Share

CHAPTER 6

NAGING mas maselan ang pagbubuntis ko noong umabot na ng buwan at kalahati, sabi ng doktor normal lamang daw iyon at sinabihan akong huwag masyadong gumawa ng mga aktibidad na mabibigat o kaya naman ma-stress dahil maaari raw iyong ikapahamak ng mga bata kaya naman tumigil na muna akong pumasok ng pisikal sa eskwelahan. Kinailangan kong lumipat sa modular classes nang sa ganoon ay pupwede kong madala sa bahay ang mga gawain ko, sa tulong ni Vivorie at tita Vivian na kausapin ang Dean na kaibigan din ng pamilya nila ay napadali ang paglipat ko. Ang mahalaga raw ay maisumite ko ang aking mga gawain sa itinakdang araw o kung hindi man agad-agad ay dapat may matibay akong rason kung bakit ganoon ang nangyari. 

"Feel at home, okay? This is also your home, anak. Huwag kang mahihiya..." Si Tito Julius, Viv's father said while we are having dinner. 

"Your tito's right, 'nak." Ngumiti si tita. "I'm glad that our Vivorie here have you you know naman hija palagi kaming wala." Sumulyap siya kay Vivorie na tahimik lang na kumakain. 

Kinabahan ako dahil baka iba ang naiisip niya gayong 'anak' ang tawag sa akin ng magulang niya. Not that I don't want it, it's just that, baka... 

"Kung makatingin naman 'to sa'kin!" Bigla niyang sinabi dahilan ng bahagyang pagtalon ko sa kinauupuan, tumawa siya. "Don't look at me like that, Oly! Pero kapag ant ganda ko naman ang paglilihian mo, why not 'di ba?" Kahit tumatawa siya ay mayroon pa ring lungkot sa kanyang mga mata. 

Kaya naman nang matapos ang hapunan at pumasok na ako sa kuwarto ay hindi ako mapakali, sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog kaya naman nagpasya akong lumabas at pumasok sa kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto at natagpuan ko siyang nakaupo sa kama niya at nagc-cellphone habang may headsets sa tainga. Alam kong balisa siya dahil tulala lang siyang nag-iiscroll. 

"Hi..." Tipid kong paunang bati. "I'm sorry kanina..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi, "alam kong iba ang loob mo dahil sa paraan ng pagtawag nila sa akin–"

"Iyon nga, Olivia, eh!" Umawang ang labi ko sa biglang pagtaas ng boses niya, kakaiba ang ipinakikitang emosyon sa kanyang mga mata. "Ni minsan hindi ako ganoon kung tingnan ng magulang ko! Kailanman ay hindi ganoon kalambing nila ako kung tawagin tapos ikaw? Kaibigan kita tapos ganito? Anong ginawa ko sa'yo para gawin mo sa akin ito? Huh? Am I not worth it?" Parang biniyak ang puso ko nang makita ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. 

"Viv... Hindi naman sa ganoon... Hindi ko sinasadya promise! Hindi! A-ano..." Napalunok ako, hindi alam ang gagawin. "Hindi ko naman sila aagawin eh, hindi naman sila akin, wala namang akin Vivorie..." Kinagat ko ang aking hintuturo upang pigilan ang paghikbi. "A-no... Pasensya... Hindi na mauulit, maghahanap na ako ng ibang malilipatan. Pasensya na ha, maraming salamat sa pagmamahal, pag-aaruga at sa pera, babayaran na lang kita kapag naibenta ko na ang isang kendi ko..." Humikbi ako.

Nagkatiningnan kaming pareho na punong-puno ng luha ang mga mata ngunit kalaunan ay parang mga baliw na parehong malakas na tumawa. 

"Kendi? Gaga kidney 'yon!" Bulalas niya at mahina akong hinilasa kama. "Ang galing ng iyak ko 'no?" Tumawa na naman siya. "Puwede ba akong mag-artista?" 

"Hindi ka galit sa'kin?" Singhot kong tanong. 

Maarte niya akong sinabunutan. "Baliw! Ikaw na nga lang meron ako, magagalit pa ako sa'yo?! And gosh! It's okay! Deserve mo ang kung anumang ipinararamdam ni mommy and daddy. And I am not jealous 'no! I am just sulking at them but I know they love me so much, sa ganda kong ito, hindi nila mamahalin? Hindi maaari iyon 'yon!" 

"Good morning, Prof." Bati ko sa sumunod na araw nang may makasalubong professor. 

Narito lang ako para kumuha ng module at may itatanong sa registrar, bahagya akong pinagtinginan ng ilang estudyante marahil ay naka-I.D nga ako ngunit hindi naman nakauniporme. Pero wala na akong pakialam. I was wearing a black pants and oversized hoodie—still wearing facemask because these little peanuts of mine are so sensitive. 

Narinig ko pa ang ilang ingay ng mga estudyante, nagtatawanan, nagrereklamo at halos mawala ako sa huwesyo nang pagliko ko patungong registrar's office ay siya namang paglabas niya. His thick eyebrows are in one line now as his forehead creased. He seems annoyed about something. 

Pasimple kong hinawakan ang aking tiyan, mga anak, hayan ang daddy ninyo... Magsisimula ang araw niyan ng nakabusangot hanggang sa mag-uwian na. Hindi ninyo pa siya makikilala now kasi bawal pa, may girlfriend siya, hindi tayo maaaring makasira ng relasyon... 

Ganito na talaga yata ang pigigin oog buntis, napaka-emosyonal! 

"Are you alright?" Anang baritonong tinig na lumapit sa akin, napaatras ako dahil nanuot na naman ang kanyang mabangong amoy. "You look like on a verge of crying, are you okay?" Ulit niyang tanong. 

Nag-angat ako ng tingin, magkasalubong ang kilay, sinusuklian ang paraan niya ng pagtingin. 

"Oo, ayos lang naman po Prof." At ano naman sa kanya kung maiyak ako eh natural lang dahil dinadala ko ang mga anak niya? 

"And why aren't you wearing your uniform?" Pinagtaasan niya ako ng kilay, his arms now we're crossed on his chest. The Mr. Terror is on now. Well, my bad though dahil wala kami sa classroom. 

Akmang ibubuka ko na ang aking bibig upang magpaliwanag nang biglang may sumulpot na maganda at eleganteng babae na basta na lamang yumakap sa kanya. 

"Oh, you're here, babe! Stop it already, okay? Don't be too harsh on your students!" She sweetly said and smiled at me. Tipid akong ngumiti. 

"Stop it. Don't call me that, Chealsea." Iritado niyang sinabi dahilan ng pagbabago sa mukha ng babae ngunit nawala rin iyon agad. 

I step back quitely realizing that the elegant woman was maybe his girlfriend. Saka ko pa lang napagtantong nagpipigil ako ng hininga nang pumila na sa may registrar's office. Noong natapos na ako sa pakay ko ay lumabas na ako at siya naman pagliko niyang muli at parang walang nangyaring dumaan sa gilid ko. Siguro ay dapat na akong masanay, hindi niya malalaman na lilipat ako ng modality at ipinagbubuntis ko ang mga anak niya, mas makabubuti iyon para sa kanya. 

That's it. We must act like nothing happened between us. 

---

"Viv... Uhm... I just want to inform you na puwede akong lumipat sa maliit na boarding house..." Isang araw ay tumungo ako sa kwarto niya, she's been busy with her own life kaya nakakahiyang maistorbo siya ngayon. 

"Why?" Kunot ang kanyang noong tanong. "Hindi naman kita pinapalayas, ah! And you cannot be in a boarding house living alone while you're pregnant, Oly." May pinindot lamang siya sa kanyang computer bago ibinigay sa akin ang kanyang buong atensyon. "What's the problem? Hindi mo na ba gusto rito? Hindi ka ba pinakisasamahan ng mga kasambahay tuwing wala ako?" Sunud-sunod niyang tanong na parehong iling ang naging sagot ko. "Then why?" 

"Eh, kasi nahihiya na akong magpabuhay sa'yo! Hindi ba't pansamantala kong iniwanan ang part time job ko kasi nga bawal ako roon dahil sa kondisyon ko! Kaya sobrang nakakahiya na talaga na Ikaw na ang bumubuhay sa akin!" Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. 

"Hay nako," umiling siya't kumakot sa ulo. Ngumuso ako. "Then..." Sandali pa ay inilagay niya ang kanyang hintuturo sa baba na animo'y nag-iisip, bigla ay pumitik siya na ikinagulat ko. "Be my personal video editor, then!" Malawak siyang ngumisi sa akin. 

"Ano?" Halos mapatanga ako. 

"Anong ano? Yes na agad!" Aniyang lumundag pa sa tuwa. "You're editing skills are superb! Remember everytime we have documentation or anything activities that requires videos 'diba you are the assigned editor? Kaya nga palagi tayong may malalaking scores, eh!" Pumalakpak siya. "Kung bored ka and you don't want my money then you work for it! Hindi na ako mangingialam basta i-increase-an ko ang sahod mo, 'wag kang umangal para rin 'yun sa mga future inaanak ko!" Natawa ako dahil alam na alam na talaga niya ang maaari kong sabihin. 

Agad nga ay pinagplanuhan namin ang mga gagawin, I won't be with her sa tuwing gagawa siya ng videos—she'll enter vlogging now because her followers on certain social medias were urging her to. Sinabihan ko nga na kung ayaw niya ay huwag na siyang magpadala sa mga sabi dahil kapag hindi niya na-meet ang expectations ng mga tao ay ibabash siya. But then she insisted that she likes it and she also wants to share her travel experiences at wala akong magawa kung hindi sumuporta sa kaibigan. 

"I'm scared for this kind of life even though I don't even care of how they think of me but nothing's wrong on trying new things, right?" aniya nang matapos kami sa pag-uusap. "And excited na akong makita ang tiyan mong lumalaki! I think mas mabilis ang paglaki niyan kasi dalawa and I'm ready to befome their pretty-ninang!" 

Natawa ako at hinaplos ang sariling tiyan, can't wait to become their momma, too...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
love this story,nkakairita lng at me mga tulad ng parents n oly...kalurkey
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status