Share

Kabanata 112

Corvus’ POV

Madaling-araw palang ay nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Bumangon na ako at saka naligo. Gumalaw ako nang hindi nagigising si Alina para hindi ko maistorbo ang pagtulog niya.

Pagbaba ko sa ibaba, sa kusina ang tuloy ko. Hindi ko na rin muna ginising ang mga kasambahay. Ako na ang nagluto ng pagkain ko. Nag-noodless na lang ako para madaling lutuin at madaling kainin.

Nilalamig pa ako. Palibhasa’t maaga pa at malamig ang paligid kaya tumataas ang mga balahibo sa tuwing iihip ang hangin. Tamang-tama ang paghigop ko ng mainit na sabaw ng noodless, kahit pa paano ay naiibsan ang panlalamig ko.

Dinala ko na sa garden ang tasa ng kape at doon na ininom habang naghahagilap ako ng mga bulaklak na gagamitin ko sa pag-aaral ko sa swimming pool area. Ang hinanap ko, ‘yung mga bulaklak na hindi ko pa nata-try gamitin sa mahiwagang swimming pool. Naglaan ako ng mahabang oras dito kasi ang kailangan ko ay ‘yung mahalagang bulaklak.

Pagkalipas ang halos isang oras ay lima
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status