[RANN] "Ayan, okay ka na?" nakangiti kong tanong saka ko hinalikan si Cerbe sa pisngi. Lalo namang inilapit ni Cerbe ang mukha niya sa akin, animo'y humihingi pa ng isa pang halik kaya ginawa ko. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang mabuhok na leeg. Ang ganda ng kaniyang kulay, matingkad ito kapag nasisinagan ng araw, mahahaba rin ito at malambot sa kamay. Niyakap ko siyang muli, buti na lang talaga at tanggap ako ni Cerbe dito sa mansion. "Kung iisipin mo Cerbe, unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa akin rito nina Tanya at Sebastian hindi ba?" tanong ko kay Cerbe, umungol lang siya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko at sinimulan akong dilaan roon. Natawa naman ako sa ginagawa niya. "Ibig kong sabihin, sila Mirai at Gael ay mabilis akong natanggap. Mababait sila sa akin, ikaw rin. Maamo ka sa akin kahit na isang beses pa lang tayong nag
Read more