Lahat ng Kabanata ng Married To A Cold-Hearted Billionaire: Kabanata 1 - Kabanata 10

56 Kabanata

CHAPTER 1

Mainit pa rin ang panahon sa Manila sa buwan ng Setyembre at sa umaga at gabi lamang mararamdaman ang lamig ng huling bahagi ng tag init.Madaling araw pa lang ay gising na si Aurora para maghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang nakakatandang kapatid. Tapos nagliligpit ito ng mga laruan sa sala, at nagwawalis ng sahig. Nang matapos ay, kumuha siya ng dalawang mainit na pandesal, dala niya rin ang kanyang mga personal na mga dokumento at tahimik na umalis sa bahay ng kanyang kapatid. ."Mula ngayon, ang mga gastusin natin, maging ito man ay living expenses, o mortgage at car loan, ay ang mahal na. At ang iyong kapatid na babae na nakikitira dito ay kailangan magbayad na din, hindi na pwede ang libre sa panahon ngayon!”Ito ang narinig ni Aurora sa sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ito ng kanyang Ate kagabi.At upang hindi mahirapan ang kanyang ate, kinailangan niyang umalis sa bahay ng kanyang kapatid, naisip niya rin upang maging maayos ang Ate niya ay napagdesisyunan niyan
Magbasa pa

CHAPTER 2

Nang marinig ni Franco ang sinabi ni Aurora ay, hindi na nito kinumbinsi pa siya, kinuha na lang nito ang kanyang ID card, at nilagay sa harap ng staff.Ganoon din ang ginawa ni Aurora.Sa buong durasyon ng proseso ng mga papeles sa legalidad na bagay ng kanilang pagpapakasal, ay walang pag-uusap na naganap sa dalawa sa buong proseso. Ilang ulit din silang pinaalalahanan ng staff na hindi biro ang pagpapakasal at dapat ay pareho silang sigurado.Ayaw naman talaga nilang maging mag-asawa kahit na pagkatapos matanggap ang marriage certificate nasa isip nina Aurora at Franco.Subalit determinado ang dalawa, na gawin ang pagpapakasal . Matapos makatanggap ng dalawang sertipiko ng kasal mula sa staff, binuksan ito ni Franco at tiningnan ang mga ito pagkatapos ay ibinigay niya ang isa sa kay Aurora, at sinabi, “Ito ang sa iyo.”“Ben, salamat.” sabi din nito sa staff na tumulong.Pagkatapos ay sabay na lumabas sina Franco at Aurora.Sa labas ng pinto, tumigil si Franco, at nang sumunod si Au
Magbasa pa

CHAPTER 3

“OPO Lola, gagawin ko po.” Kaswal na tugon ni Aurora.Bagama’t maganda ang pakikitungo sa kanya ni Lola Gloria, hindi maitatanggi na si Franco ay sarili nitong apo at siya ay isang hamak na sampid lamang. isa pa may conflict talaga ang mag-asawa at pag nakataong magka problema sila ni Franco ay tutulungan ba siya ng pamilya nito?Hindi naniniwala si Aurora.Tulad ng mga in-laws ng kanyang ate.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang Ate, napakabuti na ang kanilang mga biological na anak na babae ay nagseselos dito.Pero pagkatapos ng kasal, nagbago ang kanilang ugali. Sa tuwing may alitan ang ate niya at ang asawa nito, ang kanyang biyenan ay inaakusahan ang kanyang ate na mahirap at dagdag perwisyo lamang.Kaya, hindi naniniwala si Aurora na kaya siyang panindigan na ipagtanggol ng Lola Gloria nito sa apo niyang si Franco, dahil para sa kanya ang anak ng isang pamilya ay palaging kamag-anak, at ang isang manugang ay isang hamak na sampid lamang.“Magtrabaho ka na, hindi ka na gugu
Magbasa pa

CHAPTER 4

"ATE, ikaw na mismo nagsabi na ang bahay ay pre-marital na pag-aari. Isa pa hindi naman po ako nagbabayad ng kahit isang sentimos… kaya para sa akin ang pagde-demand na ialagy pa sa pangalan ko iyon ay parang pamimihasa na po.” paliwanag ni Aurora.Aware siya na pag nakuha na ni Franco ang titulo ng bahay ay ibibigay nito agad sa kanya ang susi at makakapaglipat na siya ng bahay sa lalong madaling panahon. Masaya siya na ang problema sa paglilipatan niya ang na resolba na.Pero naiisip niya rin na kung sakaling isama ni Franco ang kanyang pangalan sa titulo ng bahay ay hindi naman niya ito tatanggihan sapagkat mag-asawa naman sila.Matapos masagot ni Aurora ang mga katanungan ng Ate niya at masiguro dito na mapagkakatiwalaan ang taong p[inakasalan niya ay huminto na rin sa pagtatanong nito sa kanya.Naisip pa ng Ate niya na sumama sa kanya sa Carmela Valley Garden upang makita naman ang sitwasyon niya subalit nagising ang kanyang pamangkin na si Boyet. ZUmiiyak ito at hinahanap ang ka
Magbasa pa

CHAPTER 5

Tumikhim lang si FRanco na parang walang nangyari at nagsabing: "Magpatuloy sa pagpupulong."Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang unang pinsan, si Giovanni Montefalco na siyang pangalawang apo sa pamilyang Montefalco.Sumandal si Giovanni at nagtanong sa isang mababang tinig: "Bro, narinig ko ang sinabi sa iyo ng lola, pinakasalan mo ba talaga ang Babaeng iyon na nagngangalang Aurora?"Kaya hindi maiwasang sinampal ni Franco ang kanyang pinsan sa pisngi nito.Hinaplos naman ni Giovanni ang kanyang pisngi dahil kahit papaano ay masakit ang sampal ng pinsan niyang si Franco kaya umupo na lang ito ng diretso, at hindi nangahas na magtanong pa.Subalit humirit pa ito ng lubos na pakikiramay sa kanyang pinsan at ngumisi na parang nanga-aasar pa. Napa hugot na lang ng malalim na hininga si Franco.Hindi na rin ito pinansin ni Franco subalit makulit lang talaga at sadyang mapang-asar ang pinsan ng marinig niyang nagsaloita pa ito at humirit pa ng mensahe na ‘nakikiramay’. Sa kabilang b
Magbasa pa

CHAPTER 6

"ALAM ko at sana ilihim mo na ito para sa akin, huwag mo sanang ipaalam sa kapatid ko ang totoo, alam natin na malulungkot ito." matamlay pero nakangiting pakiusap ni Aurora sa kay Sharon.Nag poker face naman si Sharon at naiiling-iling ng ulo. Ang lakas talaga ng loob nitong kaibigan niyang ito at ano pa ba ang kanyang magagawa? Palagi niyang iniisip na sa telenovela lang nangyayari ang contract marriage sa mga estranghero, at hindi niya inaasahan na mangyayari ito mismo sa kaibigan niya."Hindi ako makapaniwala na mangyayari iyang contract marriage na iyan sa iyo, grabe." halos di makapaniwalang turan ni Sharon sa kaibigan, “:At di ba ang mga ganyang bagay usually mayayaman at bilyonaryo ang mga nag-o-offer niyan?Hala! Bilyonaryo yung napangasawa mo Bes?”Nanlaki ang mga mata ni Sharon habang nag si-sink in sa isipan niya na tama ang mga iniisip niya sa kaibigan at napangasawa nito.Nang marinig ni Aurora ang mga pinagsasabi nga kaibigan niya ay agad niyang binatukan ang ulo ni
Magbasa pa

CHAPTER 7

NANG makarating si Aurora sa Carmela Valley Garden ay halos madaling araw na. Itinulak nito ang pinto ng condo unit at pumasok, madilim ang bahay, at tahimik ang paligid. Halatang walang tao at tiyak na hindi pa nakakauwi si Franco.Pumasok si Aurora sa loob ng bahay at tiningnan muna ang paligid, sinisigurado na walang balak umuwi si Franco, at dahil sa busy iyon sa kompanya o may biglaang business trip.Kaya, ni-lock ni Aurora ang pinto ng condo, tapos hinanap ang sapatos ni Franco kung saan-saan, hanggang sa nakahanap siya ng pares ng tsinelas. Inilagay niya ang pares ng tsinelas na ang size ay obvious na pagmamay ari ni Franco sa may pintuan at sinuguradong naka lock ng maigi ang pintuan at ng masiguro ay pinataw niya na rin ang mga ilaw sa loob ng condo.Pagkatapos niya sa labas ay dumiretso siya sa kwarto niya, kinuha ang kanyang pajama sa kanyang maleta,hindi pa niya nailalabas sa maleta ang kanyang mga gamit, kaya naisip ni Aurora na gumising ng maaga bukas upang makapag ligpi
Magbasa pa

CHAPTER 8

MASYADONG particular at conscious si Franco pagdating sa katawan niya lalong-lalo na para sa kanya, It's too hard to lose weight.Napangiti na lang si Aurora, "Okay po, sige babalik na lang po ako sa kwarto at matutulog ulit.”Franco just snorted."Good night po Mr. Franco."Aurora said goodnight to him, tapos naglakad na rin patungo sa kwarto niya. Bigla naman napahinto si Franco sa paglalakad patungo sa kwarto niya at tinawag si Aurora ng may mapansin siya dito."Aurora... sandali."Napahinto naman kaagad si Aurora then turned her head towards Franco and ask him, "Bakit po?"Tiningnan naman ni Franco si Aurora bago nagsalita, " Next time, huwag kang lumabas na naka ganyan lang…” Tumikhim pa si Franco at biglang napaiwas ng tingin sa kay Aurora. Hindi siya makatingin ng diretso dito. She was not wearing anything at tanging pantulog lang, see-through pa naman, and Franco’s eyes were sharp, and he saw everything that should not be seen.Kahit na mag-asawa sila, pero hindi naman si
Magbasa pa

CHAPTER 9

Pagkatapos kumain ay uminom si Franco ng tubig tapos ay, kinuha nito ang kanyang pitaka mula sa kanyang bulsa. Tiningnan niya ito at napansin na wala siyang enough na cash kaya kinuha niya na lang ang kanyang bank card at inilagay ito sa harap ni Aurora.Nang makita ni Aurora ang ginawa ni Franco at madali niyang naintindihan ang gusto nitong mangyari. Di pa napigilan ni Aurora ang isang kilay niyang tumaas."Kung may gusto kang bilhin,obviously kailangan mo ng pera. Ang bank card na ito ang gagamitin monat ang password ay..."Naghanap pa si Franco ng papel at ballpen at doon niya isinulat ang password, nang matapos ay iniabot niya ito kay Aurora."Ang pera sa bank card na ito ay para sa iyong pamilya at sa mga gastusin mo dito sa bahay o sa sarili mo. Magde-deposit ako ng pera dito buwan-buwan mula sa aking sahod. At huwag kang mag-alala, hindi ako mangingialam sa iyong gastusin, pero gusto ko lamang malaman kung saan mo ito gagastusin."Noong araw ng kasal nila, ay naalala ni Franc
Magbasa pa

CHAPTER 10

MASAYANG nagtungo si Aurora sa bahay ng kanyang Ate Elsa. Habang naglalakad patungo sa bahay ng kapatid ay hindi mawala sa isip ni Aurora ang sitwasyon ng Ate niya sapagkat matagal na panahon na rin na siya ang gumigising ng maaga at maghanda ng almusal ng pamilya ng Ate niya bago siya umalis patungong bookstore niya. Ngayon ay hindi maalis sa isipan niya kung nagawa ba ng Ate niyang bumangon ng maaga at nakapagluto ng almusal kaya bago dumiretso ng tuluyan sa bahay ng Ate Elsa niya si Aurora ay bumili siya ng mga ulam para sa Ate niya at sa pamangkin niyang si Boyet sa malapit na carinderia sa bahay ng Ate Elsa niya. Isa pa sa mga ganitong oras ay sigurado naman siyang nakaalis na ang bayaw niya at nagtrabaho. Kaya ang binili niyang ulam ay para lamang sa Ate niya at kay Boyet.Dire-diretso siya sa pintuan ng Ate niya at binuksan ito, pagkabykas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang Ate niyang abala sa kusina."Ate." aniya."Ayang! Salamat naman at napadaan ka!."Lumabas si Elsa m
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status