Nalito ba kayo? Akala niyo naligaw kayo ng pagbabasa. Hindi po, hindi ba't sinabi ko naman na iduduktong ko na agad dito ang book 2. Ayan, sina Caline at Akeno na ang magiging main character dito sa book 2. At sana, support pa rin kayo. Huwag niyong isipin na mahaba ang story, isipin niyo na lang na ibang book. Kasi parang bagong book din naman kasi iba na ang mga main character. At asahan ninyo na magiging kasing ganda rin ito ng story nila Corvus at Alina. Enjoy, guys!
Akeno’s POVSa unang araw ko pa lang, sinimulan ko nang linisin at ayusin ang buong hardin. Hinukay ko ang mga tanim na mukhang hindi na masigla at pinalitan ko ng bago. Inayos ko ang mga gilid ng taniman at nilagyan ko ng mga bato para hindi masira ng ulan ang lupa. Halos buong araw akong nagtrabaho nang hindi napapagod. Ewan ko ba, pero sa tuwing naiisip ko si Caline, parang ang dami kong enerhiya.Nang tanghali, nakatulala ako sa gitna ng hardin habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Bigla akong nilapitan ni Sir Corvus. “Mukhang masipag ka talaga, Akeno. Ayos na ayos ang mga tanim,” sabi niya habang nakatingin sa ginawa ko.“Maraming salamat po, Sir,” sagot ko sabay himas sa likod ng leeg ko. “Gusto ko po kasing masigurong maayos ang lahat dito.”“May gusto ka bang hilingin bilang reward sa sipag mo?” tanong ni Sir Corvus sabay kindat.Nag-isip ako sandali. Gusto ko sanang humiling ng dagdag sahod o kaya’y day off, pero parang bigla kong nasabi, “Pwede po bang makita ang buong mans
Caline’s POVNasa coffee shop ako kasama ang mga kaibigan kong sina Acelle, Brianna, at Danica—lahat kami na mga anak ng CEO. Gaya ng nakasanayan, nagkikita kami tuwing Sabado para mag-catch up sa buhay-buhay habang nagpapalamig sa paborito naming café, ang Café Belle. Pumipino ang amoy ng brewed coffee at pastry sa paligid, tipikal na ambiance na paborito ng mga elite na kagaya namin.Habang tinitikman ko ang hazelnut latte ko, napansin ko ang pag-uusap nila Acelle tungkol sa bagong kotse ng daddy niya, isang limited edition na Lamborghini. Pero sa totoo lang, hindi ‘yun ang laman ng isip ko ngayon. Bago pa ako mag-back out, nag-desisyon akong i-open up ang topic na matagal ko nang kinikimkim.“Girls,” sinimulan ko habang nilalaro ang straw ng aking drink, “Have you ever noticed how hot our gardener is?”Biglang napahinto si Acelle sa pagkukuwento at halos mabuga niya ang iniinom niyang iced Americano. Tumawa si Brianna habang si Danica naman ay napangiwi, tila hindi makapaniwala sa
Akeno’s POVNakatutok ako sa mga kamay ko habang isa-isang tinatanggal ang mga tuyong bulaklak sa mga halaman sa harap ng mansiyon nina Caline. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga ibon at ang mahihinang simoy ng hangin ang maririnig. Kapag ganito ang panahon, kalmado at tila ba walang problema sa mundo.Binulungan ko ang isang halaman na may bulaklak, “Pasensya ka na, kailangan kong tanggalin ‘tong mga tuyot na dahon mo.” Mahina akong tumawa sa sarili ko. Minsan, parang nakakabaliw isipin na nakikipag-usap ako sa mga halaman at kung tutuusin, mas kausap ko pa yata sila kaysa sa mga tao.Pagkatapos kong tanggalin ang mga tuyot na bahagi, kinuha ko ang hose at sinimulan nang diligan ang mga halaman. Inikot ko ang hose sa mga paborito kong bulaklak—yung mga rosas na mapulang-mapula na halos mamula sa sikat ng araw. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano sila aalagaan ng maayos para lalo pa silang mamukadkad.Habang inaayos ko ang pressure ng tubig mula sa hose, may narinig
Caline’s POVNadatnan ko si Mama sa may garden, tahimik at tila malayo ang iniisip. Nakaupo siya sa kahoy na bangko sa gilid ng aming munting hardin. Ang mga mata niya ay nakatitig sa malayo, hindi ko sigurado kung sa mga halaman ba o sa taong nagdidilig ng mga ito—si Akeno, ang aming hardinero. Parang may bumabalot na lungkot sa paligid, isang bigat na hindi ko maipaliwanag pero damang-dama ko sa mukha niya. Kailangan kong lapitan siya kasi mukhang kailangan din niya ng kausap.“Ma, okay ka lang ba?” malambing kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Halata sa kilos niya na parang may mabigat siyang dinadala. Hindi agad siya sumagot at napatingin ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakayakap sa kanyang sarili, para bang binibigyan niya ng lakas ang kaniyang sarili na magsalita.“Naalala ko lang si Caius,” mahinang sabi niya, ang mga mata’y nakapako sa malayo, tila nagbabalik sa isang panahon na matagal nang lumipas pero sariwa p
Akeno’s POVHabang naglalakad ako sa makipot na daan patungo sa flower farm ni Arthur, hindi ko mapigilang mapangiti. Ilang araw na akong nagiisip kung ano ba ang puwede kong iregalo kay Caline. Nakikita ko sa mga mata niya na kahit gaano kalawak at kaganda ang garden sa mansion nila, tila may hinahanap pa rin siyang kulang. Kaya naisip ko, bakit hindi ako magbigay ng isang bagay na hindi pa niya nakikita—isang bagay na magpupuno sa pagnanasa niyang makumpleto ang hardin nila?Saka, gusto kong regaluhan talaga siya. Ewan ko ba, napapansin ko na parang kapag nagtatrabaho ako sa kanila, gusto niyang palaging nakadikit sa akin. Gusto niyang palaging kausap ako. Gusto niyang palaging may natututunan sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay parang may gusto siya sa akin. Hindi pa ako sure, pero ako kasi, madali akong makaramdam kung type ba ako ng isang babae.Tumigil ako sandali sa gilid ng daan, huminga ng malalim at naamoy ang simoy ng sariwang hangin na puno ng halimuya
Akeno’s POVBumunot ako ng pera mula sa bulsa ko at iniabot sa kanya ang bayad. Habang binibilang niya ang sukli, tumitig ulit ako sa gumamela. Naisip ko kung gaano kaganda ang magiging reaksiyon ni Caline kapag nakita niya ito. Alam kong marami na siyang bulaklak sa garden niya, pero ang violet na gumamela? Alam kong wala pa siya nito.Pagkatapos kong bayaran si Arthur, sumalampak ako sa isang upuan sa loob ng greenhouse at nagbukas ng inumin. Si Arthur ay palaging may malamig na tubig o juice sa tabi para sa mga bisita niya. Inalok niya ako ng juice at agad kong tinanggap.“Uy, pre,” sabi ni Arthur habang nilalagok ko ang juice. “Balita ko, ikaw at si Caline, may something na?”Napatawa ako habang naglalagay ng isang kamay sa likod ng ulo ko, medyo napapahiya. “Ah, wala pa naman. Fake news pa ‘yan. Naisip ko lang na gusto kong regaluhan siya ng something na espesyal, alam mo na. Kumbaga, pasimpleng pakulo.”“Pasimpleng pakulo, eh?” Ngumiti siya nang pilyo. “Pero mukhang espesyal ang
Akeno’s POVKinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang inaayos ang mga sapin at unan. Sanay na ako na ganito, bago layasan ang kuwarto at higaan, dapat malinis na para kapag natulog ako, kaaya-ayang tignan pa rin ang higaan.Paglabas ko sa kuwarto, dala ko na ang damit na pamalit ko para maligo na rin. Wala kasing banyo ang kuwarto ko, nasa kusina pa. Pero bago ako naligo, lumabas na muna ako para pumunta sa kanto. Bumili ako sa tindahan ng mainit na tinapay at pati na rin gatas ng kalabaw. Iyon ang inalmusal ko. Sa kalagitnaan nang pagkain ko, naalala ko ang gumamela. Lumabas tuloy ako para tignan iyon. Kinuha ko ito at saka dinala sa loob para igayak na rin.Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga bulaklak nito na parang mga bituin sa ilalim ng araw. Ibang klase talaga ang ganda nito—hindi lang dahil bihira itong makita, kundi dahil sa ibang bansa pa ito nanggaling.Tiningnan ko ang oras. Hindi ko alam kung maaga pa para pumun
Akeno’s POVLumapit si Caline at marahang hinawakan ang pot. “Akeno, ang ganda nito!” Halos hindi niya mabitawan ang mga salita habang tinititigan niya ang kakaibang kulay ng mga petals. “Hindi pa ako nakakita ng ganitong klaseng gumamela. Violet? Ito na siguro ang pinakamagandang bulaklak na nakita ko sa buong buhay ko.”Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang nakikita siyang ganito kasaya. Ang simpleng regalo na ito ay tila naging isang bagay na napakalaking halaga para sa kaniya.“Talaga? Nagustuhan mo?” tanong ko pa kahit na alam ko na ang sagot.Tumango si Caline nang may malapad na ngiti. “Sobra! Saan mo nakuha ito? Hindi ko akalaing may ganitong klaseng gumamela.”“Pumunta ako sa flower farm ng kaibigan kong si Arthur kahapon,” paliwanag ko. “Bago lang daw dumating ‘tong gumamela na ‘to mula sa Netherlands. Tapos naisip ko, perfect ‘to para iregalo sa ‘yo.”Muli siyang tumingin sa bulaklak. “Ang galing mo