"ALAM mo iyang si Prof. Monroe, ang gahaman sa grado! Biruin mo 'yon, kumpleto ako ng ipinasa pero binigyan ako ng tres?" Palatak ni Vivorie, my bestfriend since grade school. "Naku, ha! Mabuti na lang talaga at gwapo siya, kaya ko pang palagpasin ang ginawa niya!" Umismid ako at bahagyang kinurot ang kaibigan, "focus lang tayo sa goal, Viv, ano ba! Hindi fair iyang ginagawa niya lalo na kung nagpasa ka naman ng tama at sa mismong deadline pa!" Sambit ko, may galit din ako sa propesor na iyon eh. Ang hilig magbigay ng tres! Malas mo na lang talaga kapag singko na isinampal sa'yo. "Nga pala, Oly, hindi ko na nakikita si Kasper, ah? Saan na 'yon?" Tanong ni Viv habang kinukuha ang baunan sa bag niya, lunch break na kasi at dito kami naglunch sa classroom. "Hala ka, baka may ibang kinakasama na 'yon nang hindi mo nalalaman! Hindi ka pa naman naipakikilala sa parents!" Pananakot niya sabay duro sa'kin ng tinidor.Tinawanan ko lang at hindi na nagsalita pa, sanay na ako sa palaging lita
Last Updated : 2023-01-06 Read more