Share

Kabanata 148

Akeno’s POV

Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang inaayos ang mga sapin at unan. Sanay na ako na ganito, bago layasan ang kuwarto at higaan, dapat malinis na para kapag natulog ako, kaaya-ayang tignan pa rin ang higaan.

Paglabas ko sa kuwarto, dala ko na ang damit na pamalit ko para maligo na rin. Wala kasing banyo ang kuwarto ko, nasa kusina pa. Pero bago ako naligo, lumabas na muna ako para pumunta sa kanto. Bumili ako sa tindahan ng mainit na tinapay at pati na rin gatas ng kalabaw. Iyon ang inalmusal ko. Sa kalagitnaan nang pagkain ko, naalala ko ang gumamela. Lumabas tuloy ako para tignan iyon. Kinuha ko ito at saka dinala sa loob para igayak na rin.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga bulaklak nito na parang mga bituin sa ilalim ng araw. Ibang klase talaga ang ganda nito—hindi lang dahil bihira itong makita, kundi dahil sa ibang bansa pa ito nanggaling.

Tiningnan ko ang oras. Hindi ko alam kung maaga pa para pumun
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status