Share

CHAPTER 3

DAHIL abala kami sa school ay sa sumunod na linggo pa kami nakapunta sa obgyne na pina-reserved ni Vivorie noong nakaraan. Kabang-kaba ako, hindi ko maintindihan kung maiihi o matatae ba ako.

"Hey, relax," Viv sqeeze my hand. "Hindi pa naman tayo sure." Pagpapagaan niya sa loob ko. 

"P-pero paano nga kung meron? Paano nga kung may mabuo sa isang gabi lang na 'yon?" Although wala naman akong sinisisi kasi kagagawan ko naman 'yon pero hindi ko pa rin maiwasang matakot na baka may mabuo. 

Paano na ako kung sakali? Paano kong bubuhayin ang bata kung sakali man? Hindi naman ako pwedeng umasa sa sahod ko sa pagiging part time editor. Paano ako magbibigay ng pagmamahal at aruga kung sa mismong magulang ko ay halos manlimos na ako?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami kung hindi pa ako kinalabit ni Vivorie.

"You're spacing out again, Oly!" Asik niya. "Don't worry too much, okay? If true man ang speculations mo then so be it! I am here to help, it is a blessing, you know! Or if you don't want that baby then just abort it, your body your choice, my friend." Bigla akong nanlamig na napatingin sa kanya sa huling katagang binitawan niya. 

A-abortion? Is it possible? 

Ilang minuto lang ang nilakad namin patungo sa isang pasilyo ng hospital ay nakarating na kami sa isang nakasarang pintuan, may iilang mga nakapilang buntis at wala pa namang tiyan. Wala sa sarili tuloy akong napahawak sa sariling tiyan kahit hindi pa man kumpirmado. 

Paano nga kaya kung totoo?

"Hey, Cali!" Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Vivorie at kumaway kung saan, "oh, it's doc. Mara's secretary," bago pa man ako magtanong ay may sagot na siya. "We have appointment, Cal." 

"Yeah, yeah," anitong nakangiti at tiningnan ang hawak niyang papel. "Please get inside, doctor Mara's waiting." Ngumiti siya sa akin.

Nagpasalamat lang siya sa binata saka kumatok ng tatlong beses bago iyon binuksan at pumasok sa loob. "Hello Tita doc! Hehe." Nagulat ako nang b****o siya roon, agad itong nakangiting yumakap sa kanya kahit pa mukhang may pinagkakaabalahan sa computer. "Here she is, Tita. This is my bestfriend, Olivia, and Oly, this is my Tita Mara-ganda, your obgyne." Ang ligalig talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"Hello, there, Olivia! You're name's pretty like you," matamis siyang ngumiti sa akin at iminwestra ang isang upuan na agad ko naman sinunod. Nang makaupo na ako roon ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at tinanong na ako kaagad. Katulad na lamang ng kailan ako huling dinatnan, anong mga nararamdaman ko, kung meron bang pagbabago sa katawan ko nitong mga nakalipas na mga linggo. Sinabi ko naman iyon lahat nang walang pag-aalinlangan pero kabadong-kabado. 

"Hmm... Just to make sure, before I check you, use this first." May kinuha siya sa kanyang drawer at ibinigay iyon sa akin at nang basahin ay pregnancy test iyon. "Don't be nervous, normal lang 'yan kapag active ang sex life." Aniya at narinig kong humagikhik si Vivorie. 

Anong active e, isang beses lang nangyari iyon. Well... Yata? Sa sobrang sakit ng ibaba ko at katawan nang magising, hindi ko sigurado kung talaga bang isang beses lang iyong nangyari.

Nanginginig ang kamay kong pumasok sa banyo at ginawa ang iniutos niya sa akin, hindi ako makapaniwalang pinanonood ko lang ito noon sa mga movies or videos tapos ngayon ay ginagawa ko na mismo. Nakakatakot. Nakakabaliw. Nang inilagay ko na ang ihi ko sa maliit na butas ng mismong pregnancy test ay nakapikit ako ng mariin, nananalangin sa lahat ng santo na sana negative. Na sana false pregnancy lang. Na sana delay lang talaga ako at nagkataon lang na ngayon nangyari sa akin. Ngunit nang sandaling buksan ko ang mga mata at dumako ang tingin sa maliit na puting bagay na nakapatong sa sink at may dalawang guhit. Para akong kandilang naupos na napaupo sa nakasaradong toilet bowl. 

Buntis ako? Buntis ako.

Hindi ko na napigilan at sunud-sunod na ang pagtulo ng luha ko hanggang sa naging mahinag hikbi iyon, nang marinig ang katok ay dali-dali kong pinunasan ang mukha. 

"Oly! You okay there?" Nag-aalalang tinig ni Vivorie galing sa labas. 

Lumabas na ako matapos ayusin ang sarili sa salamin. Nang makalabas ay si Vivorie ang sumalubong sa akin, agad ko namang pinakita sa kanya ang hawak at nagulat ako namg humagulgol siya na parang siya ang tuwang-tuwa na buntis ako. 

"Gosh, O.M.G! You're preggy!" Aniya't niyakap ako, hindi ko naman maisukli sa kanya ang ligayang nararamdaman niya hanggang sa bumitaw siya nang tawagin na kami ng doctor para sa susunod na check up. 

May inihanda na siyang iquipments at monitors at pinahiga na ako, hinimas niya ng bahagya ang aking tiyan at naglagay ng kung anong malamig roon dahilan ng pagkakagulat ko. Sandali lamang iyon nang may inilapat siya sa aking tiyan sabay tingin sa monitor. 

"Okay, here we go..." Ngumiti siya sa akin, "see that small black?" Tumango ako. "And heard that sound?" Tumango akong muli. "That's your baby. And that is the heartbeat." 

Natahimik ang paligid. Wala akong ibang narinig kung hindi ang tunog ng heartbeat niya, hindi ko na namamalayang nakatuon na pala ang paningin ko sa monitorbat na-iinit ang mata sa emosyong nararamdaman. Tuloy ay gusto kong lumapit at hawakan ang monitor, sa ganoong paraan ay mahahawakan ko siya. 

"Aww... How cute..." Si Vivorie. 

Baby ko 'yan? Anak ko 'yan? Magkakaanak ako. Magkakaroon ako ng kakampi. May masama na ako. May hindi na mang-iiwan sa akin... Sa isiping iyon ay napahagulgol na ako. 

"Congratulations! You are more than two weeks pregnant." Ani doctor Mara. "And the baby is very healthy, just come back here for the prenatal and to monitor the baby's condition," hindi man lang ako tumingin sa kanya dahil naka-focus ang tingin ko sa monitor kung saan ang maliit na bilog ay naroon. 

Para akong nahi-hynotize. Parang sinasabi niyang, it's me, momma, I am your child. We'll be meeting after nine months and I will be your ally. I won't ever leave you. 

"Are you okay, Oly? What's your next plan?" Namulagat ako nang tanungin ako ni Vivorie, wala na pala roon si Doc. Mara. "If you keep your pregnancy then we'll your vitamins, but if you don't then it's your choice. Remember, your body, your choice. No judgement from me, my bestfriend." 

Hinawakam ko ang kamay niya at ngumiti. "Thank you for your support, Viv. I appreciate those a lot." Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang tiyan kahit wala pang gaanong umbok roon. "I'll keep this, I'm keeping this, Viv." Emosyonal kong sinabi dahilan ng paghagulgol niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status