Share

Kabanata 125

Corvus’ POV

Tahimik na ang buong paligid dito sa swimming pool area. Ewan ko ba kung bakit bigla namang nagdilim ang kalangitan. Na para bang bubuhos na ang malakas na ulan. Nakatitig ako sa mahiwagang swimming pool. Ang tubig ay kalmado, parang hinihintay na ang gagawin kong ritwal. Alam kong sa araw na ito, magbabago na ang lahat.

Hinawakan ko ang itim na libro sa aking kamay—ang mahiwagang libro na naglalaman ng mga sinaunang ritwal at kapangyarihan ng mga ninuno namin. Desidodo na akong tanggapin ang tungkol sa kapangyarihan ng tubig, at ngayon, sa wakas, ako na ang susunod na makakakuha nito. Pero hindi ito madali. May ritwal na dapat sundin at isang pagkakamali lang, maaaring mawala ang lahat. Isang beses ko lang ito dapat gawin, kapag nagkamali ay wala na. Hindi ko na makukuha ang pagiging water fairy na rin.

Sa gilid ng pool, umilaw ang labindalawang puting kandila. Ang mga apoy nila ay kumikislap, sumasabay sa malamig na hangin ng paligid. Dahan-dahan kong nilabas ang dosena
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status