Corvus’ POVMadaling-araw palang ay nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Bumangon na ako at saka naligo. Gumalaw ako nang hindi nagigising si Alina para hindi ko maistorbo ang pagtulog niya.Pagbaba ko sa ibaba, sa kusina ang tuloy ko. Hindi ko na rin muna ginising ang mga kasambahay. Ako na ang nagluto ng pagkain ko. Nag-noodless na lang ako para madaling lutuin at madaling kainin.Nilalamig pa ako. Palibhasa’t maaga pa at malamig ang paligid kaya tumataas ang mga balahibo sa tuwing iihip ang hangin. Tamang-tama ang paghigop ko ng mainit na sabaw ng noodless, kahit pa paano ay naiibsan ang panlalamig ko.Dinala ko na sa garden ang tasa ng kape at doon na ininom habang naghahagilap ako ng mga bulaklak na gagamitin ko sa pag-aaral ko sa swimming pool area. Ang hinanap ko, ‘yung mga bulaklak na hindi ko pa nata-try gamitin sa mahiwagang swimming pool. Naglaan ako ng mahabang oras dito kasi ang kailangan ko ay ‘yung mahalagang bulaklak.Pagkalipas ang halos isang oras ay lima
Corvus’ POVAng last na bulaklak na hawak ko ay galing pa sa fountain namin kanina. Kakaiba ang isang ‘to sa apat na bulaklak na nauna kong nakuha. Kaya napili kong pitasin kanina sa may tubig. Ang kulay niya ay parang translucent blue. Gandang-ganda ako sa kaniya kanina nung pitasin ko. At sa lahat ng bulaklak na napitas ko kanina, ito rin ‘yung pinakahuling nakita ko.“Sana ikaw na,” bulong ko.Binaba ko na sa tubig ang huling bulaklak na hawak. Ang tubig ng swimming pool ay agad nang naging kulay light blue, ganoon din ang itim na libro. Ang ganda nang pagkakailaw ng tubig at ng libro kaya malakas ang kutob ko na may kakaiba na talaga sa bulaklak na ‘to.Maya maya pa ay lumabas na ang magic spell sa libro. Binasa ko na agad ito at doon palang, napapangiti na ako kasi parang alam ko na agad ang kakayahan nito.Napasigaw ako sa tuwa nang malaman kong isa na ngang magic element ang kakayahan ng aqua lily na nakita ko na ngayon.“Aqua lily, kontrolin ang tubig, linisin ang mga likido,
Alina’s POVMaaga pa at kasalukuyang nag-e-ensayo si Corvus sa bagong kakayahan niya kaya nagpasya kami ni mama na lumabas ng mansiyon para asikasuhin ang mga naipong trabaho sa kompanya namin. Nabo-boring na rin kasi ako na nakakulong lang sa bahay. Kaya kapag araw, naisip namin ni mama na maglalabas. Safe pa naman kapag may araw pa. Sa gabi lang naglisaw ang mga kampon ng kadiliman.Magkasama kami ni mama dito sa likod ng sasakyan ko. May kasama kaming driver at mga bodyguard. Si Corvus kasi, ayaw niya nang wala kaming kasamang bodyguard kapag lalabas ng manisyon niya. Nag-iingat na siya, lalo na’t nagdadalang-tao ako.“Alam mo, anak. Sa panahon ngayon, kakaiba na talaga. Masyado nang mahiwaga ang mga bagay-bagay sa paligid natin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may ganiyan at ganito. Tulad ni Corvus, tulad ng mansiyon nilang mahiwaga at tulad na lang din ng mga demonyong kinakalaban ni Corvus. Isama na rin natin ‘yung milagrong nangyari sa ‘yo, ang pagkabuhay mo,”
Alina’s POV Tatlong garden shop ang napuntahan namin ni Manang Penpen. Bawat shop, halos isang truck ng mga tanim na bulaklak ang nabili ko. Bawat shop din, nag-hire ako ng mga hardinero na magtatanim dito sa garden ko. Mabuti na lang at marunong sa mga landscape ang mga nakausap kong hardinero kanina kaya hindi ko na rin problema kung paanong tanim at ayos ang dapat kong gawin dito sa garden ko. Pinaubaya ko na lang sa kanila, basta ang sabi ko, ang gusto kong mangyari ay makitang maraming tanim na bulaklak dito sa garden ko at pati na rin sa paligid ng swimming pool ko.“Hindi pa tapos ang garden at swimming pool area, pero parang nakikita ko nang maganda ang kalalabasan nito,” sabi ni Manang Penpen habang magkatabi dito sa likod ng sasakyan ko.“Oo nga, pati ako excited na rin,” sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti. Nauna kaming umuwi sa manisyon.Maya maya, isa-isa na ring dumating ang mga truck.“Manang Penpen, magpahanda ka ng ng maraming merienda sa kusina at marami tayong
Alina’s POVHalos alas dos na ng hapon nang magising ako. Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumangon na ako. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam ko. Kapag talaga nahihilo at nanghihina ako, tulog lang talaga ang kapatat nito para maging okay ako.Lumabas na ako ng kuwarto ko at saka pumunta sa ibaba. Nakita ako ng bodyguard ko na pababa ng hagdan kaya agad niya akong sinalubong para alalayan.“Okay na ako, hindi mo na ako kailangang alalayan, salamat na lang,” sabi ko sa kaniya pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko hanggang hindi ako nakakababa sa hagdan. Sumilip ako sa pinto pagdating ko sa ibaba. Nakita ko agad na malaki na ang nabago. Ang dami na rin nilang naitanim. Ang hindi lang maganda sa mata ko ay medyo lanta pa ang ibang tinanim nila. Sabi nila, normal lang daw ‘yon sa mga bagong tanim na halaman o bulaklak, kaya hindi na muna ako dapat na magpaka-stress. After two to three days, kapag naging stable na ang mga ‘to, gaganda na ulit ang mga itsura nila.“Gising na po p
Corvus’ POVHabang nag-e-ensayo ako ng bagong kakayahan ay biglang nagpakita sa harap ko si Lola. Sinabi niya sa akin na pumunta ako sa swimming pool area dahil may ipapakita siya. Sumunod ako sa kaniya kasi mukhang may kailangan akong malaman.Pagdating sa swimming pool area, inutos niya na hawakan ko ang tubig at hilingin na ipakita ang lagay ngayon ng pintuan ng impyerno. Paghipo ko sa tubig ng swimming pool, lumitaw doon ang kahindik-hindik na malaking pulang pinto ng impyerno. Ang buong paligid nito ay umaapoy at na parang galit na galit. Namilog ang mga mata ko nang dahan-dahan ay gumalaw ‘yon. Sa kaunting pagbukas ng pinto, nakita ko rin na may isang itim na usok ang parang lumabas doon.“Isang demonyo ang nakawala na sa impyerno. At nagpaparamdam na rin ang pinto ng impyerno. Malapit na itong magbukas kaya kailangan mo na talagang maghanda, Corvus,” sabi ni Lola.“Ngunit nasaan na ang nakawalang demonyo?” tanong ko sa kaniya.“Sige, hilingin mo ulit sa tubig ng swimming pool ku
Corvus’ POV“Sumama ka na sa akin, doon ka na lang muna sa manisyon ko. Huwag mo na problemahin ang trabaho, bibigyan kita doon. Delikado na ngayon ang panahon. Gusto ko, nasa safe place na lahat ang mga malalapit sa buhay ko. At isa ka roon kaya sumama ka na sa akin,” sabi ko kay Geronimo nang puntahan ko siya rito sa bahay lumang bahay ko na binigay ko sa kaniya. Takang-taka siya kasi biglaan ang pag-aaya ko sa kaniya. Wala na rin kasi akong choice. Ayokong mapahamak siya. Gusto ko, kapag naglabasan na ang lahat ng demonyo sa pinto ng impyerno, nasa ligtas na lugar na silang lahat. Ayokong may mabalitaan akong nasaktan o namatay sa isa sa mga mahal ko sa buhay.“Corvus, sabihin mo muna kasi sa akin ang dahilan kung bakit biglaan ‘yang desisyon mo? Saka, hindi mo ba ako nakikita? Lugmok ako. Brokenhearted. Halos walang tulog. Tulala na ako ilang araw na dahil sa natuklasan ko sa asawa ko,” sabi niya habang namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak. Ngayon ko lang kasi nalaman na nahuli
Corvus’ POVSa tatlong araw na pag-e-ensayo ko sa kapangyarihang binigay sa akin ng aqua lily, marami-rami akong nadiskubring kapangyarihan at kakayahan nito. At sa tingin ko ay handang-handa na akong sumabak sa laban.Dalawang demonyo ang hina-hunting ko. Una ay ang demonyong may apoy na kapangyarihan, pangalawa ay ang demonyong sumapi sa katawan ni Emma.Ngayong gabi, nasa isang ospital na ako. Ang sabi ni lola, naamoy at nakita niya raw ang demonyong may apoy na kapangyarihan. Suwerte lang dahil ang ospital na nadalaw niya ngayon ay may ilog sa likod. Kaya kung lalabanan ko siya ngayon, malakas ang laban ko kasi pabor na pabor ‘to sa akin.Nandito na ako sa loob ng ospital. Gaya ng dati, karamihan sa nakikita ko rito ay ‘yung mga kaluluwang ligaw. Mga kaluluwang wala pang alam na kaluluwa na lang sila.Sa emergency room ako unang nagpunta. At hindi nagkamali si lola kasi naroon na nga ang demonyong nakalaban ko noon. Hinayaan ko munang naroon siya habang nag-aabang ng kaluluwang ka
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag