Share

CHAPTER 2

"O.M.G my friend, it's been weeks since you're like this, I'm not so sanay. I know that you are introvert but being distant even to me is so unecceptable! I am your one and only bestfriend here, girl!" Sabog ni Vivorie sa dalawang linggo kong hindi pagkakausap sa kanya. "Nagtatampo na ako, ha!" Dagdag niya sabay hila sa buhok ko. "Alam ko namang may pinagdadaanan ka, but never forget that I am you bestfriend. I am here when you needed someone to lean on, to listen to all you rants in life. Just don't suffer in silent!"

"Wala na kami ni Kasper. He cheated—no, I am the mistress. I found out that he already has a wife and kid." Dire-diretso kong sinabi dahilan nang halos pagluwa ng mata niya at tulala sa kinatatayuan. Dinugtungan ko iyon para isang bagsakan na lang. "That night too was the night that I went alone in a bar and drink my heart out then kissed someone and slept with him. I just found out the next morning that it's Mr. Monroe the Professor." 

"Wait... Teka lang sandali tanginamo bakit kailangang isang bagsakan 'yung news!" Reklamo niya sabay sabunot sa akin na siyang ginawa ko naman dahil masakit. 

"Ikaw itong atat malaman ang kaganapan tapos no'ng sinabi, magagalit ka? Siraulo ka ba sa angkan ni'yo?" Sigaw ko sabay mas hila sa buhok niya. 

"Impakta ka! Why you didn't tell me that before so that I could assassinate that son of a bitch?! How dare him hurt you like that? How dare him make you a mistress! Huh? You don't deserve that! Ang gago niya! Napakawalanghiya niya!" Natigil kami sa pagsasabunutan nang pabagsak itong napaupo sa malambot niyang kama at sunud-sunod ang pag-iyak. 

"Viv..." Mangiyak-ngiyak kong turan. 

"Why didn't you tell me that sooner? Huh?" Aniyang suminghot-singhot. Pulang-pula ang ilong at pisngi. "How are you feeling? Did he hurt you physically?" Umiling ako. "How did you found out that he has a wife? Did he confessed? Did you caught them kissing?" Sunud-sunod ang naging tanong niya. 

Without further ado, I told her everything. Every detailes of them. Dahil sa kanya ko lang naman talaga nasasabi ang mga katulad nito, siya lang ang taong nakinig at umintindi sa akin. 

Ang ending ay napuno ang buong kwarto ng atungal namin hanggang sa bigla iyong bumukas at pumasok si tita Vivian, Vivorie's mom and cried with us. 

"Why are my babies crying? Hmm?" She sweetly asked us and caressed our cheeks lovingly. Mas naiyak ako dahil hindi ko na maalala kung kailan ko iyon huling naranasan sa sariling ina. 

Si Vivorie ang nagkuwento kay Tita ng lahat dahilan ng pagyakap niya sa akin at umiyak. 

"Everything's gonna be okay, darling." Ani Tita sa malambing pa ring boses. "I know that'll hurt a lot but it is okay than staying into a relationship like that. You don't deserve that. You are worth the love, you are worthy to become a wife. Legal wife. Not a mistress." Ang mga salitang iyon ni Tita Vivian ay bahagyang nagpabawas sa bikig na nakadagan sa puso ko. 

Bakit kaya iyong mga hindi mo kadugo ang mas makaiintindi sa iyo? Bakit sila pa ang mas may malasakit?

"I'll just leave you two here for a while, I will going to prepare for your sweets to lessen up the stress," si tita makalipas ang ilang minuto. 

We laid on the bed while hugging and Vivorie sniffing while continues blubbering on how useless if a bastard Kasper was to do that to her. I couldn't help myslef but to laughed at her reaction very far from what I am the passed two weeks. 

"Don't laughed at me!" Humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. "I am still sulking at you! Hmp! You should've told me and I should've cried with you so you won't feel alone." 

I pouted and smiled. 

"It hurts a lot, Viv. Promise." Silence lingered between us as I decided to tell what I felt during those days. "He was my first boyfriend, I trusted him a lot. He became my friend too because you knew that I am picky with people, kaya nga ikaw lang ang naging kaibigan ko for years, eh." Tumango siya at parehas kaming natawa. "Mahal na mahal ko siya, pero ayaw kong manatili sa isang relasyon na una pa lang hindi na ako 'yung nauna. Hindi na ako ang nagmamay-ari. Sa parents ko pa lang nga, halos mamalimos na ako ng pagmamahal at aruga, pati ba naman sa jowa? Ayaw ko ng gano'n. Mabubuhay naman siguro ako nang mag-isa, I can be successful alone." 

"You won't be living alone, Oly, I'm here. I am always be here beside you. Hindi lang kita bestfriend, para na kitang kapatid kaya I will protect you at all cost. I will protect you with all I have, okay?" Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ako, hinawakan kamay ko't marahan iyong hinaplos.

Parang may mainit na kamay na humaplos din sa puso ko, parang gusto kong magpagulong-gulong at mag-iiyak sa sobrang emosyong nararamdaman. Matagal ko na namang tanggap na hindi magiging ganito ang trato sa akin ng pamilya ko pero baka naman... Baka naman balang araw, mararanasan ko 'yung ganito sa kanila.

"I know what you're thinking, Oly." Right, she knows me well. "Hayaan mo, balang araw, magiging malambot din ang parents mo sa'yo. Tiwala lang. Pero 'wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kanila dahil hindi ka sardinas." 

"Masarap 'yung sardinas, ha!" Kontra ko.

Ngumiwi siya, "masarap kumain ng sardinas pero hindi ang pagiging sardinas." Pabiro pa niya akong sinabunutan. "I am really proud that you chose what is best for yourself. Kung ikaw lang iyong tipo ng kaibigan na kahit alam nang kabit siya but she still is pushing herself to that man just for the sake of them loving each other, talagang itatakwil kita at ipapa-assassinate sa mga goons ni daddy." 

Tumawa ako nang malakas dahil sa banta niya, kahit alam kong biro iyon ay nakasisiguro naman akong talagang totohanin niya kung nagkataon. Mukha lang itong siraulo pero kaya nitong bayaran buong angkan mo kahit pa mga kamag-anak mo sa talampakan.

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin ay pumasok si tita Vivian. "Pancakes for my pretty babies!" 

"Wow!" Pareho kaming tumayo at kinuha ang tray na may ilang pancakes and pineapple juice. "Thank you mommy! You're the best!" 

"Asus, nambola pa itong anak ko!" Tita kissed Vivorie too, "nga pala, we'll get going na at ngayon ang trip namin to brazil, just call us if you need help, okay?" 

"Okay, and I won't call you. I can manage ut alone, bye! Take care you too." Aniya sa ina na bahagyang natigilan.

"Anak..." 

"It's okay, mommy. I'm a bit sulking but I'm trying to understand, that's why i don't want to have a child in the future para hindi niya maranasan 'yung ganito." Malawak ang ngiti ni Vivorie but her eye showed otherwise. Hindi na nagsalita si tita at hinalikan na lamang kami sa pisngi saka umalis. "Don't stare at me like that, Oly! I'm not mad at them, I understand that what they're doing is for my sake but don't they get that I need parents too? Duh! Kumain na lang tayo." 

"Kumain na lang tayo, gusto mo arcade tayo sa mall after this?" Pampalubag loob ko, agad namang nagliwanag ang mukha sa saya. "Ang sarap nito, ha!" Sambit ko at sunud-sunod ang lantak sa pancake, "isa pa nga, sarap, eh." Pinagtawanan pa niya ako nang kumagat ako ng kanya nang mabilaukan ay kinuha ko ang pineapple juice ngunit hindi pa man nakakalapat sa bibig ko ay kumaripas na ako ng takbo sa banyo at doon inilabas lahat ng kinain. 

"Gosh! Are you okay, Oly? What happened? Pangit ba lasa ng juice?" Sunud-sunod niyang tanong at sinalikop ang buhok ko. 

Hindi ko siya masagot dahil patuloy ang pagsusuka ko, hingal na hingal ako nang wala ng maisuka at nagmumog sa sink. 

"Anong petsa ngayon, Viv?" Marahan kong sagot at napalunok. 

"Twenty-eight, why?" aniya. 

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya, sa nanginginig na kamay ay binuksan ko ang gripo at naghilamos. Nagbabakasakaling magising. Three weeks akong delayed kung ganoon? Nade-delay naman ako pero three days to seven days lang! 

"Oh my gosh! Don't tell me you are pregnant with that son of a bitch Kasper?!" Paratang niya. 

Umiling ako. 

"Walang nangyari sa amin, Viv. Pero..." I bit my lower lip remembering what happened last two weeks. 

"My gosh! Don't tell me hindi ka nagjo-joke na you had a night with Prof. Monroe!" Nanlalaki ang mata niya, nanlaki rin ang mata ko sa gulat, akala ko ay hindi na niya iyon napansin kanina. 

"Hindi ako bingi," sagot niya sa binigay kong reaksyon. "My gosh! I though you had your period this month! 'Diba we're a week apart? May calendar ka pa nga sa phone mo, eh!" 

Tulala akong napatingin sa puting pader ng banyo, hindi alam kung anong dapat i-react. Matatakot ba na baka totoo o baka false alarm lang 'to. Maybe this time, whole month akong walang dalaw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status