Corvus’ POVPagkatapos ng ilang araw na pag-aalala sa ospital, narito na kami ngayon sa wakas—sa aming tahanan. Maluwag na huminga si Alina habang nakasandal sa kutson ng malambot naming kama, bitbit ang aming bagong silang na si Caline, habang si Caius naman ay mahimbing na natutulog sa tabi niya.Ang mukha ni Alina ay medyo parang maga pa dala nang panganganak niya, pero sabi ng doctor ay normal naman daw ‘yun. Sa tingin ko tuloy ay kapag naka-recover na siya, maglalagi sa gym itong asawa ko.Abot-langit ang ngiti ng mama ni Alina, na walang sawang nakatitig sa mga apo niya. Ang sabi niya at suwerte kami ni Alina dahil malulusog ang aming kambal. Hindi ko maiwasang mapangiti. Totoo nga, para akong nananaginip habang tinitingnan ko ang pamilya ko—ang buhay ko.Iniwan ko na muna silang mag-iina doon para makapag-bonding sila.Habang nasa salas ako, binabalikan ko sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang buwan. Napakaraming nagbago. Para akong nakalutang sa hangin habang pinagmamasd
Corvus’ POVGumapang ang malamig na hangin sa paligid ko habang nakatingin ako sa mga bulaklak sa aming hardin. Paborito kong lugar ito noon—kung saan ko laging kumukuha ng gagamitin ko sa mga ritwal. Pero ngayon, tila nawalan na ng sigla ang lahat. Ang mga bulaklak, parang nawalan ng amoy, walang mga bango. Ang iba, parang natuyot at namatay na.Napabuntong-hininga ako at nilingon ang buong hardin. Ang mga rosas, mga dahlia, mga liryo—lahat sila ay parang karaniwang mga halaman na lamang. Wala nang misteryo, wala nang liwanag na nagmumula sa kanila. Parang napalitan ng katahimikan ang ingay ng enerhiya na dati kong naririnig tuwing lumalapit ako sa kanila. Noon, maririnig ko pa kung paano sila bumubulong, hinihigop ang aking kapangyarihan at ibinabalik ito sa akin na parang isang sumpang handa kong gamitin. Pero ngayon, wala na.Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa likod ng manisyon, kung saan naroroon ang mahiwagang swimming pool. Noon, ang tubig nito ay kumikislap ng
Akeno’s POVSa wakas! Matapos ang napakatagal na paghihintay at kaliwa’t kanang pag-a-apply sa iba’t ibang trabaho, heto at may tumawag na sa akin para kunin akong hardinero. Halos maglulundag ako sa tuwa nang marinig ko sa telepono ang sinabi ng babaeng tumawag:“Mr. Akeno, natanggap po kayo bilang hardinero sa Ferrara Mansion. Maaari na po ba kayong magsimula bukas?”Gusto ko na sanang sumigaw ng “Oo!” sa tuwa pero napigilan ko ang sarili ko at sinagot ng mahinahon, “Opo, Ma’am. Makakarating po ako bukas nang maaga.”Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay dumating na ang suwerte ko! Ferrara Mansion! Nag-search tuloy ako sa internet tungkol sa Ferrara mansion. Napakagandang lugar nun, napakalawak ng hardin na aalagaan ko. Parang sinusuwerte talaga ako ngayon!Matagal na akong mahilig sa mga halaman. Bata pa lang ako, ang nanay ko, si Inang Mila, ang nagturo sa akin kung paano mag-alaga ng mga bulaklak. Madalas kaming magtanim ng iba’t ibang klase ng halaman sa bakuran namin n
Akeno’s POVSa unang araw ko pa lang, sinimulan ko nang linisin at ayusin ang buong hardin. Hinukay ko ang mga tanim na mukhang hindi na masigla at pinalitan ko ng bago. Inayos ko ang mga gilid ng taniman at nilagyan ko ng mga bato para hindi masira ng ulan ang lupa. Halos buong araw akong nagtrabaho nang hindi napapagod. Ewan ko ba, pero sa tuwing naiisip ko si Caline, parang ang dami kong enerhiya.Nang tanghali, nakatulala ako sa gitna ng hardin habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Bigla akong nilapitan ni Sir Corvus. “Mukhang masipag ka talaga, Akeno. Ayos na ayos ang mga tanim,” sabi niya habang nakatingin sa ginawa ko.“Maraming salamat po, Sir,” sagot ko sabay himas sa likod ng leeg ko. “Gusto ko po kasing masigurong maayos ang lahat dito.”“May gusto ka bang hilingin bilang reward sa sipag mo?” tanong ni Sir Corvus sabay kindat.Nag-isip ako sandali. Gusto ko sanang humiling ng dagdag sahod o kaya’y day off, pero parang bigla kong nasabi, “Pwede po bang makita ang buong mans
Caline’s POVNasa coffee shop ako kasama ang mga kaibigan kong sina Acelle, Brianna, at Danica—lahat kami na mga anak ng CEO. Gaya ng nakasanayan, nagkikita kami tuwing Sabado para mag-catch up sa buhay-buhay habang nagpapalamig sa paborito naming café, ang Café Belle. Pumipino ang amoy ng brewed coffee at pastry sa paligid, tipikal na ambiance na paborito ng mga elite na kagaya namin.Habang tinitikman ko ang hazelnut latte ko, napansin ko ang pag-uusap nila Acelle tungkol sa bagong kotse ng daddy niya, isang limited edition na Lamborghini. Pero sa totoo lang, hindi ‘yun ang laman ng isip ko ngayon. Bago pa ako mag-back out, nag-desisyon akong i-open up ang topic na matagal ko nang kinikimkim.“Girls,” sinimulan ko habang nilalaro ang straw ng aking drink, “Have you ever noticed how hot our gardener is?”Biglang napahinto si Acelle sa pagkukuwento at halos mabuga niya ang iniinom niyang iced Americano. Tumawa si Brianna habang si Danica naman ay napangiwi, tila hindi makapaniwala sa
Akeno’s POVNakatutok ako sa mga kamay ko habang isa-isang tinatanggal ang mga tuyong bulaklak sa mga halaman sa harap ng mansiyon nina Caline. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga ibon at ang mahihinang simoy ng hangin ang maririnig. Kapag ganito ang panahon, kalmado at tila ba walang problema sa mundo.Binulungan ko ang isang halaman na may bulaklak, “Pasensya ka na, kailangan kong tanggalin ‘tong mga tuyot na dahon mo.” Mahina akong tumawa sa sarili ko. Minsan, parang nakakabaliw isipin na nakikipag-usap ako sa mga halaman at kung tutuusin, mas kausap ko pa yata sila kaysa sa mga tao.Pagkatapos kong tanggalin ang mga tuyot na bahagi, kinuha ko ang hose at sinimulan nang diligan ang mga halaman. Inikot ko ang hose sa mga paborito kong bulaklak—yung mga rosas na mapulang-mapula na halos mamula sa sikat ng araw. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano sila aalagaan ng maayos para lalo pa silang mamukadkad.Habang inaayos ko ang pressure ng tubig mula sa hose, may narinig
Caline’s POVNadatnan ko si Mama sa may garden, tahimik at tila malayo ang iniisip. Nakaupo siya sa kahoy na bangko sa gilid ng aming munting hardin. Ang mga mata niya ay nakatitig sa malayo, hindi ko sigurado kung sa mga halaman ba o sa taong nagdidilig ng mga ito—si Akeno, ang aming hardinero. Parang may bumabalot na lungkot sa paligid, isang bigat na hindi ko maipaliwanag pero damang-dama ko sa mukha niya. Kailangan kong lapitan siya kasi mukhang kailangan din niya ng kausap.“Ma, okay ka lang ba?” malambing kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Halata sa kilos niya na parang may mabigat siyang dinadala. Hindi agad siya sumagot at napatingin ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakayakap sa kanyang sarili, para bang binibigyan niya ng lakas ang kaniyang sarili na magsalita.“Naalala ko lang si Caius,” mahinang sabi niya, ang mga mata’y nakapako sa malayo, tila nagbabalik sa isang panahon na matagal nang lumipas pero sariwa p
Akeno’s POVHabang naglalakad ako sa makipot na daan patungo sa flower farm ni Arthur, hindi ko mapigilang mapangiti. Ilang araw na akong nagiisip kung ano ba ang puwede kong iregalo kay Caline. Nakikita ko sa mga mata niya na kahit gaano kalawak at kaganda ang garden sa mansion nila, tila may hinahanap pa rin siyang kulang. Kaya naisip ko, bakit hindi ako magbigay ng isang bagay na hindi pa niya nakikita—isang bagay na magpupuno sa pagnanasa niyang makumpleto ang hardin nila?Saka, gusto kong regaluhan talaga siya. Ewan ko ba, napapansin ko na parang kapag nagtatrabaho ako sa kanila, gusto niyang palaging nakadikit sa akin. Gusto niyang palaging kausap ako. Gusto niyang palaging may natututunan sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay parang may gusto siya sa akin. Hindi pa ako sure, pero ako kasi, madali akong makaramdam kung type ba ako ng isang babae.Tumigil ako sandali sa gilid ng daan, huminga ng malalim at naamoy ang simoy ng sariwang hangin na puno ng halimuya