Home / Romance / Carrying The Professor's Twins / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Carrying The Professor's Twins : Chapter 21 - Chapter 30

88 Chapters

CHAPTER 19

"HMMM… What does my baby momma want me to do to stop sulking? Huh?" Malambing niyang bulong sa aking tainga, ang init na nagmumula sa kanyang hininga ay nakapaninindig balahibo. "Hmm… talk to me please, what do you want?" Halos manginig ang aking tuhod nang kagatin niya ang balat ng aking tainga dahilan upang kumalat ang init sa aking buong katawan. Kahit nahihirapan ay umusog ako palayo sa kanya, tila natatakot na mapaso sa apoy na idinudulot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing ganito kaming kalapit sa isa't isa, kahit ayaw ko ay ang katawan ko na ang kusang gumagawa ng paraan. Tila'y wala na akong karapatan sa sarili ko. "M-matutulog na ako." Sinabi ko at dahan-dahang ipinatong ang tiyan sa isa pang unan. Kahit nahirapan ay pinilit ko, huwag lang manghingi ng tulong mula sa taong katabi. Ngunit hindi naman ako nagtagumpay kalaunan dahil siya na mismo ang bumangon at walang salitang inayos sa pagkakapatong ang aking tiyan sa malambot na unan saka bumalik sa aki
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 20

TULALA ako kinabukasan nang magising at wala ng ni anino ni Silas sa tabi ko. Marahan akong kumurap-kurap habang dinadama ang kanyang puwestong wala ng gusot, ibig sabihin lamang ay umalis na talaga siya. Sa ilang buwan pa lamang naming magkasama ay may napapansin na akong bagay sa kanya. Una na roon ang pagiging malinis niya sa kama. Bago pa man siya makalabas ng kuwarto ay kailangang hindi gusot ang sapin o ang comforter, ang unan ay nasa tamang lagyanan at hindi rin gusot. Una niyang ginagawa sa umaga ay magsipilyo bago maghilamos at saka pa bababa para ipagluto ako ng agahan at iaakyat dito. His reason? Ayaw niyang mapagod ako dahil mabigat na ang kambal. "Ang suwerte ng babaeng mamahalin mo siguro 'no?" Tanong ko habang inaabot ang kanyang unan saka iyon niyakap. Napapikit ako nang manuot sa aking ilong ang kanyang panlalaking amoy. "Kasi kahit madalas kang masungit, sweet ka pa rin at maalaga. Malinis din hindi lang sa labas na pangangatawan pati rin sa kuwarto, plus points iy
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 21

"I'M SORRY..." Aniya nang magmulat ng mga mata. "I didn't mean to—" he shook his head "I meant to call you by her name because I am seeing her in you..." Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi ngunit nakikitian ng kakaibang emosyon ang kanyang kulay asul na mga mata. Lungkot, pagkamiss, pananabik at matinding pagmamahal. Bumitaw siya mula sa hawak sa likod ng aking ulo at unti-unting humakbang paatras, hindi na makikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha. Lalong-lalo na ang kanyang mga mata. Madilim na ito ngayon. Umatras din ako at walang salitang tumungo sa rocking chair na gawa sa rattan na siyang nakaharap sa malawak na magandang tanawin, itinuon ko ang aking paningin sa karagatan. Ang daming mga salitang tumatakbo sa aking isipan, pagtatalo, pagsisisi at simpatya sa sarili. Daghan-dahan akong humugot ng hininga at tulalang nakatanaw sa kulay asul na dagat. Inaasahan ko bang magkukwento siya? Hindi. Istorya niya iyon, pinagdaanan niya iyon kaya wala akong karapatang magdemand
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 22

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mong iyan, Oly? It's just so sudden! May nangyari ba? Did he hurt you?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Vivorie pagkatapos kong sabihin ang plano ko, kakatapos lang naming kumain. Tumingin ako sa kaibigan, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba ang tungkol sa naging girlfriend ni Silas o hindi na lang. After all, kamag-anak niya iyon, baka iba ang pagkakaintindi niya o kaibigan niya ako, baka ano pang masabi niya kay Silas kung sakali. "Oo at hindi. Oo, siguradong-sigurado ako sa desisyon ko. Hindi, dahil hindi niya ako sinasaktan." Nakahawak ang aking isang palad habang naglalakad patungo sa aking damitan, magliligpit na dahil ngayong araw mismo kaming babyahe pabalik ng Bulakan. "Huwag ka na lang kasi maraming tanong, tulungan mo na lang ako! Kita mong buntis 'yung tao, tinititigan mo lang." Ngumuso ako. Lumapit naman siya ngunit bumatok muna ang walanghiya kong kaibigan. "Gaga! Paanong tumulong eh, biglaan itong desisyon mo!" Aniyang padabog na
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 23

"ANONG nangyari, sir? Bakit biglang umalis si ma'am? Akala ko ba ay hanggang sa makapanganak ay rito siya mamamalagi?" Yolanda asked as soon as I entered the house. Pagtataka ang gumuhit sa kanyang mukha, hindi ako nagsalita. "May problema ba kayo? Nag-away ba kayo?" Sunod niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na tumungo sa kusina. I gritted my teeth as I sat down on the dirty kitchen's chair and laid my back on the backseat followed with a very deep sigh. "Pagpasensyahan mo na sir ha, kung nakikiusyoso ako, kaya lang eh, talagang nakakataka lamang ang biglang mag-alsa balutan ang buntis na iyon gayong habang nandito iyon ay masayang-masaya siya! Parang palaging walang problema sa tuwing naglalakad sa dalampasigan o kaya naman kahit tuwing pinamamasdan lang ang mga punong sumasabay sa indayog ng malamig na hangin!" Umigting ang aking panga at mariin ang agkuyom ng kamao, hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot sa mga tanong ni Yolanda.
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 24

IT TOOK me weeks to think thoroughly about the choices that Yolanda suggested. At first, I don't think that I needed that but days go by and I can't figure things clearly on my mind, I decided to consider her said 'choices'. At sa ilang linggong iyon ay pakiramdam ko mababaliw na ako sa kaiisip at sa pangungulila ko sa mga anak ko. Iba pala ang pakiramdam na kasama ko sila, nakikitang nakangiti ang nanay nila at nararamdamang gumagalaw sila. Sa ilang linggong paghihiwalay naming ito dahil sa kagaguhan ko ay napakarami ko ng nakaligtaan sa buhay ng mga anak ko. Mas lalo yata akong masisiraan ng ulo dahil wala akong mapagtanungan. Vivorie isn't responding to my messages asking how they are doing and if she does, her replies will always be "stop pestering my friend! She's happy without you and we could raise the twins without your help!" Of course I understand her anger towards me but... Can't I just get an update for my babies? Tangina mo, Silas! Bobo ka? Noong nakaraang araw lang sin
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 25

"ANONG pinag-usapan ninyo?" Iyon agad ang bungad niya nang makapasok ako. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at mukhang kagagaling sa tawag. "Don't tell me you got back together?" She gave me a dagger look. Suminghap ako. "Grabe, ha! Ma-issue ka talaga kahit kailan! Bakit naman ako makikipagbalikan doon? Hindi pa naman ko nasisiraan ng bait para gawin ko 'yon!" Sagot ko, naiirita na. "Ganyan na ba ang tingin mo sa akin? Sobrang uto-uto? Oo, alam kong nagpa-uto ako sa pinsan mo pero natuto na ako. Alam ko na ang worth ko as a person, kung ayaw niya sa akin edi don't! Bubuhayin ko ang mga anak ko nang mag-isa." Malamig kong sinabi saka siya tinalikuran. Bakit? Sa akala ba niya ay habangbuhay akong magiging uto-uto? Hindi ako mabubuhay kapag walang lalaki? Tsk! "Oly! I'm sorry!" Hindi pa man ako tuluyang nakapapasok sa kwarto ko ay narinig ko na ang boses niya. "Hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin, eh! Ayaw ko lang na magkalapit kayo ng lalaking iyon kasi alam kong sina
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 26

AFTER knowing the person behind that strange neighbor that gives us flowers and fruits, I did not bother asking about him anymore. Ano naman kung siya ang nagpapadala? Wala namang kakaiba roon, siyempre anak niya ang dinadala ko kaya siguradong sa mga anak niya siya bumabawi. Ayaw ko ng umasa, tama si Vivorie, marupok nga ako. At ayaw ko na ng ganoon. Palagi na lang akong nabibigo Sia tuwing umaasa ako kaya hindi na, hindi na ulit. "Gosh, required ba talagang matulala habang umiinom ng gatas?" Nag-angat ako ng tingin sa nagsalitang si Vivorie, may dala siyang platito na may pancakes at sa isang kamay ay ang hot chocolate. "Balita ko, alam mo na ang secret admirer mo, ah!" Pang-uusisa niya kaagad. "Chismosa mo, ha." Umirap ako bago humigop ng gatas. "And yes, I already knew." Kaswal kong sinabi. "Weh, you are not affected? Promise?" She gave me a sidelook, I laughed. "Oo nga!" Nangingisi akong humigop muli ng gatas. "I told you that I won't be marupok again, 'diba? Of course I am
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 27

NAGING totoo nga siya sa kanyang mga salita. Pumupunta siya rito upang samahan ako dahil minsan walang tao sa bahay kasi may pinagkaka-abalahan ang mga tao, hindi ko alam kung ano iyon at hindi na rin ako nang-usisa pa. Nagulat ako dahil consecutive there days na siyang nandito, sinabi kong puwede lang siyang bumisita pero halos bawat oras naman siya pumaparito! Dala pa pati ang laptop at dito na rin nagtatrabaho! "Wala ka bang ibang ginagawa?" Pagkatapos mananghalian ay tinanong ko siya, nasa garden kami. May ginagawa siya sa laptop habang ako ay umiinom ng avocado shake na gawa niya. "Halos hindi ka na umuwi sa bahay mo, ah!" Puna ko. "Umuuwi naman ako." Aniya at tiningnan ako saglit. "Umuuwi ka nga pero wala pang biento minutos nandito ka na ulit!" Salubong ang kilay kong sinabi. "Wala kang buhay? Hindi ka nagtatrabaho? Hindi ka na nagtuturo?" Sunud-sunod kong tanong. Mataman niya akong tiningnan. Umirap ako."I am." Tipid niyang sagot. "I could work on my laptop, you don't hav
last updateLast Updated : 2023-01-11
Read more

CHAPTER 28

NOONG una ay akala ko sobrang mahihirapan akong magsimula kami sa pagiging magkaibigan ng tatay ng mga anak ko. Madaling sabihin ngunit ang totoo ay mahihirapan ka ngang tunay, ngunit iyon ang aking buong akala. Akala ko awkward araw-araw but it turns out that he has this funny side as well. Yes, funny. Walang sandaling hindi kami tumatawa sa tuwing magkasama, kahit na hindi namin alam ang pinagtatawanan namin basta kapag nagtagpo na ang mga mata namin, ay basta na lamang bumunghalit ng tawa. Sa kasalukuyan ay ang utot ko ang kanyang pinagtatawanan. "Tumigil ka nga katatawa mo riyan!" Saway ko, pilit na pinipigilan ang tawa. "Ikaw kaya magbuntis! Tingnan ko lang kung may kontrol ka sa utot at ihi mo!" Nanlilisik ang mata kong sinabi sa kanya. It was already 6:30 in the morning. Maaga kaming nagising pareho para maglakad-lakad sa subdivision. Kailangan ko ng mas mag-exercise dahil ilang araw na lang mula ngayon ay masisilayan na ng mundo ang kambal namin. Nakakakaba ngunit nangingib
last updateLast Updated : 2023-01-14
Read more
PREV
123456
...
9
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status