Caline’s POVNadatnan ko si Mama sa may garden, tahimik at tila malayo ang iniisip. Nakaupo siya sa kahoy na bangko sa gilid ng aming munting hardin. Ang mga mata niya ay nakatitig sa malayo, hindi ko sigurado kung sa mga halaman ba o sa taong nagdidilig ng mga ito—si Akeno, ang aming hardinero. Parang may bumabalot na lungkot sa paligid, isang bigat na hindi ko maipaliwanag pero damang-dama ko sa mukha niya. Kailangan kong lapitan siya kasi mukhang kailangan din niya ng kausap.“Ma, okay ka lang ba?” malambing kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Halata sa kilos niya na parang may mabigat siyang dinadala. Hindi agad siya sumagot at napatingin ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakayakap sa kanyang sarili, para bang binibigyan niya ng lakas ang kaniyang sarili na magsalita.“Naalala ko lang si Caius,” mahinang sabi niya, ang mga mata’y nakapako sa malayo, tila nagbabalik sa isang panahon na matagal nang lumipas pero sariwa p
Akeno’s POVHabang naglalakad ako sa makipot na daan patungo sa flower farm ni Arthur, hindi ko mapigilang mapangiti. Ilang araw na akong nagiisip kung ano ba ang puwede kong iregalo kay Caline. Nakikita ko sa mga mata niya na kahit gaano kalawak at kaganda ang garden sa mansion nila, tila may hinahanap pa rin siyang kulang. Kaya naisip ko, bakit hindi ako magbigay ng isang bagay na hindi pa niya nakikita—isang bagay na magpupuno sa pagnanasa niyang makumpleto ang hardin nila?Saka, gusto kong regaluhan talaga siya. Ewan ko ba, napapansin ko na parang kapag nagtatrabaho ako sa kanila, gusto niyang palaging nakadikit sa akin. Gusto niyang palaging kausap ako. Gusto niyang palaging may natututunan sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay parang may gusto siya sa akin. Hindi pa ako sure, pero ako kasi, madali akong makaramdam kung type ba ako ng isang babae.Tumigil ako sandali sa gilid ng daan, huminga ng malalim at naamoy ang simoy ng sariwang hangin na puno ng halimuya
Akeno’s POVBumunot ako ng pera mula sa bulsa ko at iniabot sa kanya ang bayad. Habang binibilang niya ang sukli, tumitig ulit ako sa gumamela. Naisip ko kung gaano kaganda ang magiging reaksiyon ni Caline kapag nakita niya ito. Alam kong marami na siyang bulaklak sa garden niya, pero ang violet na gumamela? Alam kong wala pa siya nito.Pagkatapos kong bayaran si Arthur, sumalampak ako sa isang upuan sa loob ng greenhouse at nagbukas ng inumin. Si Arthur ay palaging may malamig na tubig o juice sa tabi para sa mga bisita niya. Inalok niya ako ng juice at agad kong tinanggap.“Uy, pre,” sabi ni Arthur habang nilalagok ko ang juice. “Balita ko, ikaw at si Caline, may something na?”Napatawa ako habang naglalagay ng isang kamay sa likod ng ulo ko, medyo napapahiya. “Ah, wala pa naman. Fake news pa ‘yan. Naisip ko lang na gusto kong regaluhan siya ng something na espesyal, alam mo na. Kumbaga, pasimpleng pakulo.”“Pasimpleng pakulo, eh?” Ngumiti siya nang pilyo. “Pero mukhang espesyal ang
Akeno’s POVKinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang inaayos ang mga sapin at unan. Sanay na ako na ganito, bago layasan ang kuwarto at higaan, dapat malinis na para kapag natulog ako, kaaya-ayang tignan pa rin ang higaan.Paglabas ko sa kuwarto, dala ko na ang damit na pamalit ko para maligo na rin. Wala kasing banyo ang kuwarto ko, nasa kusina pa. Pero bago ako naligo, lumabas na muna ako para pumunta sa kanto. Bumili ako sa tindahan ng mainit na tinapay at pati na rin gatas ng kalabaw. Iyon ang inalmusal ko. Sa kalagitnaan nang pagkain ko, naalala ko ang gumamela. Lumabas tuloy ako para tignan iyon. Kinuha ko ito at saka dinala sa loob para igayak na rin.Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga bulaklak nito na parang mga bituin sa ilalim ng araw. Ibang klase talaga ang ganda nito—hindi lang dahil bihira itong makita, kundi dahil sa ibang bansa pa ito nanggaling.Tiningnan ko ang oras. Hindi ko alam kung maaga pa para pumun
Akeno’s POVLumapit si Caline at marahang hinawakan ang pot. “Akeno, ang ganda nito!” Halos hindi niya mabitawan ang mga salita habang tinititigan niya ang kakaibang kulay ng mga petals. “Hindi pa ako nakakita ng ganitong klaseng gumamela. Violet? Ito na siguro ang pinakamagandang bulaklak na nakita ko sa buong buhay ko.”Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang nakikita siyang ganito kasaya. Ang simpleng regalo na ito ay tila naging isang bagay na napakalaking halaga para sa kaniya.“Talaga? Nagustuhan mo?” tanong ko pa kahit na alam ko na ang sagot.Tumango si Caline nang may malapad na ngiti. “Sobra! Saan mo nakuha ito? Hindi ko akalaing may ganitong klaseng gumamela.”“Pumunta ako sa flower farm ng kaibigan kong si Arthur kahapon,” paliwanag ko. “Bago lang daw dumating ‘tong gumamela na ‘to mula sa Netherlands. Tapos naisip ko, perfect ‘to para iregalo sa ‘yo.”Muli siyang tumingin sa bulaklak. “Ang galing mo
Caline’s POVLinggo at tulad ng inaasahan ko, tahimik na naman ang buong mansiyon. Maluwag ang sala, walang ingay mula sa mga bisita o mga tauhan ng bahay at ang tanging tunog na naririnig ko ay ang kaluskos ng mga dahon sa labas na hinahampas ng banayad na hangin. Maglalagi lang ako sa mansiyon ngayong araw, wala naman kasing aya ang mga kaibigan ko, parang may mga kani-kaniyang gala ngayong araw. Walang plano, walang bisita, walang dahilan para umalis. Pero alam kong may isang bagay na magpapabago sana ng araw ko—si Akeno. Si Akeno, ang garden boy namin. Hindi siya nagtatrabaho tuwing Linggo, kaya sigurado akong hindi ko siya makikita ngayon. Napatitig ako sa kisame, iniisip kung paano naging ganito ka-boring ang araw ko. Kung nandito si Akeno, malamang ay kausap ko siya habang tinutulungan niya akong maghalamanan sa hardin. Pero ngayon, mag-isa lang ako kaya kailangan kong libangin ang sarili ko. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa bintana, doon sa hardin kung saan madalas siya
Caline’s POVHabang nakaupo ako sa sala ng mansiyon, hawak ko pa rin ang violet na gumamela. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina—ang liwanag na nakita ko mula sa bulaklak. Masyado pa ring sariwa sa akin ang kakaibang pakiramdam na dala nito, kaya kahit nagbalik na ako sa loob ng bahay, hindi pa rin mapakali ang isipan ko. Tinititigan ko ang mga talulot nito, umaasang baka umilaw ulit, pero normal lang ang hitsura ng bulaklak ngayon, parang walang nangyari.Ilang minuto akong nakatulala sa bulaklak, hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Si Tita White lady. Kadarating lang niya galing sa trabaho. As usual, nakabihis pa siya ng office attire at kita ang pagod sa mukha niya, pero masigla pa rin siyang ngumiti sa akin.“Caline!” tawag niya sabay lakad palapit sa akin. “Bakit parang ang tahimik mo diyan?”Umupo siya sa tabi ko sa sofa, isinuot ang mga tsinelas niyang nasa gilid. Ako naman, bahagyang ngumiti. Medyo distracted pa rin ako, kaya hindi ko agad naipaliwanag ang
Caline’s POVHindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila, hawak pa rin ang bulaklak. “Tita, ano ba talaga ‘tong tungkol sa bulaklak na ‘to? Bakit kayo nag-uusap nang parang may tinatago kayo?”Lumingon si Mama sa akin at kita ko ang pagkabahala sa mga mata niya. “Caline… anak…” Umiling siya nang bahagya na tila nag-iisip kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon.Si Papa naman, tumayo mula sa pagkakaupo niya, halatang may malalim na iniisip. “Caline, may dapat kang malaman tungkol sa gumamelang hawak mo,” sabi niya nang dahan-dahan, waring nag-iingat sa bawat salitang sinasabi niya.Parang bumagal ang oras. Ramdam ko ang kakaibang tensyon sa paligid. Tumango ako, hinihintay ang mga susunod na sasabihin nila.“Ang bulaklak na ‘yan,” simula ni Papa, “hindi ‘yan ordinaryong bulaklak. May kakaiba diyan at mukhang panahon na para malaman mo ang tungkol sa totoong mayroon sa mga dugo natin.”Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin, Pa?”Napatingin si Mama kay Papa at sa wakas