Corvus’ POVAmoy antiseptiko ang unang sumalubong sa akin pagpasok ko sa ospital. Hindi ko gusto ang amoy na iyon. Parang may nakatago, parang may naghihintay na masama. Ganitong-ganito ang amoy nung unang makalaban ko ang mga demonyong napatay ko na.Ilang ilaw ang kumikislap-kislap, nagbibigay ng lungkot sa mga taong may pasyente na binabantayan rito. Gaya dati, naghanap ulit ako ng ospital na maliit lang at luma na. Ganitong-ganito kasi ‘yung gustong-gustong pinupuntahan ng ibang masasamang espirito.Naisip kong lumusob ulit sa ospital ngayong gabi para makapag-training ulit gamit ang water magic ko. Ang puso ko ay bumilis ang tibok, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alam kong may malapit na demonyong narito sa ospital. Isa ‘yon sa bago kong kakayahan. Dahil sa water magic, mabilis ko nang nade-detect kung may demonyo ba sa malapit. Tahimik ang ospital, maliban sa tunog ng mga makinang nagmo-monitor sa mga pasyente at ilang mahihinang boses ng mga nars sa malayo. Lumakad ako ng
Alina’s POVPagod ako buong araw dahil sa pag-aasikaso sa mga kasama namin dito sa mansiyon. Marami na kasi kami dito, kasama na rin namin ang pami-pamilya ng mga tauhan namin ni Corvus dito. Sadyang napakabait na tao talaga ni Corvus. Kahit sa ibang tao, may care siya.Maagang nakatulog si Corvus, pagod siya sa buong araw na pag-e-ensayo niya sa kapangyarihan niya, tapos kanina may nakalaban pa siyang demonyo. Gabi-gabi, palagi siyang palano sa mga nakakalaban niyang demonyo. Ibig sabihin ay talagang lumakas na siya.Ako, kahit anong baling ko sa kama, hindi ako makatulog. Pagod naman ako kanina kaya dapat ay tulog na ako ngayon. Kaya lang kasi parang may naririnig akong kung anong boses. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o totoo talaga.Napasulyap ako sa madilim na bintana ng kwarto namin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ipinikit ang mga mata ko. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, hindi ko namalayang tuluyan akong nilamon ng antok.Nang buksan ko ang m
Alina’s POVNagising ako bigla, hingal na hingal, basa ng pawis ang buong mukha at liko ko. Tumayo ako mula sa kama at nilingon si Corvus, natutulog pa rin nang mahimbing sa tabi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko na parang pinapanatag ko si baby at ang sarili ko. Pero hindi ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yun?Alam kong hindi ito basta-basta lang. Ang mansyon, ang swimming pool—lahat ng iyon ay bahagi ng buhay ni Corvus, pero bakit pinakita sa akin ng panaginip ang ganoong bagay? Parang may gustong iparating sa akin ang panaginip na ‘yon.Lumabas ako ng kwarto, kailangan kong mag-isip, maglakad-lakad. Masyadong tahimik sa loob, kaya nagpasya akong magtungo sa labas. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan habang dahan-dahang hinihimas ang aking tiyan. Ano ang dapat kong gawin? Paano ko sasabihin kay Corvus ang tungkol sa nakita ko?Bago pa man ako makapagdesisyon, naramdaman ko ang presensya niya. Lumapit si Corvus, tahimik pero alam kong na
Corvus’ POVNasa likod ako ng isa na namang lumang ospital, tahimik ang paligid maliban sa tunog ng hangin na humahampas sa mga basag na bintana. Ang dating lugar na ito ng na dating sikat na ospital ay isang abandonadong gusali na puno ng madilim na enerhiya. Tinuro sa akin ng mahiwagang swimming pool na may dalawang demonyong naninirahan dito.Ramdam ko na agad hindi lang ako ang narito. Pinagmasdan ko ang dilim na bumabalot sa paligid—madalas itong itinatago ng gabi, ngunit alam kong may dalawang demonyo ang nag-aabang sa akin dito.Nilanghap ko ang hangin at naramdaman ko ang dagundong ng tubig sa malayo. Ang kapangyarihan ko ay nakaagapay sa akin. Hindi na ako takot sa kanila. Hindi na ako mahina. Sa mga nagdaang araw, inaral ko ang bawat aspeto ng aking kakayahan. Ngayon, ang tubig ay hindi na lamang isang elemento; ito ay bahagi ko na. Ito ang aking armas, ang aking kasamahan sa bawat labanan.“Halika na kayo,” bulong ko sa hangin. “Alam kong nandiyan kayo.”Lumabas mula sa ani
Corvus’ POVNakatayo ako sa may bintana ng aking mansiyon habang hawak ang isang basong tubig habang nagmamasid din sa kalangitan. Matagal-tagal na rin mula nang maramdaman ko ang ganitong klaseng takot. Hindi ito ordinaryong takot, ito ay isang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan magsisimula o kung ano ang susunod kong hakbang. Ang demonyong iyon... masyadong mabilis, masyadong tuso.Nasa loob ng kuwarto si Alina, ang aking syota, at ilang buwan na rin siyang nagdadalang-tao. Tahimik siya pero ramdam kong labis-labis na rin ang takot niya. Paano ba naman, halos limampung tao na ang natagpuang patay—tuyo ang katawan, wala nang dugo at parang sinipsip pati ang kaluluwa at laman. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga bangkay. Hindi ko na rin kayang bilangin kung ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang marinig ko ang kaluskos mula sa likod. Si Alina.“Corvus, hindi ka pa rin ba nakakapahinga?” mahina ang
Corvus’ POVGustong-gusto ko namang labanan na si Vorthak. Pero paano ko magagawa iyon kung ni hindi ko pa nga natutunton kung saan siya nagtatago? Masyado siyang magaling. Bawat lugar na pinupuntahan ko, parang laging nauuna siya. Iniwan na lamang ang mga walang buhay na katawan bilang ebidensya ng kaniyang presensya. Bawat pagsasalarawan ng mga saksi, pare-pareho: malamig, mahina ang mga biktima. Wala na silang dugo at wala na silang laman. Para silang mga inabandonang katawan na wala nang halaga. Ang sakit na dulot nito ay hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi sa takot na hatid sa mga tao—sa amin ni Alina.“Corvus…” muli niyang tawag. “Paano kung hindi ito kaya ng mga kakayahan mo?”Pumikit ako at huminga nang malalim. Sinasaktan ako ng mga tanong ni Alina, hindi dahil mali siya, kundi dahil alam kong posibleng tama siya. Alam kong malakas ako, ngunit ang demonyong ito... hindi ko pa siya nakaharap nang direkta. Parang anino lang siyang umiikot, palaging isang hakbang na nauuna ka
Corvus’s POVSa ilalim ng lumulubog na araw, lumabas ako ng mansiyon dala ang kapangyarihan ng tubig na pinag-aralan ko na nang pinag-aralan. Matagal ko nang pinaghandaan ang laban na ito, ngunit iba ngayon ang pakiramdam ko. Walang alam sina Alina at ang iba pa na tatapusin ko na ang paghahasik ng lagim ni Vorthak. Ayoko nang manahimik pa. Ang mga galaw at plano ko ay sinarili ko lang. Tanging ako lang ang nagplano. Mas maganda kasi mas malinis kong naisip ang mga ‘to.Alam kong si Vorthak ay malapit nang lumabas mula sa kaniyang tinataguan. Hindi na kasi siya tumigil sa pagpaslang sa mga tao. At hindi na talaga ako natutuwa sa stress na dala niya sa amin at sa iba pang mga tao. Ang dami nang nawalan ng mga mahal sa buhay. Wawakasan ko na ‘to ngayon.Pumasok ako sa kagubatang nakapalibot sa likod ng mansiyon ko at habang mas napupunta ako looban ng gubat, mas nararamdaman ko ang presensya ng demonyo. Tama ako, tuwing sisilip ako sa bintana ng kuwarto ko, amoy kong parang kakaiba ang
Alina’s POVSa mga nakalipas na araw, napansin ko ang pagbabago kay Corvus. Iba siya ngayon. Kung dati ay palaging malakas at masigla, ngayon ay halos buong araw siyang nakahiga. Halos hindi ko na siya makausap nang maayos dahil palaging natutulog. Noong una, inisip ko na baka pagod lang siya pero habang lumilipas ang mga araw, parang mas lalong lumalala. Mahina siya, nilalagnat at ayaw lumabas ng kuwarto. Hindi siya ganito dati.Isang umaga, habang nakahiga siya sa kama, dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid niya. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit pa rin. “Corvus,” mahina kong tawag sa kaniya pero hindi siya kumibo. Nakapikit siya at parang nahihirapan. Ang bigat sa dibdib na makita siyang ganito. Siya, na palaging matapang at matatag, ngayon ay parang isang ordinaryong tao lamang na inuubo at nilalagnat.Naaalala ko pa dati kung paano niya ako ipinagtanggol laban sa mga kalaban. Kung paano niya ginamit ang kanuyang kapangyarihan upang protektahan ako at ang buong bayan. Pero ng