PARANG pinukpok ng ilang beses ang ulo ko sa sobrang sakit, unti-unti kong binuksan ang aking mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Sandali ko pang iginala ang paningin upang kumpirmahing hindi nga ito ang kwarto ko. Lalo pa nang mahagip ng mata ko ang lalaking nakadapang paharap sa akin, mahimbing ang tulog.
"Holy shit, si Prof. Monroe!" Tutop ang bibig kong impit na sigaw nang tuluyang makilala ang taong katabi.
Hindi lang basta-bastang katabi kundi, nakasama sa iisang kama! And this is not just an ordinary stranger! It's a Professor! My Professor! Gosh! Anong kabobohan ito, Olivia!
Gusto ko na lang magpalamon sa kama...
Sa takot na baka magising ko pa itong katabi ay nagpasya na lang akong umahon sa pagkakahiga, ayaw ko na rito. Nakakahiya.
Nang tumayo ako ay agad kong tinakpan ang bibig nang mapasigaw dahil sa pagbagsak ko sa lapag, sobrang nanginig ang aking tuhod at sumakit ang pang-ibabang parte ng katawan na animong inararo ng kung sino. Ganoon ba kalala ang nangyari kagabi at ganito na lamang ang kinahinatnan ko? Nevetheless, I have to leave this place as soon as possible. Dahil kung ayaw ko siyang maging Propesor, mas ayaw ko siyang makasama sa iisang kama na ganitong nasa ulirat na ako.
"Ang sakit talaga, eh," nakangiwi kong bulong habang sapo-sapo ang noo. "Paabot ho ng bayad, ate," agaw pansin ko sa katabing babae sa jeep. "Dito na lang ho, manong! Maraming salamat!" Sambit ko at patalong bumaba ng jeep na agad din namang pinagsisihan.
Tumikhim ako nang pagtinginan ng mga drivers ng tricycle nang nakita ang paraan ng palalakad ko, pumara ako ng isa para maghatid sa akin sa loob ng subdivision kung saan ang bahay namin. Pati ang driver ay kakaiba ang tingin sa akin hanggang sa hindi na ito nakatiis at nagtanong na.
"Anong nangyari sa'yo, hija? Bakit ka paika-ika ng lakad?" Malinaw ang pagiging kuryusidad ni Manong. "May masakit ba sa iyo?"
"Ah, wala ho, may pigsa ho kasi ako kaya ho ako ganito maglakad, nasagi lang ho kanina sa jeep." Paliwanag ko kahit na hindi naman na kailangan pero para na rin hindi na makitsismis pa, kaya sinabi ko na.
"Uy, ma'am! Nandito na po kayo! Nag-almusal na ka na po?" Si Ate Gloria, ang isa sa mga kasambahay namin. Umiling ako. "Nasa loob po ang mga magulang ninyo, nag-aalmusal kasama ang mga kapatid ninyo," imporma niya. Tumango lang ulit ako at walang emosyong nagpatuloy ng lakad nang biglang mapatigil sa sunod niyang sinabi. "Naroon din po ma'am si sir Kasper."
Dahil sa narinig ay tila nawala ang lahat ng sakit ng katawan ko at patakbong pumasok at dumiretso sa dining table.
Roon, kitang-kita ko kung paano silang masayang-masayang kumakain na para bang walang problema. Na para bang wala siyang sinaktan.
"What the hell are you doing here?! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo?!" Parang bulkang sumabog sa galit kong sigaw. Walang pakialam sa nakapaligid. "How dare you—"
"That's already enough, Olivia." My father's stern and strict voice made me stop. "He has reasons and I understand where he's coming from. Just accept him again like nothing happened, sayang din ang anim na buwan ninyo." My dad's words made my jaw dropped.
What?! Is he fucking serious?! Patawarin na lang ng ganoon-ganoon?
"Daddy, are you hearing yourself? Alam ninyo po ba kung anong ginawa ng lalaking ito sa akin? Huh? Did you know that he neglect his own child for his own happiness? Huh?" Pigil na pigil ang luha kong bumuhos dahil sa galit na nararamdaman.
Tumikhim siya ng isang beses at tiningnan ako na parang wala lang bago nagsalita, "oo. I knew everything. He told me everything before he courted you—"
"What?!" Hysterical kong sigaw, hindi makapaniwala. Marahas na tumaas-baba ang aking dibdib, tumingin ako sa paligid at nakitang lahat ng naroon maliban kay daddy ay nakayuko. Nanghina ang tuhod ko. "'Wag ninyong sabihing alam ni'yo rin?" Mahina kong tanong, walang nagsalita. "Wow. So ako na lang pala ang hindi nakakaalam? Ang lupit ninyo namang mantanga ng tao!" Walang buhay akong tumawa, tumingala pa para huwag tumulo ang luha. "Alam ko namang hindi ninyo ako paborito, My, Dy, tanggap ko po 'yon eh. Tanggap na tanggap, pero bakit naman sa ganitong paraan ninyo ako naging paborito? Ang daya naman ninyo..."
Isang nakabibinging katahimikan ang namayani at ginawa ko iyong daan upang makaalis sa at umakyat sa kwarto ko. Roon ay parang walang buhay akong pumasok at dumiretso sa banyo, binuksan ko ang gripo at sa pagragasa ng tubig doon ay siya namang pag-unahan ng aking mga luha.
Hindi ko lubos maisip na kaya nilang gawin sa akin ito, kahit papaano ay anak nila ako! Deserve ko bang masaktan ng ganoon? Ganoon na ba ako kasamang anak at kapatid?
It took me half an hour crying my eyes out before deciding to take a bath and come out like nothing happened. Wala namang mangyayari sa akin kung mananatili akong nakakulong sa banyo o sa kwarto ko, mas magmumukha lang akong kawawa.
"Olivia..." The man that I once loved and trusted the most appeared on my doorstep. "Let me explain babe..." Sumisinghot niyang saad.
"Para saan pa? Para sa mga kasinungalingan mo?" Nagtatagis ang bagang kong sinabi, nagpipigil sa galit na nararamdaman. "Huwag na. Wala kang mapapala sa akin, kung sila, nauto mo, puwes ako, hindi." Walang emosyon kong dagdag habang nakatitig sa mga mata niyang mamumula at may namumuong luha.
Nang tumulo iyon ay dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at gamit ang hintuturo, pinunasan ko ang kanyang pisngi. Napalunok siya, tila sa ginawa ko'y nagkaroon siya ng pag-asang magiging maayos. Na magiging malambot ako.
"Hindi bagay sa'yo umiyak, wala kang karapatang umiyak. Cheater." Malambing ngunit punong-puno ng diin at hinanakit kong sinabi bago siya iniwang tulala roon. Umisang hakbang na ako sa hagdanan nang naisipang lumingon dahil may nakalimutan. "Nga pala, wala na tayo. May nakasama ako kagabi, masarap at worth it bigyan ng sarili."
"Hoy, bakla ka! Bakit muntik ka ng ma-late?" Salubong sa akin ni Viv sa entrada ng classroom namin para sa unang subject sa araw na iyon. "And why are you wearing your uniform? Gosh! You supposed to wear you P.E attire because P.E tayo today!" Parang nanay niyang pagbubunganga sabay halungkat ng bag ko, nang walang makita roon ay kinaladkad niya ako papuntang banyo. "There, change your clothes!"
Sa sobrang bangag ko siguro kaya hindi ko na napansing uniform ang isinuot ko sa umaga at hindi P.E attire, akala ko wala akong pakialam pero lumalabas na mahina ako. Apektado ako. Sa isiping iyon ay sinampal ko ang sarili sa harap ng salamin at nagmadaling nagpalit ng damit, mabuti na lang talaga at girl scout u***g bestfriend ko, palaging handa!
"I knew that this would happen kaya I brought extra hehe." She cutely said and clung her arms on mine, "I could feel it that you are not okay, Oly, I just want you to know that I am here. We are bestfriends forever, remember?"
Napailing ako, I am such a lucky bestfriend. She knows me well than I know myself.
"Thank you, Viv. I'll just tell you everything after class." Nakangiti kong sambit sa kaibigan.
Bahagya nang tahimik ang hallway dahil 7:30 A.M na, that means, the learners are inside their respective classrooms already. Nang mapansing kumaripas ng takbo ang isa naming kaklase, ganoon din ang ginawa namin dahil ibig sabihin lang no'n ay may guro na sa loob.
"Where have you been, Miss Osoro and Miss Gallego?" Anang pamilyar na baritonong tinig dahilan ng pagtigil namin.
Those thick brows and long lashes was very define as he looked at us with authority. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay halos manlambot ako, he then licked his lower lip that I unconsciously did too that made him smirk.
"We just changed our P.E attire, Prof." Si Vivorie ang sumagot. Isang tango lang ang naging sagot nang huli at sininyas sa amin ang mga upuan namin. "Gosh, Oly! Ang gorgeous ng body ni Prof! Sarap papakin!" Impit na tili niya dahilan upang pasimple kong kurutin sa tagiliran.
Harot!
Tahimik lang ako habang nakikinig habang nagsasabi siya ng instructions para sa gagawin sa umagang ito, lahat naman sila nakikinig... Or halos lahat ng babae halos malaglag ang panga sa katititig sa nagsasalita.
"Alam ko namang terror 'to at kuripot sa grado pero ang gwapo talaga niya, Oly! Kahit tapakan niya ako, ako pa magso-sorry!" Irit ni Vivorie. "Tsk! Kung ganito pala siya kagwapo tuwing P.E, bakit si Mr. Panot pa ang instructor natin na halos hindi naman gumagalaw 'yon!"
"Tumahimik ka," sinabi ko na lang.
Tama naman talaga siya, hindi maikakailang mas gumwapo sa suot na maroon t-shirt at brown skinny jeans. Halos mamuyok-mutok ang ugat sa kanyang mga braso sa tuwing gagalaw siya. Hindi pa nakatutulong ang ilang beses na pagdako ng tingin niya sa akin na alam ko kung para saan.
Hindi pa rin ako maayos dahil lumilipad pa rin ang isipan ko kay Kasper at kila Mommy, ngunit pinilit kong gawin ng maayos ang exercise para hindi bumagsak. Hanggang sa matapos ang oras ng subject na iyon at may sumunod pa ay pinilit kong i-focus ang sarili. Ngunit nang dumating ang oras ng lunch ay wala akong ganang kumain kaya nagdahilan na lang ako kay Vivorie na magbabanyo at magpapalit ng sanitary pads.
"Can we talk?" Said a cold baritone voice almost made me jump. "Just for a minute."
"What is it, Prof?" I politely asked. Kahit naman ayaw ko sa kanya bilang propesor ay kailangan ko pa rin siyang galangin.
"You know what I mean," diretsang aniya. Nagsalubong ang kilay kong napatitig sa pader. "I know what happened to us was wrong, we're both drunk but I want you to know that I'll take responsibility for the kid if ever..." Ge trailed off and I can see on my peripheral vision that he is looking at me.
"Hindi mangyayari 'yon, don't worry." Diretsang sinabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Walang mabubuo, at kung mayroon man, wala ka na po roon." Malamig kong dagdag at iniwan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi na ako lumingon.
Naging matamlay ako buong hapon, sumasagot lang kapag nay itatanong ang teacher at kahit nang pumasok sa computer lab ay hindi rin ako pinipilit ni Vivorie na magkwento dahil alam niyang magsasabi ako ng kusa kapag handa na ako.
"Babe... Please let's talk, let me explain..." Hayan na naman siya. Kahit dito sa eskwelahan ay sinusundan pa rin ako.
Hindi ko siya pinansin at agad na nagmadaling pumunta sa parahan ng jeep at nagkataong may bakante, sumakay na ako.
"Oli..." Si Mommy nang makita akong papasok ng gate. Nagdidilig siya ng mga halaman niya.
"Magandang hapon po, My." Lumapit ako upang magmano at akmang tatalikod na nang magsalita siya.
"Anak..." Wow, anak niya ako ngayon? "Patawarin mo na si Kasper, mabait naman na bata iyon. Mahal ka niya at handa siyang iwanan ang mag-ina niya para sa'yo—"
"My gosh, Mommy..." Bilog ang bibig at nanlaki ang matang napatingin ako kay Mommy, is she real? "Naririnig ninyo pa ba iyang sinasabi ninyo? My! Bata 'yon! Inosente 'yon! Tapos pagkakaitan ko ng pagkakataong magkaroon ng buong pamilya?"
"Eh, ikaw nga ang mahal! Ano ka ba! Hindi ka na ba nagtatanaw ng utang na loob?"
"My, iba ho ang tumatanaw ng utang na loob sa pagkakaroon ng konsensiya sa katawan!" Pigil na pigil akong huwag siyang pagtaasan ng boses. "Mommy, kasal na po iyong tao, may anak. Ginawa akong kabit. Bakit kayo ganyan? Sa lahat ng tao Mommy, ikaw dapat ang mas nakaiintindi sa akin. Ikaw dapat ang magpapayo sa akin sa kung anong dapat kong gawin. Hindi iyong kukunsintihin ninyo 'yong tao na alam ninyo namang sa umpisa pa lang mali na."
Natahimik siya. Tumalikod na ako at aalis na sana nang magsalita siyang muli.
"Gusto lang namin na mapabuti ka, Olivia." aniya.
Suminghap ako at napahilamos ang palad sa mukha bago malamig na nagsalita.
"Walang nakabubuti sa pagiging kabit, Mommy. Ayaw kong maging kabit. Sorry po My, pero hinding-hindi ako magiging kagaya mo."
"O.M.G my friend, it's been weeks since you're like this, I'm not so sanay. I know that you are introvert but being distant even to me is so unecceptable! I am your one and only bestfriend here, girl!" Sabog ni Vivorie sa dalawang linggo kong hindi pagkakausap sa kanya. "Nagtatampo na ako, ha!" Dagdag niya sabay hila sa buhok ko. "Alam ko namang may pinagdadaanan ka, but never forget that I am you bestfriend. I am here when you needed someone to lean on, to listen to all you rants in life. Just don't suffer in silent!""Wala na kami ni Kasper. He cheated—no, I am the mistress. I found out that he already has a wife and kid." Dire-diretso kong sinabi dahilan nang halos pagluwa ng mata niya at tulala sa kinatatayuan. Dinugtungan ko iyon para isang bagsakan na lang. "That night too was the night that I went alone in a bar and drink my heart out then kissed someone and slept with him. I just found out the next morning that it's Mr. Monroe the Professor." "Wait... Teka lang sandali tangin
DAHIL abala kami sa school ay sa sumunod na linggo pa kami nakapunta sa obgyne na pina-reserved ni Vivorie noong nakaraan. Kabang-kaba ako, hindi ko maintindihan kung maiihi o matatae ba ako."Hey, relax," Viv sqeeze my hand. "Hindi pa naman tayo sure." Pagpapagaan niya sa loob ko. "P-pero paano nga kung meron? Paano nga kung may mabuo sa isang gabi lang na 'yon?" Although wala naman akong sinisisi kasi kagagawan ko naman 'yon pero hindi ko pa rin maiwasang matakot na baka may mabuo. Paano na ako kung sakali? Paano kong bubuhayin ang bata kung sakali man? Hindi naman ako pwedeng umasa sa sahod ko sa pagiging part time editor. Paano ako magbibigay ng pagmamahal at aruga kung sa mismong magulang ko ay halos manlimos na ako?Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami kung hindi pa ako kinalabit ni Vivorie."You're spacing out again, Oly!" Asik niya. "Don't worry too much, okay? If true man ang speculations mo then so be it! I am here to help, it is a blessin
NAKANGITI akong nahiga sa gabing iyon bagama't nakakakaba pero masaya ako. Ganito pala ang pakiramdam, I wonder if this is also the feelings that mommy felt when she's pregnant with me? Or maybe disappointements because they're not expecting me to come because I am a girl. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nila kailangang magalit sa akin sa kadahilanang hindi ako pinanganak na lalaki, edi kung gusto pala nila ng lalaking anak, gumawa pa sana sila ng marami. Sinapo ang aking tiyan, "don't worry my baby, kahit wala kang daddy, mommy will love you with all her heart, remember that." Malambing kong turan at naging emosyonal na naman. Ang weird, hindi naman ako iyaking tao pero dahil sa nabubuong tao sa akin, nagiging ganito ako. Hanggang ngayon ay wala paring ideya sila Mommy tungkol sa kalagayan ko, hindi ko rin naman ililihim sa kanila kung sakaling tanungin nila ako tungkol roon. Iyon nga lang, saan ako kukuha ng ipambabayad ko para sa pangangailangan ng anak ko? Kahit na sin
NAGISING ako dahil sa mainit na haplos sa likod ng aking palad, nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Vivorie. Kumurap-kurap ako't tumingin sa paligid, purong puti ang kesame at dingding. Ang mga upuan ay kulay itim at brown. Hindi ko na kailangang tanungin kung nasaan ako, bukod sa puting paligid ay may swero rin. "How are you feeling, Oly?" Nag-aalalang tanong ni Viv. "Your ate called me na someone sent you to the hospital daw because of the accident," nangunot ang noo niyang sinabi. "But I don't believe her that it was just an accident, you lost some blood—""My baby? How was my baby?!" Taranta akong bumangon at gumapang ang matinding kaba sa aking dibdib."Your babies are okay, kumakapit eh." Ngumiti siya, nangunot ang noo ko. Babies? Baby lang, ah. Ngunit bago pa man makapagtanong ay sumagot na siya. "The doctor confirmed na you're having twins daw!" Excited niyang anunsyo.Umawang ang aking labi. Talaga ba? Dalawa?! Napalunok ako. "And please, I suggest na huwag
NAGING mas maselan ang pagbubuntis ko noong umabot na ng buwan at kalahati, sabi ng doktor normal lamang daw iyon at sinabihan akong huwag masyadong gumawa ng mga aktibidad na mabibigat o kaya naman ma-stress dahil maaari raw iyong ikapahamak ng mga bata kaya naman tumigil na muna akong pumasok ng pisikal sa eskwelahan. Kinailangan kong lumipat sa modular classes nang sa ganoon ay pupwede kong madala sa bahay ang mga gawain ko, sa tulong ni Vivorie at tita Vivian na kausapin ang Dean na kaibigan din ng pamilya nila ay napadali ang paglipat ko. Ang mahalaga raw ay maisumite ko ang aking mga gawain sa itinakdang araw o kung hindi man agad-agad ay dapat may matibay akong rason kung bakit ganoon ang nangyari. "Feel at home, okay? This is also your home, anak. Huwag kang mahihiya..." Si Tito Julius, Viv's father said while we are having dinner. "Your tito's right, 'nak." Ngumiti si tita. "I'm glad that our Vivorie here have you you know naman hija palagi kaming wala." Sumulyap siya kay
Sa sumunod na mga linggo ay ang tanging gumigising sa akin sa walang pinipiling oras ay ang pagsusuka at paglalaway sa kung anumang maisip na nakakatakam o kaya naman dahil sa bidyong napapanood sa YouTube. Katulad na lamang ngayon, alas dose y medya nandito ako sa kusina, nagluluto ng tortang talong. "Diyos kong bata ka! Bakit ka nandito nang madaling araw!" Gulantang na wika ni Manang Lori, ang matagal ng kasambahay nila Vivorie. Magulo pa ang kanyang buhok at papikit-pikit pa ito kaninang naglalakad ngunit halos lumuwa ang mata at nawala na parang bula ang kaantukan nang makita ako. "Kung gutom ka pala ay sana'y nanggising ka ng kasambahay!" Ngumiti ako sa kanya bago binaliktad ang niluluto, mas lalong natakam sa Amoy. "Ayos lang po ako, Manang! Huwag na po kayo masiyadong mai-stress, sayang ho ang skincare!" Biro ko. "'tsaka, katatapos ko lang pong sumuka at bigla po akong natakam sa tortang talong kaya nagluto na lang po ako, ayaw ko namang mang-istorbo dahil lamang dito..." Ma
I SLAMMED the door at the registrar's office as I stormed out of there, irritation consumed me again. Tangina naman, bakit hindi na lang kasi sabihin ang totoo? Hindi iyong para akong tangang pabalik-balik rito sa parehong dahilan at lalabas din na parehong walang makukuhang sagot. Nakamamatay bang sumagot sa tanong? Tangina talaga. "Good noon, Prof!" Natigil ako sa mabilis na paglalakad nang salubungin ako ng ilang estudyante, hindi man lang ako nangahas na ngumiti sa kanila. "Lunch na po! Huwag po kayong magpapagutom," someone dared to say. My forehead creased. I was about to burst out but then I realized that shouldn't do that. Tipid na lang akong ngumiti at umiling saka dire-diretsong naglakad, nagsalubong ang aking kilay nang marinig ang mga batang itong magtitili at maghampasan. "What's wrong with these kids?" I mumbled. As soon as I reached my personal office in this school, I immediately search her social media accounts but then I almost throw my laptop in annoyance wh
"SABIHAN mo ako ate kapag bibili ka ng mga gamit nila, ha! Sasamahan kita! Nandito na ako ngayon kaya hindi mo na kailangang gawin nang mag-isa ang mga bagay-bagay! Tita Ola to the rescue!" Itinaas pa niya ang kanyang parehong braso, as if flexing her imaginary muscles. Humagikhik ako at ginulo ang buhok niya, "oo, sasabihan kita kapag nakasahod na ako." Sambit ko. "Sige na, umalis ka na't baka mahuli ka pa sa klase mo!" Untag ko dahil nagkita lang talaga kami para magkuwentuhan sila ng mga pamangkin niya, I couldn't wait them to meet already dahil ngayon pa lamang at limang buwan nila ay ayaw na silang tigilan ng kanilang tita Ola. "Sige, ate! Bye! I love you and my pamangkins!" Tumayo na siya at kumaway, nang humakbang siya ng tatlong beses ay nangunot ang noo ko nang lumingon siya sa akin at patakbong yumakap muli saka tuluyang umalis. "Ang kulit ng tita ninyo," haplos ko sa aking tiyan at napatawa nang gumalaw sila. "Oo na, alam kong paborito na ninyong marinig ang boses ng tit