Caline’s POVLinggo at tulad ng inaasahan ko, tahimik na naman ang buong mansiyon. Maluwag ang sala, walang ingay mula sa mga bisita o mga tauhan ng bahay at ang tanging tunog na naririnig ko ay ang kaluskos ng mga dahon sa labas na hinahampas ng banayad na hangin. Maglalagi lang ako sa mansiyon ngayong araw, wala naman kasing aya ang mga kaibigan ko, parang may mga kani-kaniyang gala ngayong araw. Walang plano, walang bisita, walang dahilan para umalis. Pero alam kong may isang bagay na magpapabago sana ng araw ko—si Akeno. Si Akeno, ang garden boy namin. Hindi siya nagtatrabaho tuwing Linggo, kaya sigurado akong hindi ko siya makikita ngayon. Napatitig ako sa kisame, iniisip kung paano naging ganito ka-boring ang araw ko. Kung nandito si Akeno, malamang ay kausap ko siya habang tinutulungan niya akong maghalamanan sa hardin. Pero ngayon, mag-isa lang ako kaya kailangan kong libangin ang sarili ko. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa bintana, doon sa hardin kung saan madalas siya
Caline’s POVHabang nakaupo ako sa sala ng mansiyon, hawak ko pa rin ang violet na gumamela. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina—ang liwanag na nakita ko mula sa bulaklak. Masyado pa ring sariwa sa akin ang kakaibang pakiramdam na dala nito, kaya kahit nagbalik na ako sa loob ng bahay, hindi pa rin mapakali ang isipan ko. Tinititigan ko ang mga talulot nito, umaasang baka umilaw ulit, pero normal lang ang hitsura ng bulaklak ngayon, parang walang nangyari.Ilang minuto akong nakatulala sa bulaklak, hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Si Tita White lady. Kadarating lang niya galing sa trabaho. As usual, nakabihis pa siya ng office attire at kita ang pagod sa mukha niya, pero masigla pa rin siyang ngumiti sa akin.“Caline!” tawag niya sabay lakad palapit sa akin. “Bakit parang ang tahimik mo diyan?”Umupo siya sa tabi ko sa sofa, isinuot ang mga tsinelas niyang nasa gilid. Ako naman, bahagyang ngumiti. Medyo distracted pa rin ako, kaya hindi ko agad naipaliwanag ang
Caline’s POVHindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila, hawak pa rin ang bulaklak. “Tita, ano ba talaga ‘tong tungkol sa bulaklak na ‘to? Bakit kayo nag-uusap nang parang may tinatago kayo?”Lumingon si Mama sa akin at kita ko ang pagkabahala sa mga mata niya. “Caline… anak…” Umiling siya nang bahagya na tila nag-iisip kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon.Si Papa naman, tumayo mula sa pagkakaupo niya, halatang may malalim na iniisip. “Caline, may dapat kang malaman tungkol sa gumamelang hawak mo,” sabi niya nang dahan-dahan, waring nag-iingat sa bawat salitang sinasabi niya.Parang bumagal ang oras. Ramdam ko ang kakaibang tensyon sa paligid. Tumango ako, hinihintay ang mga susunod na sasabihin nila.“Ang bulaklak na ‘yan,” simula ni Papa, “hindi ‘yan ordinaryong bulaklak. May kakaiba diyan at mukhang panahon na para malaman mo ang tungkol sa totoong mayroon sa mga dugo natin.”Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin, Pa?”Napatingin si Mama kay Papa at sa wakas
Caline’s POVNung gabi, habang pababa ako ng hagdan ng manisyon. Narinig kong nag-uusap sa sala sina Tita White, mama at papa.“Kailangan mo nang ilabas ulit ang itim na libro. Magagamit na ‘yan ni Caline,” sabi ni tita white.“Ang mahiwagang swimming pool, baka may kakaiba na rin siyang nararamdaman doon. Isa-isa na itong magpaparamdam, lagpas 18 years old na siya kaya hindi na tayo dapat magtaka. Actually, late na nga dapat e,” sabi naman ni mama.“Kaya lang, naiisip niyo ba ang naiisip ko?” tanong ni papa na parang walang gana ang boses.“A-ano?” sabay na tanong nila Tita White at mama.“Paano kung kaya nagpaparamdam na ang kapangyarihan ni Caline ay dahil magbubukas na naman ang lintek na pulang pinto na ‘yon?” tanong ni papa na lalong napagkunot ng noo ko.Anong pulang pinto? Ano na naman ‘yon? Bakit ba ang dami kong hindi alam sa pamilya namin? Ang swimming pool, mahiwaga pala iyon. Saka, ano naman ang itim na libro na ‘yon?“Eh, siguro kaya umilaw na ang bulaklak na iyon ay dahi
Caline’s POVPagdilat ng aking mga mata, una kong naramdaman ang malamig na hangin na nagmumula sa malaking bintana ng aming sala rito sa manisyon. Nakahiga ako sa malambot na sofa, ang pamilyar na amoy ng bahay na bumalot sa akin. Unti-unting bumabalik ang mga alaala ko, ang nangyari sa parking lot. Nakita ko sila, ang mama ko, si Papa Corvus, at si Tita White lady. Nakaupo sila sa harapan ko, lahat sila ay may seryosong mga mukha, na para bang may bagay na hindi ko maintindihan na kailangan kong malaman.Huminga ako ng malalim at sinusubukang intindihin ang lahat. “Ano... anong nangyari?” mahina kong tanong habang dahan-dahang bumangon mula sa aking pagkakahiga. Biglang bumalik ang isa kong alaala, kasingliwanag ng apoy ang paglabas ng fireball mula sa aking mga kamay. Naramdaman ako ng takot, pero higit pa roon, ang ‘di maipaliwanag na init na dumaloy sa aking katawan bago ako nawalan ng malay kanina.Agad akong napatingin kay Papa Corvus na umaasa ng kasagutan sa kaniya. “Papa,” m
Caline’s POVNagising ako ng hapong iyon, ang sikat ng araw ay banayad na tumatama sa mga bintana ng aking silid, malumanay na tumatagos sa mga kurtina at nagdudulot ng mapusyaw na liwanag sa loob. Bumangon ako mula sa kama habang ramdam ang kirot sa aking tiyan. Nalipasan na ako ng gutom, hindi ako nakapagtanghalian kasi ang haba ng tinulog ko. Ramdam ko rin kasi na nanghina ako matapos ang pagpapakawala ko ng fireball sa parking lot na ‘yon.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng aking kuwarto at bumaba sa hagdan. Nang makarating ako sa gitna ng hagdan, bigla akong napahinto. Dinig na dinig ko ang mababang bulungan ng mga tinig mula sa ibaba—sa sala. Nakilala ko agad ang mga boses: si Mama Alina at si Papa Corvus. Mukhang seryoso ang usapan nila.Nakapako ako sa hagdan, hindi ko mapigilang makinig sa kanila. Bahagya akong sumilip mula sa gilid,at nakita ko sila, parehong nakaupo sa may sofa. Parehong tensyonado ang kanilang mga mukha at may mabigat na hangin na bumabalot
Caline’s POVWalang tao sa mansiyon ngayon, wala sina mama, papa at Tita White. Nasa work sila habang ako, namamahinga kasi sabi nila ay mamahinga muna ako kung pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ang boring, kaya naisipan kong pumunta sa garden para puntahan nalang si Akeno.Pagdating doon, nadatnan kong nagtatanggal siya ng mga tuyong dahon.“Hi,” bati ko sa kaniya.Nakita kong nagulat siya. “Oh, bakit lumabas ka ng kuwarto mo? Ang sabi ng mga magulang mo ay may sakit ka?” tanong niya agad kaya natawa ako.“Wala, medyo nanlalata lang ako pero okay naman na ang pakiramdam ko. Isa pa, lalo lang akong nanlalata kapag nakahiga lang sa kama. Bukas, siguro puwede na akong pumasok ulit sa trabaho.Lumapit ako sa kaniya. Tumulong na lang din ako sa pagputol ng mga tuyong dahon at bulaklak.“Gusto mo bang igawa kita ng tsaa? May mga chamomile tea akong dala sa bag ko. Nagdadala ako nun kapag stress o nanlalata ako,” alok niya pero tumanggi ako. Ayokong umalis siya sa tabi ko kaya tumanggi ako.
Caline’s POVPagbukas ng malalaking pintuan ng mansiyon, ramdam ko agad ang pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas. Napatigil ako sa ginagawa, lumingon at nakita ko sina Mama Alina at Papa Corvus na naglalakad papasok mula sa pintuan. Pagod ang mga mata ni Mama, halatang matagal siyang nagtrabaho ngayong araw. Si Papa naman, katulad ng dati, matikas pa rin ang halatang pagod din. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko hinayaang mauna pa silang magpahinga o magtanong. Kailangan ko silang kausapin. Kailangan kong sabihin agad ang nangyari.“Mama, Papa, kailangan ko kayong makausap,” ang sabi ko na halos nanginginig ang boses ko kahit na pilit kong pinipigilan.Napahinto si Papa at agad tumingin sa akin, “Ano ‘yun, anak?”Alam kong nakuha ko na ang buong atensyon nila. Si Mama naman, bagaman tila pagod, lumapit sa akin at maingat na umupo sa sopa, hinawakan ang kamay ko na parang pinalalakas ang loob ko.“May… may kakaibang nangyari, Mama, Papa. Nakausap ko ang mahiwagang swimming pool