[RANN] "Welcome back, master Damon, ma'am Rann," nakangiting bati sa amin nina Tanya, Sebastian, Gael at Mirai nang makarating kami ng mansion. Ngumiti ako sa kanila at agad namang lumapit sa akin sina Gael at Mirai para tulungan ako sa mga pinamili kong pagkain. Agad kaming natungo sa kusina para ihanda ang mga pinamili ko at para na rin makipag kwentuhan sa dalawang ito. Hindi man mahalaga na malaman nila ay inaamin ko pa ring sobrang na miss ko ang dalawang ito. "Rann, anong ginagawa mo? Hayaan mo na si Mirai na gumawa niyan at magpahinga ka na lang sa kwarto. Alam kong pagod ka sa naging biyahe," sambit ni Damon at saka ako niyakap mula sa likod ko at saka hinalikan ang batok ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya at kabadong nilingon sina Mirai at Gael na pawang nakatingin lang sa amin na may gulat na ekspresyon. Pareho silang
Magbasa pa