Corvus’ POVNasa likod ako ng isa na namang lumang ospital, tahimik ang paligid maliban sa tunog ng hangin na humahampas sa mga basag na bintana. Ang dating lugar na ito ng na dating sikat na ospital ay isang abandonadong gusali na puno ng madilim na enerhiya. Tinuro sa akin ng mahiwagang swimming pool na may dalawang demonyong naninirahan dito.Ramdam ko na agad hindi lang ako ang narito. Pinagmasdan ko ang dilim na bumabalot sa paligid—madalas itong itinatago ng gabi, ngunit alam kong may dalawang demonyo ang nag-aabang sa akin dito.Nilanghap ko ang hangin at naramdaman ko ang dagundong ng tubig sa malayo. Ang kapangyarihan ko ay nakaagapay sa akin. Hindi na ako takot sa kanila. Hindi na ako mahina. Sa mga nagdaang araw, inaral ko ang bawat aspeto ng aking kakayahan. Ngayon, ang tubig ay hindi na lamang isang elemento; ito ay bahagi ko na. Ito ang aking armas, ang aking kasamahan sa bawat labanan.“Halika na kayo,” bulong ko sa hangin. “Alam kong nandiyan kayo.”Lumabas mula sa ani
Corvus’ POVNakatayo ako sa may bintana ng aking mansiyon habang hawak ang isang basong tubig habang nagmamasid din sa kalangitan. Matagal-tagal na rin mula nang maramdaman ko ang ganitong klaseng takot. Hindi ito ordinaryong takot, ito ay isang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan magsisimula o kung ano ang susunod kong hakbang. Ang demonyong iyon... masyadong mabilis, masyadong tuso.Nasa loob ng kuwarto si Alina, ang aking syota, at ilang buwan na rin siyang nagdadalang-tao. Tahimik siya pero ramdam kong labis-labis na rin ang takot niya. Paano ba naman, halos limampung tao na ang natagpuang patay—tuyo ang katawan, wala nang dugo at parang sinipsip pati ang kaluluwa at laman. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga bangkay. Hindi ko na rin kayang bilangin kung ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang marinig ko ang kaluskos mula sa likod. Si Alina.“Corvus, hindi ka pa rin ba nakakapahinga?” mahina ang
Corvus’ POVGustong-gusto ko namang labanan na si Vorthak. Pero paano ko magagawa iyon kung ni hindi ko pa nga natutunton kung saan siya nagtatago? Masyado siyang magaling. Bawat lugar na pinupuntahan ko, parang laging nauuna siya. Iniwan na lamang ang mga walang buhay na katawan bilang ebidensya ng kaniyang presensya. Bawat pagsasalarawan ng mga saksi, pare-pareho: malamig, mahina ang mga biktima. Wala na silang dugo at wala na silang laman. Para silang mga inabandonang katawan na wala nang halaga. Ang sakit na dulot nito ay hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi sa takot na hatid sa mga tao—sa amin ni Alina.“Corvus…” muli niyang tawag. “Paano kung hindi ito kaya ng mga kakayahan mo?”Pumikit ako at huminga nang malalim. Sinasaktan ako ng mga tanong ni Alina, hindi dahil mali siya, kundi dahil alam kong posibleng tama siya. Alam kong malakas ako, ngunit ang demonyong ito... hindi ko pa siya nakaharap nang direkta. Parang anino lang siyang umiikot, palaging isang hakbang na nauuna ka
Corvus’s POVSa ilalim ng lumulubog na araw, lumabas ako ng mansiyon dala ang kapangyarihan ng tubig na pinag-aralan ko na nang pinag-aralan. Matagal ko nang pinaghandaan ang laban na ito, ngunit iba ngayon ang pakiramdam ko. Walang alam sina Alina at ang iba pa na tatapusin ko na ang paghahasik ng lagim ni Vorthak. Ayoko nang manahimik pa. Ang mga galaw at plano ko ay sinarili ko lang. Tanging ako lang ang nagplano. Mas maganda kasi mas malinis kong naisip ang mga ‘to.Alam kong si Vorthak ay malapit nang lumabas mula sa kaniyang tinataguan. Hindi na kasi siya tumigil sa pagpaslang sa mga tao. At hindi na talaga ako natutuwa sa stress na dala niya sa amin at sa iba pang mga tao. Ang dami nang nawalan ng mga mahal sa buhay. Wawakasan ko na ‘to ngayon.Pumasok ako sa kagubatang nakapalibot sa likod ng mansiyon ko at habang mas napupunta ako looban ng gubat, mas nararamdaman ko ang presensya ng demonyo. Tama ako, tuwing sisilip ako sa bintana ng kuwarto ko, amoy kong parang kakaiba ang
Alina’s POVSa mga nakalipas na araw, napansin ko ang pagbabago kay Corvus. Iba siya ngayon. Kung dati ay palaging malakas at masigla, ngayon ay halos buong araw siyang nakahiga. Halos hindi ko na siya makausap nang maayos dahil palaging natutulog. Noong una, inisip ko na baka pagod lang siya pero habang lumilipas ang mga araw, parang mas lalong lumalala. Mahina siya, nilalagnat at ayaw lumabas ng kuwarto. Hindi siya ganito dati.Isang umaga, habang nakahiga siya sa kama, dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid niya. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit pa rin. “Corvus,” mahina kong tawag sa kaniya pero hindi siya kumibo. Nakapikit siya at parang nahihirapan. Ang bigat sa dibdib na makita siyang ganito. Siya, na palaging matapang at matatag, ngayon ay parang isang ordinaryong tao lamang na inuubo at nilalagnat.Naaalala ko pa dati kung paano niya ako ipinagtanggol laban sa mga kalaban. Kung paano niya ginamit ang kanuyang kapangyarihan upang protektahan ako at ang buong bayan. Pero ng
Alina’s POV“Bakit kailangan ko pang mag-makeup, Ma?” Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang sarili ko sa rearview mirror ng sasakyan. Ang akala ko, simpleng day-trip lang ito sa beach. Pero bakit parang may binabalak ang mama ko at si White Lady?Si White Lady na katabi ni Mama sa unahan ay abala rin sa kakausap sa phone.Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Ngayon ko lang siya nakitang babad sa phone. Dati naman ay hindi siya mahilig mag-cellphone.“Just relax, Alina,” sagot ni Mama nang nakangiti. “You’re going to have a great time.”“Yeah, just trust us, sweetie,” dagdag ni White Lady tumitingin saglit sa akin mula sa rearview mirror. Umi-english na rin siya ngayon kaya natatawa ako. “Alam naming lahat kung gaano ka kapos sa oras lately, kaya enjoy this day, okay?”“Pero, bakit hindi natin kasama si Corvus?” I asked, worried. Hindi ko pa siya natatanong ng diretso dahil sabi niya, busy siya sa work nitong mga nakaraang linggo.“He’s occupied, sweetheart,” Mama answered vag
Alina’s POVPagdating namin malapit sa altar, nakita ko si Corvus, in his elegant white suit. Akala ko ba ay busy siya sa work? My heart skipped a beat. He looked so handsome, his eyes shining with love and anticipation. Pero ang hindi ko ma-gets, bakit parang nakatingin ang lahat sa amin?And then it hit me. This wasn’t just some beach outing or event. Corvus was here, and he was standing beside what looked like a pastor. Oh my god.“Corvus, what’s happening?” I asked, tears already welling up in my eyes. Hindi ako makapaniwala. All this time, while I thought he was busy with work, he was preparing something so special, so beautiful.He stepped forward, taking my hands in his. “I know I’ve been keeping secrets, but I wanted to surprise you. I wanted this day to be perfect. Alina, today isn’t just about us being together. It’s about us becoming one. Will you marry me? Right here, right now?”Nag-propose na siya matagal na, nauntol lang dahil sa maraming problema. Pero dahil matagal na
Corvus’ POVParang mababaliw ako sa sobrang kaba habang binabagtas namin ang daan papuntang ospital. Halos mamutla na ako sa sobrang lakas ng pagpiga ni Alina sa kamay ko. Hanggang ngayon, nag-echo pa rin sa utak ko ang sigaw niya kanina sa bahay, “Corvus! Manganganak na ako!”Naramdaman ko kung paanong parang nawalan ako ng ulirat ng mga ilang segundo bago tuluyang kumilos para ihanda ang lahat. Nilagay ko siya sa kotse nang maingat pero puno ng pagmamadali, tinawagan ang doktor namin, at pinatakbo ang sasakyan na parang wala nang bukas. Ngayon, habang naririnig ko ang humahalinghing na boses ni Alina sa likod ng kotse, iniisip ko lang kung paano ko pa ba siya maaalalayan. Wala akong magawa kundi idiin nang husto ang accelerator. Sa bawat pagdaing ni Alina, parang may sumasaksak sa puso ko.“Corvus, masakit! Masakit na sobra!” bulalas niya habang ang mga mata’y nakapikit habang pinipilit na huminga ng malalim.“Malapit na tayo, Alina. Konti na lang,” panay ang tingin ko sa salamin, k