at malamig, mahirap naman kasi talagang bumangon pa. Tahimik ang paligid, naririnig ko lang ang banayad na pag-agos ng tubig mula sa fountain sa labas ng mansiyon.Habang lumalakad ako papunta sa bintana, kita ko ang hardin namin na natatanglawan ng malambot na liwanag ng bagong araw. Ang mga dahon at bulaklak ay nanginginang sa hamog na parang sinasalubong ang bagong sikat na araw. Pero sa umagang ito, iba ang pakiramdam ko. Alam kong hindi na ako katulad ng dati. Ang ritwal kagabi ay nagdala
Corvus’ POV“Isa pa,” sabi ko sa sarili ko. Hinayaan ko ang tubig na bumalik sa fountain.Ang pag-agos nito ay bumalik sa dati nitong ritmo. Lumuhod ako sa gilid ng fountain at sumalok ng tubig. Ngayon, sa pagitan ng dalawang palad ko, gumawa ako ng isang maliit na alon. Ang tubig ay sumasayaw sa bawat galaw ng daliri ko na parang sumusunod sa mga utos na hindi ko kailangang isalita.Itinaas ko ang maliit na alon, pinatayo ito sa gitna ng hangin. Ngayon, sinusubukan kong bigyan ito ng hugis. Para bang nagsisining ako gamit ang tubig, isang bagay na hindi ko kailanman inakala na magagawa ko. Ang maliit na alon ay unti-unting nagbago, nagiging hugis ng isang ibon. Nagsimulang mag-flap ang mga pakpak nito, at sa isang iglap, ang tubig na ibon ay naglipad sa paligid ng hardin.Tiningnan ko ang ibon habang ito’y paikot-ikot sa akin, at sa bawat galaw nito, naramdaman ko ang koneksyon namin. Parang ito’y bahagi ng isip ko, bahagi ng puso ko. Napapangiti ako habang sinusundan ko ito ng tingi
Corvus’ POVAmoy antiseptiko ang unang sumalubong sa akin pagpasok ko sa ospital. Hindi ko gusto ang amoy na iyon. Parang may nakatago, parang may naghihintay na masama. Ganitong-ganito ang amoy nung unang makalaban ko ang mga demonyong napatay ko na.Ilang ilaw ang kumikislap-kislap, nagbibigay ng lungkot sa mga taong may pasyente na binabantayan rito. Gaya dati, naghanap ulit ako ng ospital na maliit lang at luma na. Ganitong-ganito kasi ‘yung gustong-gustong pinupuntahan ng ibang masasamang espirito.Naisip kong lumusob ulit sa ospital ngayong gabi para makapag-training ulit gamit ang water magic ko. Ang puso ko ay bumilis ang tibok, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alam kong may malapit na demonyong narito sa ospital. Isa ‘yon sa bago kong kakayahan. Dahil sa water magic, mabilis ko nang nade-detect kung may demonyo ba sa malapit. Tahimik ang ospital, maliban sa tunog ng mga makinang nagmo-monitor sa mga pasyente at ilang mahihinang boses ng mga nars sa malayo. Lumakad ako ng
Alina’s POVPagod ako buong araw dahil sa pag-aasikaso sa mga kasama namin dito sa mansiyon. Marami na kasi kami dito, kasama na rin namin ang pami-pamilya ng mga tauhan namin ni Corvus dito. Sadyang napakabait na tao talaga ni Corvus. Kahit sa ibang tao, may care siya.Maagang nakatulog si Corvus, pagod siya sa buong araw na pag-e-ensayo niya sa kapangyarihan niya, tapos kanina may nakalaban pa siyang demonyo. Gabi-gabi, palagi siyang palano sa mga nakakalaban niyang demonyo. Ibig sabihin ay talagang lumakas na siya.Ako, kahit anong baling ko sa kama, hindi ako makatulog. Pagod naman ako kanina kaya dapat ay tulog na ako ngayon. Kaya lang kasi parang may naririnig akong kung anong boses. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o totoo talaga.Napasulyap ako sa madilim na bintana ng kwarto namin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ipinikit ang mga mata ko. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, hindi ko namalayang tuluyan akong nilamon ng antok.Nang buksan ko ang m
Alina’s POVNagising ako bigla, hingal na hingal, basa ng pawis ang buong mukha at liko ko. Tumayo ako mula sa kama at nilingon si Corvus, natutulog pa rin nang mahimbing sa tabi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko na parang pinapanatag ko si baby at ang sarili ko. Pero hindi ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yun?Alam kong hindi ito basta-basta lang. Ang mansyon, ang swimming pool—lahat ng iyon ay bahagi ng buhay ni Corvus, pero bakit pinakita sa akin ng panaginip ang ganoong bagay? Parang may gustong iparating sa akin ang panaginip na ‘yon.Lumabas ako ng kwarto, kailangan kong mag-isip, maglakad-lakad. Masyadong tahimik sa loob, kaya nagpasya akong magtungo sa labas. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan habang dahan-dahang hinihimas ang aking tiyan. Ano ang dapat kong gawin? Paano ko sasabihin kay Corvus ang tungkol sa nakita ko?Bago pa man ako makapagdesisyon, naramdaman ko ang presensya niya. Lumapit si Corvus, tahimik pero alam kong na