"SABIHAN mo ako ate kapag bibili ka ng mga gamit nila, ha! Sasamahan kita! Nandito na ako ngayon kaya hindi mo na kailangang gawin nang mag-isa ang mga bagay-bagay! Tita Ola to the rescue!" Itinaas pa niya ang kanyang parehong braso, as if flexing her imaginary muscles. Humagikhik ako at ginulo ang buhok niya, "oo, sasabihan kita kapag nakasahod na ako." Sambit ko. "Sige na, umalis ka na't baka mahuli ka pa sa klase mo!" Untag ko dahil nagkita lang talaga kami para magkuwentuhan sila ng mga pamangkin niya, I couldn't wait them to meet already dahil ngayon pa lamang at limang buwan nila ay ayaw na silang tigilan ng kanilang tita Ola. "Sige, ate! Bye! I love you and my pamangkins!" Tumayo na siya at kumaway, nang humakbang siya ng tatlong beses ay nangunot ang noo ko nang lumingon siya sa akin at patakbong yumakap muli saka tuluyang umalis. "Ang kulit ng tita ninyo," haplos ko sa aking tiyan at napatawa nang gumalaw sila. "Oo na, alam kong paborito na ninyong marinig ang boses ng tit
MABUTI na lang talaga at mabilis ang reflexes ko at nasalo ang kanyang ulo gamit ang aking paa dahil kung hindi ay talagang didiretso ang ulo niya sa matigas na tiles. At kahit nakahandusay siya sa sahig ay ipinagpatuloy ko ang pamimili sa gamit ng mga bata, naagaw lang ng aking atensyon nang pumasok ang kapatid ko at ang babaeng medyo pamilyar. Inalala ko pa saglit kung saan ko siya huling nakita at nang ngumiti siya sa akin ay nakumpirma kong siya iyong babae kanina sa cafe. "Uh-oh, what happened?" Nakangiwi niyang tanong habang itinuturo gamit ang kanyang nguso si Prof. Monroe na mahimbing ang tulog. "Hinimatay," nakangiwi kong tugon. "Ayos ka lang, Ate? Anong nangyari? Bakit hinimatay?" Usisa ni Ola. "Ewan ko! Nang makita ako bigla na lang hinimatay! Hindi ko naman inaano!" Depensa ko sa sarili. Patagilid akong tiningnan ng kapatid na animo'y pinararatangan ako. "Wala nga akong ginagawa, nanahimik akong namimili rito, eh." "Oh..." Ngumiwi siyang muli, "I'm Narisha! I hope you
HOW did you knew about her? How did you knew that she was the woman I am looking for months now?" Nagtatagis ang bagang kong sunud-sunod na tanong. I frustratedly brushed by hair using my fingers, I just couldn't believe it that she knew about this more than me! I should be the one who knows because I am the father! I am the one who she slept with! "Come on, Kuya! Stop me with that attitude of yours, huh!" The brat crossed her legs and sipped on her frappe as she rolled her eyes at me. "Instead of scolding me, why don't you just thank me? O talagang naiirita ka dahil naunahan pa kita?" She uncrossed her legs and stood up near me, she playfully poke my side and give me a smile full of mockery. "Ang hina mo, uy! Itinatakwil na kita bilang kapatid! Tsk! My goodness, Wrecker Silas, you're a terror mathematics professor and a ruthless businessman pero iyong nag-iisang babae, hindi mo magawang mahanap? Paano na lang pala kung hindi ko bestfriend si Olanaia? Edi habangbuhay mong Hindi maki
MATAPOS ang simpleng batian na iyon ay isang nakabibinging katahimikan na ang namayani sa aming dalawa. Pareho na kaming nakaupo sa couch, magkaharap. Pansin ko ang kanina pang pagsulyap niya sa tiyan ko noong hinawakan ko ito nang maupo. Ramdam ko ang kanyang titig na animo'y gustong lapitan ako ngunit tila siya ay nangangapa pa. Pareho naman kaming nangangapa rito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magkakaganito ang isang propesor at estudyante? Ni hindi ko nga siya kilala bukod sa pangalan niya at bilang propesor! Pasimple pa akong sumusulyap sa kanya nang maramdaman pa rin ang titig niya, nang mapansin naman ako ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako. Ang hirap naman nito, puwedeng magsungit na lang siya at magsabi ng, "get one fourth sheet of paper, let's have a quiz! Strictly no erasure! No copying of answers!" Hindi itong ganito, ang weird! Mahihilo pa yata ako! Inabot na yata kami ng sampung minutong walang imikan na kung hindi pa dumating ang kasambahay na may
NOONG una ay matinding pagkailang ang nararamdaman namin nang sandaling makaupo na siya kasama namin sa iisang hapag. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang maskulado, matangkad, matipuno at kilalang masungit na propesor ay narito ngayon. Sa aming lahat dito ay kaming dalawa lang talaga ni Vivorie ang nakakakilala sa kanya bilang propesor ngunit ang ibang kasama namin ay puro masasamang tsismis ang aming nasabi. Nang tingnan ko si Vivorie ay ngumiwi siya sa akin 'saka sumulyap sa aming mga kasama sa bahay na kulang na lang ay mahulog ang panty at tumulo ang laway sa sobrang pagkakatitig sa panauhin! Siguro ay kung hindi pa dumating si Manang na mukhang kagagaling lang kung saan ay talagang may mapaglalagyan ang mga ito. "Good evening, ma'am..." Napatingin ako nang bigla siyang tumayo at bahagyang yumuko kay Manang Lori. "Ako po si Wrecker Silas Monroe, ako po ang ama ng dinadala ni Miss Gallego..." Kung hindi lang ako buntis ay talagang nalaglag na ako sa kinauupuan ko!
INSTEAD of going home directly, I decided to maneuver to The Wrecker. I don't feel like going home for tonight, it's still eight thirty in the evening and I am sure that they're still there, waiting for me. Wala naman silang ibang pag-uusapan kung hindi ang kasal na hinding-hindi naman mangyayari. Dire-diretso akong pumasok nang makarating sa pag-aaring bar, may mga bumabating kakilala o kilala ako pero hindi ko iyon pinansin at dumiretso sa isang kumpol na mga tao. "Hey, dude! Akala namin hindi ka na makakasama!" Si Darren, isa sa mga kasamahan ko. "Bagong buhay na kasi iyan!" Humalakhak si Hekama na nakaupo sa couch. Mayroon siyang kandong na babae at panay ang halik nito. Kumunot ang noo ko. "Tsh! Bagong buhay? Ibig ba sabihin niyon pare, iiwanan mo na ang mga nakasanayan mo? Like women and all?" Ani naman ng nakangising si Jared, nagsasalin ng pamilyar na alak at ibinigay sa akin. "Kaya ako, hinding-hindi ako mag-aasawa! Tsh. Sakit sa ulo ng mga babae!" Umiling ako at ba
"MANANG, alis muna po ako, ha." Paalam ko kay Manang Lori nang puntahan ko siya sa garden at nagdidilig ng halaman. Nakabihis na ako ng yellow maternity dress na mayroong cute sunflower designs at beige flat shoes. I am also wearing my sunflower printed tote bag. "Baka mamayang hapon pa po ako makakauwi. Depende po kung magtatagal ako roon," dagdag ko. "Wala kang kasama?" Tanong niya at sandaling itinigil ang ginagawa, "ikaw lamang mag-isa?" Tumango ako. "Edi isama mo na si Janette!" Nanlalaki ang mata niyang sinabi at basta na lang tinawag ang pangalan ni Janette na siyang lumabas naman galing garahe. "May patutunguhan daw itong si Olivia, siya at magbihis ka. Samahan mo siya." Gulat ang rumihestro sa basang mukhang ng dalaga, basang-basa siya galing sa paglilinis ng mga sasakyan. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at sasabihin na sanang huwag na at kaya ko naman nang bigla siyang ngumiti. "Sige po! Sandali!" Nagmamadali niyang sinabi at inagaw ang hose kay Manang Lori. "Hindi na po
NAMULAT ang mga mata ko sa isang hindi gaanong pamilyar na lugar. Puting kesame at dingding, maingay na tunog ng makina at nakakabit na suwero sa aking kamay. Hospital. Nasa hospital ako. Ilang beses pa akong kumurap bago tuluyang naalala ang buong nangyari dahilan upang mapabalikwas ng bangon.Agad dumalo sa akin si Janette."Ang mga anak ko! How are my babies doing?! Ligtas naman sila hindi ba? May dugo! May dugong lumabas sa akin!" Magkasunud-sunod kong tanong kasabay ng masaganang pagbuhos ng mainit na likido sa aking mga mata. "The twins are alright, they're safe now." Nagulat ako nang marinig ang istriktong boses ni Silas. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed. At base sa kanyang suot ay tila galing itong trabaho. "Maaaring nanganib ang buhay ninyong tatlo kung inabot pa kayo ng ilang oras bago makarating dito." Nagtatagis ang bagang niya at matalim ang tinging pinukol sa akin. "Sa susunod, kung may pupuntahan ka man, magpaalam ka sana. Kung hindi pa ako tinawagan ni Janette,