Alina’s POV“Bakit kailangan ko pang mag-makeup, Ma?” Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang sarili ko sa rearview mirror ng sasakyan. Ang akala ko, simpleng day-trip lang ito sa beach. Pero bakit parang may binabalak ang mama ko at si White Lady?Si White Lady na katabi ni Mama sa unahan ay abala rin sa kakausap sa phone.Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Ngayon ko lang siya nakitang babad sa phone. Dati naman ay hindi siya mahilig mag-cellphone.“Just relax, Alina,” sagot ni Mama nang nakangiti. “You’re going to have a great time.”“Yeah, just trust us, sweetie,” dagdag ni White Lady tumitingin saglit sa akin mula sa rearview mirror. Umi-english na rin siya ngayon kaya natatawa ako. “Alam naming lahat kung gaano ka kapos sa oras lately, kaya enjoy this day, okay?”“Pero, bakit hindi natin kasama si Corvus?” I asked, worried. Hindi ko pa siya natatanong ng diretso dahil sabi niya, busy siya sa work nitong mga nakaraang linggo.“He’s occupied, sweetheart,” Mama answered vag
Alina’s POVPagdating namin malapit sa altar, nakita ko si Corvus, in his elegant white suit. Akala ko ba ay busy siya sa work? My heart skipped a beat. He looked so handsome, his eyes shining with love and anticipation. Pero ang hindi ko ma-gets, bakit parang nakatingin ang lahat sa amin?And then it hit me. This wasn’t just some beach outing or event. Corvus was here, and he was standing beside what looked like a pastor. Oh my god.“Corvus, what’s happening?” I asked, tears already welling up in my eyes. Hindi ako makapaniwala. All this time, while I thought he was busy with work, he was preparing something so special, so beautiful.He stepped forward, taking my hands in his. “I know I’ve been keeping secrets, but I wanted to surprise you. I wanted this day to be perfect. Alina, today isn’t just about us being together. It’s about us becoming one. Will you marry me? Right here, right now?”Nag-propose na siya matagal na, nauntol lang dahil sa maraming problema. Pero dahil matagal na
Corvus’ POVParang mababaliw ako sa sobrang kaba habang binabagtas namin ang daan papuntang ospital. Halos mamutla na ako sa sobrang lakas ng pagpiga ni Alina sa kamay ko. Hanggang ngayon, nag-echo pa rin sa utak ko ang sigaw niya kanina sa bahay, “Corvus! Manganganak na ako!”Naramdaman ko kung paanong parang nawalan ako ng ulirat ng mga ilang segundo bago tuluyang kumilos para ihanda ang lahat. Nilagay ko siya sa kotse nang maingat pero puno ng pagmamadali, tinawagan ang doktor namin, at pinatakbo ang sasakyan na parang wala nang bukas. Ngayon, habang naririnig ko ang humahalinghing na boses ni Alina sa likod ng kotse, iniisip ko lang kung paano ko pa ba siya maaalalayan. Wala akong magawa kundi idiin nang husto ang accelerator. Sa bawat pagdaing ni Alina, parang may sumasaksak sa puso ko.“Corvus, masakit! Masakit na sobra!” bulalas niya habang ang mga mata’y nakapikit habang pinipilit na huminga ng malalim.“Malapit na tayo, Alina. Konti na lang,” panay ang tingin ko sa salamin, k
Corvus’ POVPagkatapos ng ilang araw na pag-aalala sa ospital, narito na kami ngayon sa wakas—sa aming tahanan. Maluwag na huminga si Alina habang nakasandal sa kutson ng malambot naming kama, bitbit ang aming bagong silang na si Caline, habang si Caius naman ay mahimbing na natutulog sa tabi niya.Ang mukha ni Alina ay medyo parang maga pa dala nang panganganak niya, pero sabi ng doctor ay normal naman daw ‘yun. Sa tingin ko tuloy ay kapag naka-recover na siya, maglalagi sa gym itong asawa ko.Abot-langit ang ngiti ng mama ni Alina, na walang sawang nakatitig sa mga apo niya. Ang sabi niya at suwerte kami ni Alina dahil malulusog ang aming kambal. Hindi ko maiwasang mapangiti. Totoo nga, para akong nananaginip habang tinitingnan ko ang pamilya ko—ang buhay ko.Iniwan ko na muna silang mag-iina doon para makapag-bonding sila.Habang nasa salas ako, binabalikan ko sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang buwan. Napakaraming nagbago. Para akong nakalutang sa hangin habang pinagmamasd
Corvus’ POVGumapang ang malamig na hangin sa paligid ko habang nakatingin ako sa mga bulaklak sa aming hardin. Paborito kong lugar ito noon—kung saan ko laging kumukuha ng gagamitin ko sa mga ritwal. Pero ngayon, tila nawalan na ng sigla ang lahat. Ang mga bulaklak, parang nawalan ng amoy, walang mga bango. Ang iba, parang natuyot at namatay na.Napabuntong-hininga ako at nilingon ang buong hardin. Ang mga rosas, mga dahlia, mga liryo—lahat sila ay parang karaniwang mga halaman na lamang. Wala nang misteryo, wala nang liwanag na nagmumula sa kanila. Parang napalitan ng katahimikan ang ingay ng enerhiya na dati kong naririnig tuwing lumalapit ako sa kanila. Noon, maririnig ko pa kung paano sila bumubulong, hinihigop ang aking kapangyarihan at ibinabalik ito sa akin na parang isang sumpang handa kong gamitin. Pero ngayon, wala na.Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa likod ng manisyon, kung saan naroroon ang mahiwagang swimming pool. Noon, ang tubig nito ay kumikislap ng
Akeno’s POVSa wakas! Matapos ang napakatagal na paghihintay at kaliwa’t kanang pag-a-apply sa iba’t ibang trabaho, heto at may tumawag na sa akin para kunin akong hardinero. Halos maglulundag ako sa tuwa nang marinig ko sa telepono ang sinabi ng babaeng tumawag:“Mr. Akeno, natanggap po kayo bilang hardinero sa Ferrara Mansion. Maaari na po ba kayong magsimula bukas?”Gusto ko na sanang sumigaw ng “Oo!” sa tuwa pero napigilan ko ang sarili ko at sinagot ng mahinahon, “Opo, Ma’am. Makakarating po ako bukas nang maaga.”Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay dumating na ang suwerte ko! Ferrara Mansion! Nag-search tuloy ako sa internet tungkol sa Ferrara mansion. Napakagandang lugar nun, napakalawak ng hardin na aalagaan ko. Parang sinusuwerte talaga ako ngayon!Matagal na akong mahilig sa mga halaman. Bata pa lang ako, ang nanay ko, si Inang Mila, ang nagturo sa akin kung paano mag-alaga ng mga bulaklak. Madalas kaming magtanim ng iba’t ibang klase ng halaman sa bakuran namin n
Akeno’s POVSa unang araw ko pa lang, sinimulan ko nang linisin at ayusin ang buong hardin. Hinukay ko ang mga tanim na mukhang hindi na masigla at pinalitan ko ng bago. Inayos ko ang mga gilid ng taniman at nilagyan ko ng mga bato para hindi masira ng ulan ang lupa. Halos buong araw akong nagtrabaho nang hindi napapagod. Ewan ko ba, pero sa tuwing naiisip ko si Caline, parang ang dami kong enerhiya.Nang tanghali, nakatulala ako sa gitna ng hardin habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Bigla akong nilapitan ni Sir Corvus. “Mukhang masipag ka talaga, Akeno. Ayos na ayos ang mga tanim,” sabi niya habang nakatingin sa ginawa ko.“Maraming salamat po, Sir,” sagot ko sabay himas sa likod ng leeg ko. “Gusto ko po kasing masigurong maayos ang lahat dito.”“May gusto ka bang hilingin bilang reward sa sipag mo?” tanong ni Sir Corvus sabay kindat.Nag-isip ako sandali. Gusto ko sanang humiling ng dagdag sahod o kaya’y day off, pero parang bigla kong nasabi, “Pwede po bang makita ang buong mans
Caline’s POVNasa coffee shop ako kasama ang mga kaibigan kong sina Acelle, Brianna, at Danica—lahat kami na mga anak ng CEO. Gaya ng nakasanayan, nagkikita kami tuwing Sabado para mag-catch up sa buhay-buhay habang nagpapalamig sa paborito naming café, ang Café Belle. Pumipino ang amoy ng brewed coffee at pastry sa paligid, tipikal na ambiance na paborito ng mga elite na kagaya namin.Habang tinitikman ko ang hazelnut latte ko, napansin ko ang pag-uusap nila Acelle tungkol sa bagong kotse ng daddy niya, isang limited edition na Lamborghini. Pero sa totoo lang, hindi ‘yun ang laman ng isip ko ngayon. Bago pa ako mag-back out, nag-desisyon akong i-open up ang topic na matagal ko nang kinikimkim.“Girls,” sinimulan ko habang nilalaro ang straw ng aking drink, “Have you ever noticed how hot our gardener is?”Biglang napahinto si Acelle sa pagkukuwento at halos mabuga niya ang iniinom niyang iced Americano. Tumawa si Brianna habang si Danica naman ay napangiwi, tila hindi makapaniwala sa