Share

CHAPTER 5

NAGISING ako dahil sa mainit na haplos sa likod ng aking palad, nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Vivorie. Kumurap-kurap ako't tumingin sa paligid, purong puti ang kesame at dingding. Ang mga upuan ay kulay itim at brown. Hindi ko na kailangang tanungin kung nasaan ako, bukod sa puting paligid ay may swero rin. 

"How are you feeling, Oly?" Nag-aalalang tanong ni Viv. "Your ate called me na someone sent you to the hospital daw because of the accident," nangunot ang noo niyang sinabi. "But I don't believe her that it was just an accident, you lost some blood—"

"My baby? How was my baby?!" Taranta akong bumangon at gumapang ang matinding kaba sa aking dibdib.

"Your babies are okay, kumakapit eh." Ngumiti siya, nangunot ang noo ko. Babies? Baby lang, ah. Ngunit bago pa man makapagtanong ay sumagot na siya. "The doctor confirmed na you're having twins daw!" Excited niyang anunsyo.

Umawang ang aking labi. Talaga ba? Dalawa?! Napalunok ako. 

"And please, I suggest na huwag ka na munang umuwi sa inyo, dilikado, baka kung mapaano pa kayo roon." Natulala ako, inalala ang nangyari. "I shouldn't be judging them because they're your family but almost causing the lives of your children? Hindi naman yata tama 'yon! So whether you like it or not you will gonna live with me hanggang sa kaya mo na." Pinal niyang pasya. 

Napatingin ako sa kung saan, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanila. Ginawa kong lahat para sa kagustuhan nila. Katulad na lamang nang hindi pagsama sa tuwing may gatherings kasi baka mapahiya sila dahil sa akin, hindi ipagkakalat na magulang ko sila dahil ayaw nilang madamay sa kung anumang katarantaduhang gagawin ko raw at kahit wala na akong pahinga para lang maging mataas ang marka ko sa eskwelahan dahil gusto kong kahit papaano ay matuwa sila sa akin pero hindi. Hindi pa rin. However, I couldn't do anything about it anymore, hindi ko hawak ang kanilang mga pag-iisip pero panghahawakan ko pa rin ang katiting na pag-asang meron ako na balang araw, makikita nila ako bilang anak.

"I brought fruits for you and your vitamins that I forgot to give yesterday," it was Vivorie again. "Do you want to eat? Do you have cravings? Come on! Say it and I'll buy them for you!" 

Tumawa ako. Ang kulit, hindi nawawalan ng energy! "Sira! Medyo nararamdaman ko na ang mga morning sickness but the cravings thingy, thankfully wala pa naman." Ngumiti ako. "By the way, Viv..." Maya-maya'y hinawakan ko ang kamay niya at maluha-luha siyang tiningnan. "Thank you so much... I know that my thank you's will never be enough sa dami ng naitulong mo sa akin, lalo na ngayon pero hindi ako titigil sa kakapasalamat sa'yo, mukha man akong malakas but the truth is, I don't have any idea what will happen to me kapag ako na lang mag-isa, lalo na ngayong hindi na lang ako."

She sniffed. "Hoy! You're so mean! Ang pretty-pretty ko tapos paiiyakin mo Ng ganito? That's illegal you know!" Maarte niyang pinahiran ang kanyang luha saka kumuha ng ponkan saka binalatan iyon at kinain. Naupo siya sa ng maayos at hinawakan ang kamay ko. "Enough with the dramas!" Sabay kaming natawa at parehong nagpahid ng mga luha, "you don't have to thank me too much, Oly, you yourself is already a blessing to me kaya this help is not really a big deal. Remember, you were there when no one was with me even my parents, you were there when I am fighting my own demons without you judging me, you were there when everyone just treated me nicely because of what I have kaya ako dapat itong magpasalamat sa'yo." Hayan na naman, nag-iyakan na naman kami. "For the meantime, I'll be the babies daddy, okay?" 

Pareho kaming emosyonal at nagyakapan na lamang. Lumipas ng ilang segundo ay nagsalita ako, "talaga? Kaya mong maging daddy sa kanila?" Naramdaman kong tumango siya. "Paano na ang mga trips mo? Ang mga crushes mo? Paano ka magkakajowa niyan? Mga gwapo pa naman 'yung nasa upper batch!" I giggled. 

Kinurot niya ako sa tagiliran dahilan ng paghihiwalay namin. "Hmp!" She rolled her eyes at me. "With all that happened to you, you think I could still trust one? Nah ah, no thanks. I'm a billionaire myself already, I wouldn't be needing a man. Maghahanap na lang ako ng sperm donor kung sakali mang magbago ang stand ko sa pagkakaroon ng anak. But for now, I'm excited to be with you on your journey as a parent! My gosh, Oly! I could already imagine little Olivias running and clinging up to you!" She said dreamily.

"At paano ka naman nakasisigurong little Olivias ang mga ito? Paano kung little mister terrors?" I said smirking without actually thinking with what I am saying. Nagulat na lang ako nang magtitili siya sabay hampas sa akin. 

"My gosh! Don't tell me na you have pagnanasa sa father ng babies mo from the very start! Oh my goodness! And maybe the babies weren't made with just a one night stand but actually made by love!" Giit niya.

Ngumiwi ako. 

"Gaga! Tigilan mo nga iyan, hindi ako nag-cheat sa ex-boyfriend ko and no, there was no feelings involved. Just pure lust." Walang kasing seryoso kong sinabi dahilan ng kanyang pagkadismaya at mahaba ang ngusong naupo. "Totoo nga." 

Hindi na naman daw grabe ang nangyari sa akin kaya kinabukasan ay lumabas na kami, tunay nga sa kanyang sinabi ay hindi na ako umuwi sa bahay ng magulang ko. Nalaman ko ring nasa bahay na pala nila Vivorie ang mga gamit ko. 

"Sa room ko sana ikaw mag-stay but I want to give you privacy so I'll just let you use the guest room, don't worry it is big enough and you'll be comfortable—" 

"Ano ka ba, ayos lang! Sobrang laking tulong na nito para sa amin. I can manage, okay? Ako pa ba?" I smiled at her. "I can't thank you enough, Viv kaya kung may puwede akong maitulong sa'yo ay sabihin mo lang and I won't hesitate to help." 

She smiled and hug me before sending me to the guest room that'll be my personal space. Nagulat pa nga ako dahil ang laki at kasya ang tatlong tao!

Mga mayayaman talaga, iba ang depinasyon ng maliit. Umiling ako. Tumungo muna ako sa banyo para maghilamos saka nahiga sa malambot na kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makitang si Mommy iyon ay sumikdo ang puso ko sa tuwa ngunit nang mabasa ang kanyang mensahe ay dismayado akong ngumiti.

Mommy: 

You're a disgrace to our family, Olivia! Pasalamat ka't binuhay ka pa namin sa mundo wala kang utang na loob! Huwag na huwag kang magpapakita sa amin ng daddy mo kasama iyang anak mo. Nakakahiya kang maging anak, sana noong nalaman kong babae ka, ipinalaglag na lang sana kita. 

My lips parted with the unexplainable pain. Parang pinagpira-piraso ang puso ko at basta na lamang iyong itinapon sa kung saan. Mapakla akong tumawa at tumitig sa kesame upang sana'y pigilan ang luha ngunit huli na ang lahat dahil masagana na itong bumuhos. 

"Pangako My, Dy, magiging successful ako." Hinaplos ko ang sariling cellphone at at sa nanlalabong mga mata ay tinitigan kong muli ang mensahe. "Hinding-hindi ko ipararamdam sa mga anak ko ang mga ipinaramdam ninyo sa akin. Pangako 'yan." Hagulgol ko. 

Kinabukasan ay nagising ako dahil bumabaliktad na naman ang sikmura, hindi ko pa naibubuka ang mga mata habang sumusuka sa toilet. Grabe, nakakapanghina naman. Umabot yata ako ng bente minutos na nakaupo sa puting tiles bago naging maayos-ayos ang pakiramdam. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at diretso ng naligo. Kailangan kong magsuot ng facemask sa eskwelahan ngayong araw para kahit papaano ay hindi ko gaanong maamoy ang pabango ng mga kaklase ko. Baka kung anong ipagkalat nila kapag nasaksihan nila ang pagduwal ko tuwing naaamoy ang pabango nila. 

"Are you okay? Are you sure you can manage for today? You know that we can make excuses, right?" Si Vivorie, palabas na kami sa malaki at engrande nilang pintuan.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Besides, may kailangan din akong kausapin." Ngumiti ako sa kanya. 

I think about this matter thoroughly last night, naisip kong kahit paano ay may karapatan siyang malaman kasi dalawa naman kaming gumawa sa mga ito, isa pa, ang pagkaka-alala ko noong huli naming pag-uusap ay willing siyang tanggapin ang responsibilidad. Inaamin ko na kung ako lamang ang papipiliin ay hindi ko ipaalam ang tungkol dito sa kanya dahil baka bigla siyang umayaw kapag mandito na pero naisip kong ang pagpapalaki ng anak ay hindi isang biro, hindi lamang ito isa kundi dalawa. Sa pera pa lang ay magkukumahog na ako, wala namang masama kahit sustentuhan lang niya kami. 

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Oly my friend! Daldal ako nang daldal dito tapos pagtingin ko, tulala ka riyan?" I blinked twice and gave her a smile. "Ayos lang, bakit pa ba ako magtataka e, hindi ka naman gaanong nagsasalita," umirap siya't tinusok ako sa tagiliran na siyang ginawa ko rin.

 Nagharutan pa kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa classroom.Kung minamalas ka nga naman, math pa. Umagang-umaga. 

"Psst! Si hottie-daddy!" Tarantado talaga itong si Vivorie! 

"Tumahimik ka," impit kong suway at natigil lamang kami nang may presensyang palapit. Si Prof. Monroe na nagdi-distribute ng papel. 

"Are you alright?" Halos mapatalon ako nang bigla itong magsalita sabay lapag ng papel ko sa sariling armchair. "You look sick..." He concluded. 

"Uhm..." Lumanghap ako ng hanging at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko mang ang pabango niya ang malanghap ko! Mariin akong lumunok at kumurap-kurap! "Uhm... Y-yeah, ayos lang po ako Prof. Medyo naulanan lang..." Nanliit ang mata niya sa akin, parang naghihintay ng iba ko pang sasabihin ngunit nang hindi na ako nagsasalita ay nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.

"Uy, concern ang baby daddy!" Tudyo na naman ng kaibigan kong ito habang ako ay nanlalabo na ang mata dahil sa nalanghap na amoy.

Kahit paano, sa awa ng Diyos ay nalagpasan ko ang araw kahit pa man may mga amoy na nalalanghap kahit naka-facamask na. Idinaan ko na lang sa candies para hindi tuluyang sumama ang pakiramdam dahil talagang katapusan ko na kung sakali. Alas singko y medya na ngunit narito pa rin ako sa eskwelahan, bakit? Kasi gusto ko siyang makausap. Itinaon ko ring hindi na gaanong madami ang tao lalo na sa mga faculties para hindi mahalata ang gagawin ko, I was now walking upstairs to his personal office. Oo may personal office siya dahil hindi lang naman siya isang math professor dito. 

Aaminin kong kinakaban ako pero sa tuwing naiisip kong para ito sa mga anak ko ay kusa akong tumatapang. Kaya ko ito, kakayanin. Nang makarating sa eksaktong palapag ng kanyang opisina ay natuwa ako nang bahagyang may siwang ang kanyang pintuan, siguro ay walang tao kaya minabuting lagyan ng siwang para kung sakaling may kailangan sa kanya, hindi na gaanong maghintay sa labas. 

Tinanggal ko ang facemask para lumanghap ng hangin, nakalimutan kong muntik na akong mabuwal kaninan nang maamoy ang kanyang pabango kaya naman dali-dali ko iyong isinuot pabalik ngunit huli na ang lahat, may nalanghap na ako. Hindi lamang isang uri ng pabango, mayroon pa. Pabango ng babae? Bahagya akong lumapit at kakatok na sana, sandaling-sandali lang talaga. 

Ngunit nasa kalagitnaan na ako ng pagtataas ng kamay upang sana'y ikatok nang hindi sinasadyang marinig ko ang boses sa loob. 

"Nawawalan ka na ng time para sa akin, Wrecks! You're always on your work even in our family gatherings! I am your girlfriend! Pansinin mo naman ako!" Frustrated na wika ng babae. "Or are you having an affair here while I'm not around? Huh?" Nang-aakusa nitong sambit. 

"I'm not." Simple ngunit bakas ang malamig na sagot ng huli. 

Ah, may girlfriend... 

With a small sad smile crept on my lips, I silently walked away in that room. It's a bit sad though but I can't do anything about it, it's his life. Baka makasira pa ako ng relasyon kapag ipagpatuloy ko pa ang gusto ko. Mabuti na lang at narinig ko iyon dahil kung hindi ay baka makasira na naman ako ng relasyon. Ang pangit ng tadhanang makipaglaro sa akin, 'no? Naging kabit na nga, magiging relationship wrecker pa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status