Caline’s POVNagising ako ng hapong iyon, ang sikat ng araw ay banayad na tumatama sa mga bintana ng aking silid, malumanay na tumatagos sa mga kurtina at nagdudulot ng mapusyaw na liwanag sa loob. Bumangon ako mula sa kama habang ramdam ang kirot sa aking tiyan. Nalipasan na ako ng gutom, hindi ako nakapagtanghalian kasi ang haba ng tinulog ko. Ramdam ko rin kasi na nanghina ako matapos ang pagpapakawala ko ng fireball sa parking lot na ‘yon.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng aking kuwarto at bumaba sa hagdan. Nang makarating ako sa gitna ng hagdan, bigla akong napahinto. Dinig na dinig ko ang mababang bulungan ng mga tinig mula sa ibaba—sa sala. Nakilala ko agad ang mga boses: si Mama Alina at si Papa Corvus. Mukhang seryoso ang usapan nila.Nakapako ako sa hagdan, hindi ko mapigilang makinig sa kanila. Bahagya akong sumilip mula sa gilid,at nakita ko sila, parehong nakaupo sa may sofa. Parehong tensyonado ang kanilang mga mukha at may mabigat na hangin na bumabalot
Caline’s POVWalang tao sa mansiyon ngayon, wala sina mama, papa at Tita White. Nasa work sila habang ako, namamahinga kasi sabi nila ay mamahinga muna ako kung pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ang boring, kaya naisipan kong pumunta sa garden para puntahan nalang si Akeno.Pagdating doon, nadatnan kong nagtatanggal siya ng mga tuyong dahon.“Hi,” bati ko sa kaniya.Nakita kong nagulat siya. “Oh, bakit lumabas ka ng kuwarto mo? Ang sabi ng mga magulang mo ay may sakit ka?” tanong niya agad kaya natawa ako.“Wala, medyo nanlalata lang ako pero okay naman na ang pakiramdam ko. Isa pa, lalo lang akong nanlalata kapag nakahiga lang sa kama. Bukas, siguro puwede na akong pumasok ulit sa trabaho.Lumapit ako sa kaniya. Tumulong na lang din ako sa pagputol ng mga tuyong dahon at bulaklak.“Gusto mo bang igawa kita ng tsaa? May mga chamomile tea akong dala sa bag ko. Nagdadala ako nun kapag stress o nanlalata ako,” alok niya pero tumanggi ako. Ayokong umalis siya sa tabi ko kaya tumanggi ako.
Caline’s POVPagbukas ng malalaking pintuan ng mansiyon, ramdam ko agad ang pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas. Napatigil ako sa ginagawa, lumingon at nakita ko sina Mama Alina at Papa Corvus na naglalakad papasok mula sa pintuan. Pagod ang mga mata ni Mama, halatang matagal siyang nagtrabaho ngayong araw. Si Papa naman, katulad ng dati, matikas pa rin ang halatang pagod din. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko hinayaang mauna pa silang magpahinga o magtanong. Kailangan ko silang kausapin. Kailangan kong sabihin agad ang nangyari.“Mama, Papa, kailangan ko kayong makausap,” ang sabi ko na halos nanginginig ang boses ko kahit na pilit kong pinipigilan.Napahinto si Papa at agad tumingin sa akin, “Ano ‘yun, anak?”Alam kong nakuha ko na ang buong atensyon nila. Si Mama naman, bagaman tila pagod, lumapit sa akin at maingat na umupo sa sopa, hinawakan ang kamay ko na parang pinalalakas ang loob ko.“May… may kakaibang nangyari, Mama, Papa. Nakausap ko ang mahiwagang swimming pool
Caline’s POVMaaga akong gumising para sana kausapin si Akeno. Kaya lang sabi ni mama, hindi raw ito makakapasok ngayong araw dahil may sakit siya.Nasa sala ako noon, nagbabasa ng isang libro, ngunit wala akong maintindihan sa bawat pahinang binubuksan ko. Paulit-ulit lang na pumapasok sa isip ko ang kalagayan ni Akeno. Sino kaya ang nag-aalaga sa kanya? Mayroon kaya siyang kasama sa bahay na tumutulong sa kaniya? Hindi ko na matagalan ang pag-aalala, kaya nagpasya akong aksyunan na ito.Mabilis kong kinuha ang resume ni Akeno mula sa mga dokumentong naka-file sa opisina ni papa. Doon ko nahanap ang kaniyang address. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko—ang basta na lang magpunta sa bahay ng isang empleyado—pero pakiramdam ko, kailangan ko. Ayoko siyang pabayaan. Close naman na kami at para na kaming magkaibigan.Ang address ni Akeno ay nasa isang maliit na bayan na malayo sa siyudad, sa gilid ng isang kabundukan. Hindi ko inaasahang ganoon kasimple ang lugar na tinitirhan niy
Alina’s POV Nagulat na lang ako na nasa tapat ako ng isang lumang apartment na para bang lumang-luma na. Takang-taka ako, dahil parang nag-teleport ako rito. Narito ako sa kalsada nang biglang may dumaan na mabilis na sasakyan. Napasigaw ako nang malakas nang inakala kong sasagasaan niya ako pero, laking-gulat ko nang tumagos ako bigla sa sasakyan na ‘yon. What the fuck! I slowly looked at myself. Nakasuot pa rin ako ng damit pangkasal pero, ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang buo kong katawan at buong sarili. Parang…parang black and white ang itsura ko. Panaginip ba ito? I looked around. I screamed and asked for help. Umaasang maririnig ako ng mga tao pero wala. Kahit lapitan at sigawan ko man sila sa mismong harap ng mukha nila ay walang nangyayari. I’m just passing through their bodies. Bakit tumatagos ako sa kanila? Okay, panaginip ata ito. Oo, hindi ako dapat mag-panic kasi panaginip ito. Pero kung panaginip ito, ang gara naman. Para kasing totoo. Napakunot ang n
Alina’s POV “Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!” Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon. Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad? “I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…” I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya. “Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!” I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta
Corvus’ POVPumunta ako kay Aling Paleng para magtanong tungkol sa naririnig kong boses sa apartment ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo ko. Pagdating dito sa tapat ng malaking bahay ni Aling Paleng ay agad kong pinindot ang doorbell sa may gate niya. Naghahabol ako ng hininga habang basang-basa rin sa sarili kong pawis.“Hoy, nandiyan na, sandali lang! Sisirain mo naman ang doorbell ko kung makapindot ka riyan!” iritadong sigaw niya habang palabas na ng pinto ng bahay niya. Iika-ika itong maglakad kasi pinanganak na talaga siyang pilay ‘yung isa paa. Kaya nga raw tinawag siyang paleng kasi paleng daw itong maglakad. Nakakunot ang noo niya, halatang na-bad-trip dahil sa pagdating ko.“Aling Paleng, may gusto po kasi akong sabihin at itanong sa inyo,” sabi ko nang pagbuksan na niya ako ng gate. Galit pa rin ang mukha niya kahit nakita niyang ako ito. Sa lahat kasi ng tenant niya, ako ang paborito niya. Ngayon kasi, mabilis na akong magbayad ng upa sa kaniya kasi mababa l
Alina’s POVI accompanied Helena downstairs to leave my penthouse. I thought that if I just stayed there, nothing would happen. Now I’m just a soul, I don’t know how long I’ll stay in this world. Baka kasi masayang lang ang oras ko dito. Bago sana ako tuluyang mawala dito sa mundong ibabaw, gusto ko sanang magkaroon ng hustisya ang pagkawala ko.I also don’t know if I’m headed for heaven or hell. Or maybe there really is another world where when you die here in the world of humans, you go to another world.“Alina, dalawin mo ako sa panaginip ko. Sabihin mo sa akin kung ano bang nangyari sa iyo,” bulong ni Helena dito sa loob ng elevator habang nasa tabi ko siya. Hanggang ngayon, panay pa rin ang iyak niya. Sobrang sweet talaga ng babaeng ito kahit kailan. Nalulungkot tuloy ako lalo kapag nakikita kong malungkot siya.“Kung kaya ko lang, Helena, gagawin ko,” sagot ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.Pagdating sa labas ng penthouse, naghiwalay na kami. Hinaya