Corvus’ POVParang mababaliw ako sa sobrang kaba habang binabagtas namin ang daan papuntang ospital. Halos mamutla na ako sa sobrang lakas ng pagpiga ni Alina sa kamay ko. Hanggang ngayon, nag-echo pa rin sa utak ko ang sigaw niya kanina sa bahay, “Corvus! Manganganak na ako!”Naramdaman ko kung paanong parang nawalan ako ng ulirat ng mga ilang segundo bago tuluyang kumilos para ihanda ang lahat. Nilagay ko siya sa kotse nang maingat pero puno ng pagmamadali, tinawagan ang doktor namin, at pinatakbo ang sasakyan na parang wala nang bukas. Ngayon, habang naririnig ko ang humahalinghing na boses ni Alina sa likod ng kotse, iniisip ko lang kung paano ko pa ba siya maaalalayan. Wala akong magawa kundi idiin nang husto ang accelerator. Sa bawat pagdaing ni Alina, parang may sumasaksak sa puso ko.“Corvus, masakit! Masakit na sobra!” bulalas niya habang ang mga mata’y nakapikit habang pinipilit na huminga ng malalim.“Malapit na tayo, Alina. Konti na lang,” panay ang tingin ko sa salamin, k
Corvus’ POVPagkatapos ng ilang araw na pag-aalala sa ospital, narito na kami ngayon sa wakas—sa aming tahanan. Maluwag na huminga si Alina habang nakasandal sa kutson ng malambot naming kama, bitbit ang aming bagong silang na si Caline, habang si Caius naman ay mahimbing na natutulog sa tabi niya.Ang mukha ni Alina ay medyo parang maga pa dala nang panganganak niya, pero sabi ng doctor ay normal naman daw ‘yun. Sa tingin ko tuloy ay kapag naka-recover na siya, maglalagi sa gym itong asawa ko.Abot-langit ang ngiti ng mama ni Alina, na walang sawang nakatitig sa mga apo niya. Ang sabi niya at suwerte kami ni Alina dahil malulusog ang aming kambal. Hindi ko maiwasang mapangiti. Totoo nga, para akong nananaginip habang tinitingnan ko ang pamilya ko—ang buhay ko.Iniwan ko na muna silang mag-iina doon para makapag-bonding sila.Habang nasa salas ako, binabalikan ko sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang buwan. Napakaraming nagbago. Para akong nakalutang sa hangin habang pinagmamasd
Corvus’ POVGumapang ang malamig na hangin sa paligid ko habang nakatingin ako sa mga bulaklak sa aming hardin. Paborito kong lugar ito noon—kung saan ko laging kumukuha ng gagamitin ko sa mga ritwal. Pero ngayon, tila nawalan na ng sigla ang lahat. Ang mga bulaklak, parang nawalan ng amoy, walang mga bango. Ang iba, parang natuyot at namatay na.Napabuntong-hininga ako at nilingon ang buong hardin. Ang mga rosas, mga dahlia, mga liryo—lahat sila ay parang karaniwang mga halaman na lamang. Wala nang misteryo, wala nang liwanag na nagmumula sa kanila. Parang napalitan ng katahimikan ang ingay ng enerhiya na dati kong naririnig tuwing lumalapit ako sa kanila. Noon, maririnig ko pa kung paano sila bumubulong, hinihigop ang aking kapangyarihan at ibinabalik ito sa akin na parang isang sumpang handa kong gamitin. Pero ngayon, wala na.Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa likod ng manisyon, kung saan naroroon ang mahiwagang swimming pool. Noon, ang tubig nito ay kumikislap ng
Akeno’s POVSa wakas! Matapos ang napakatagal na paghihintay at kaliwa’t kanang pag-a-apply sa iba’t ibang trabaho, heto at may tumawag na sa akin para kunin akong hardinero. Halos maglulundag ako sa tuwa nang marinig ko sa telepono ang sinabi ng babaeng tumawag:“Mr. Akeno, natanggap po kayo bilang hardinero sa Ferrara Mansion. Maaari na po ba kayong magsimula bukas?”Gusto ko na sanang sumigaw ng “Oo!” sa tuwa pero napigilan ko ang sarili ko at sinagot ng mahinahon, “Opo, Ma’am. Makakarating po ako bukas nang maaga.”Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay dumating na ang suwerte ko! Ferrara Mansion! Nag-search tuloy ako sa internet tungkol sa Ferrara mansion. Napakagandang lugar nun, napakalawak ng hardin na aalagaan ko. Parang sinusuwerte talaga ako ngayon!Matagal na akong mahilig sa mga halaman. Bata pa lang ako, ang nanay ko, si Inang Mila, ang nagturo sa akin kung paano mag-alaga ng mga bulaklak. Madalas kaming magtanim ng iba’t ibang klase ng halaman sa bakuran namin n
Akeno’s POVSa unang araw ko pa lang, sinimulan ko nang linisin at ayusin ang buong hardin. Hinukay ko ang mga tanim na mukhang hindi na masigla at pinalitan ko ng bago. Inayos ko ang mga gilid ng taniman at nilagyan ko ng mga bato para hindi masira ng ulan ang lupa. Halos buong araw akong nagtrabaho nang hindi napapagod. Ewan ko ba, pero sa tuwing naiisip ko si Caline, parang ang dami kong enerhiya.Nang tanghali, nakatulala ako sa gitna ng hardin habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Bigla akong nilapitan ni Sir Corvus. “Mukhang masipag ka talaga, Akeno. Ayos na ayos ang mga tanim,” sabi niya habang nakatingin sa ginawa ko.“Maraming salamat po, Sir,” sagot ko sabay himas sa likod ng leeg ko. “Gusto ko po kasing masigurong maayos ang lahat dito.”“May gusto ka bang hilingin bilang reward sa sipag mo?” tanong ni Sir Corvus sabay kindat.Nag-isip ako sandali. Gusto ko sanang humiling ng dagdag sahod o kaya’y day off, pero parang bigla kong nasabi, “Pwede po bang makita ang buong mans
Caline’s POVNasa coffee shop ako kasama ang mga kaibigan kong sina Acelle, Brianna, at Danica—lahat kami na mga anak ng CEO. Gaya ng nakasanayan, nagkikita kami tuwing Sabado para mag-catch up sa buhay-buhay habang nagpapalamig sa paborito naming café, ang Café Belle. Pumipino ang amoy ng brewed coffee at pastry sa paligid, tipikal na ambiance na paborito ng mga elite na kagaya namin.Habang tinitikman ko ang hazelnut latte ko, napansin ko ang pag-uusap nila Acelle tungkol sa bagong kotse ng daddy niya, isang limited edition na Lamborghini. Pero sa totoo lang, hindi ‘yun ang laman ng isip ko ngayon. Bago pa ako mag-back out, nag-desisyon akong i-open up ang topic na matagal ko nang kinikimkim.“Girls,” sinimulan ko habang nilalaro ang straw ng aking drink, “Have you ever noticed how hot our gardener is?”Biglang napahinto si Acelle sa pagkukuwento at halos mabuga niya ang iniinom niyang iced Americano. Tumawa si Brianna habang si Danica naman ay napangiwi, tila hindi makapaniwala sa
Akeno’s POVNakatutok ako sa mga kamay ko habang isa-isang tinatanggal ang mga tuyong bulaklak sa mga halaman sa harap ng mansiyon nina Caline. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga ibon at ang mahihinang simoy ng hangin ang maririnig. Kapag ganito ang panahon, kalmado at tila ba walang problema sa mundo.Binulungan ko ang isang halaman na may bulaklak, “Pasensya ka na, kailangan kong tanggalin ‘tong mga tuyot na dahon mo.” Mahina akong tumawa sa sarili ko. Minsan, parang nakakabaliw isipin na nakikipag-usap ako sa mga halaman at kung tutuusin, mas kausap ko pa yata sila kaysa sa mga tao.Pagkatapos kong tanggalin ang mga tuyot na bahagi, kinuha ko ang hose at sinimulan nang diligan ang mga halaman. Inikot ko ang hose sa mga paborito kong bulaklak—yung mga rosas na mapulang-mapula na halos mamula sa sikat ng araw. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano sila aalagaan ng maayos para lalo pa silang mamukadkad.Habang inaayos ko ang pressure ng tubig mula sa hose, may narinig
Caline’s POVNadatnan ko si Mama sa may garden, tahimik at tila malayo ang iniisip. Nakaupo siya sa kahoy na bangko sa gilid ng aming munting hardin. Ang mga mata niya ay nakatitig sa malayo, hindi ko sigurado kung sa mga halaman ba o sa taong nagdidilig ng mga ito—si Akeno, ang aming hardinero. Parang may bumabalot na lungkot sa paligid, isang bigat na hindi ko maipaliwanag pero damang-dama ko sa mukha niya. Kailangan kong lapitan siya kasi mukhang kailangan din niya ng kausap.“Ma, okay ka lang ba?” malambing kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Halata sa kilos niya na parang may mabigat siyang dinadala. Hindi agad siya sumagot at napatingin ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakayakap sa kanyang sarili, para bang binibigyan niya ng lakas ang kaniyang sarili na magsalita.“Naalala ko lang si Caius,” mahinang sabi niya, ang mga mata’y nakapako sa malayo, tila nagbabalik sa isang panahon na matagal nang lumipas pero sariwa p
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag