Home / Romance / Lucifer's Downfall / Kabanata 41 - Kabanata 44

Lahat ng Kabanata ng Lucifer's Downfall: Kabanata 41 - Kabanata 44

44 Kabanata

CHAPTER 40

[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
Magbasa pa

CHAPTER 41

[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
Magbasa pa

CHAPTER 42

[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
Magbasa pa

CHAPTER 43

[RANN] Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.  “Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.” Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status