Share

Kabanata 132

Corvus’ POV

Nakatayo ako sa may bintana ng aking mansiyon habang hawak ang isang basong tubig habang nagmamasid din sa kalangitan. Matagal-tagal na rin mula nang maramdaman ko ang ganitong klaseng takot. Hindi ito ordinaryong takot, ito ay isang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan magsisimula o kung ano ang susunod kong hakbang. Ang demonyong iyon... masyadong mabilis, masyadong tuso.

Nasa loob ng kuwarto si Alina, ang aking syota, at ilang buwan na rin siyang nagdadalang-tao. Tahimik siya pero ramdam kong labis-labis na rin ang takot niya. Paano ba naman, halos limampung tao na ang natagpuang patay—tuyo ang katawan, wala nang dugo at parang sinipsip pati ang kaluluwa at laman. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga bangkay. Hindi ko na rin kayang bilangin kung ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang marinig ko ang kaluskos mula sa likod. Si Alina.

“Corvus, hindi ka pa rin ba nakakapahinga?” mahina ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
hwag mong isuko corvus matalo Ka alam mo nman Tuso ang Mga demonyo thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status