[DAMON]
"This isn't enough," saad ko habang nakatitig sa bangkay ng isang batang kamamatay lang dahil sa sakit na cancer. Masyadong puro ang kanyang kaluluwa, masyadong maliwanag. Walang ni isang bahid ng kadiliman ang mahihinuha ko mula sa kanyang kaluluwa. Ikatlong kaluluwa na ito ngunit halos hindi ko pa rin maramdamang humuhupa ang gutom ko. Inis kong binalingan ng tingin si Spyru na kaswal lang na nakasandal sa may pinto ng silid.
"Hindi ka pa rin ba kumakalma?" tanong niya habang nakapamulsa pa ring naka titig sa batang nakahimlay na lang ngayon sa hospital bed nito. Umiling ako at mariing ipinikit ang aking mga mata. Bumuntong hininga muna si Spyru bago ako iginiya palabas ng silid. Nang makalayo kami ng kaunti ay doon ko lang pinitik ang daliri ko at muling nagpatuloy ang kamay ng orasan para sa lahat ng mortal sa paligid namin. Dinig
[RANN] Nang sabihin niyang "spend the whole day with me tomorrow" ay date kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil masosolo ko na naman ang asawa ko. Malawak ang ngiti kong pinanood ang tanawin sa bintana ng kotse habang ang asawa ko naman ay nakangiti rin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Kasalukuyan kaming bumibiyahe pabalik ng probinsiya dahil sabi ni Damon ay gusto niya munang magpahinga kahit na sandali doon. Napangiwi na nga lang ako dahil alam kong gusto niya lang layasan si Spyru na walang ibang ginawa kundi ipilit sa kanya ang mga trabaho niya at si Nathan na walang ibang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya. Saglit akong natigilan nang maalala ko na naman si Nathan at iyong pinag-usapan namin na sasamahan ko siya sa isang pagsasalo ngayong araw. Umiling na lang ako, mas mahalaga ang masolo ko ang asawa ko ngayon dahil matagal tagal na rin simula nang ituon lang sa akin ni Damon ang kaniyang atensyon. Mabilis lang naman ang
[RANN]"Welcome back, master Damon, ma'am Rann," nakangiting bati sa amin nina Tanya, Sebastian, Gael at Mirai nang makarating kami ng mansion. Ngumiti ako sa kanila at agad namang lumapit sa akin sina Gael at Mirai para tulungan ako sa mga pinamili kong pagkain. Agad kaming natungo sa kusina para ihanda ang mga pinamili ko at para na rin makipag kwentuhan sa dalawang ito. Hindi man mahalaga na malaman nila ay inaamin ko pa ring sobrang na miss ko ang dalawang ito."Rann, anong ginagawa mo? Hayaan mo na si Mirai na gumawa niyan at magpahinga ka na lang sa kwarto. Alam kong pagod ka sa naging biyahe," sambit ni Damon at saka ako niyakap mula sa likod ko at saka hinalikan ang batok ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya at kabadong nilingon sina Mirai at Gael na pawang nakatingin lang sa amin na may gulat na ekspresyon. Pareho silang
[DAMON]"Hmmm," mahinang ungol ni Rann habang nakayakap pa rin sa beywang ko. Matapos ang naging kaganapan namin kanina ay siniguro kong dadaloy nang maayos ang mahika ko sa buong sistema niya at napangiti ako nang makita kong nagliliwanag ang singsing na ibinigay ko sa kaniya bilang wedding ring. Mahina kong pinisip ang braso niya at halos mamangha ako dahil sa lambot nito. Hindi siya maikukumpara sa mga braso ng ibang pangkaraniwang mortal na nagbebenta ng aliw sa mga kapwa nila mortal."Give me what I want, Rann. You're the only one who can grant my wish," bulong ko sa tenga niya at saka siya hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang siya sa kanyang pag tulog at mas lalong isiniksik ang kanyang katawan sa bisig ko. Hindi ko namalayan napapangiti na pala ako sa naging postura niya. Hahalikan ko pa sana muli ang kanyang pisngi nang marinig ko ang bos
[RANN]"N-nangyari na…" Agad akong nagtago sa ilalim ng kumot namin nang maalala ko ang mga naging kaganapan kagabi. Ang bawat kilos niya, bawat haplos at halik niya. Lahat iyon ay dama ko pa rin hanggang ngayon sa buong katawan ko. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at ibinaon ang mukha ko rito saka ako tumili. Alam kong hindi madidinig ng kahit na sino ang naging tili ko dahil sa unan pero agad ko ring inihinto ang ginagawa ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.Matapos naming parehong maabot ang limitasyon namin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Hindi man niya sabihin ay alam kong inasikaso niya rin ako matapos ang naging aktibidad namin na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako dahan-dahang lumabas mula sa pagtatago ko sa ilalim ng kumot. Dahan-dahan akong umupo sa kama, dama ko ang
[RANN]"Madaya ka naman, ni hindi ka man lang nagsabi na hindi ka pala sisipot, nagmukha tuloy akong tanga doon sa event," nakangusong sambit ni Nathan habang umiinom ng milk tea niya. Nasa isang café kami ngayon at hinahayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob niya sa akin ngayon dahil nga hindi ko siya sinipot noong inimbitahan niya akong dumalo sa isang event. Napangiwi na lang ako at sumandal na glass wall ng café at walang ganang pinaglaruan ang straw ng inumin ko."Kaya nga tayo nandito ngayon hindi ba? Bumabawi na nga lang ako sa iyo andami mo pa ring reklamo," irap ko sa kanya pero lalo lang siyang ngumuso. "Malamang! Excited pa naman akong ipakilala ka sa mga kaibigan ko tapos malalaman ko na lang na you ditched me. That's a nasty move you know," pagmamaktol niya. Huminga muna ako ng malalim. Kababalik lang namin ni
[RANN]"So? What happened to that loser's face?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Spyru habang matamang tinitignan si Nathan na naglalakad na palayo sa amin. Bahagya kong nakagat ang labi ko nang maalala ko ang ginawa ko kanina sa café. Hindi ko naman kasi talaga inaasahang mapapalakas ang pagkakasuntok ko sa mata niya, ayun tuloy at namamaga na."Ah, may inaasar kasi siyang bata kanina sa labas. Nainis ata yung bata, ayun at binato siya. Sapul sa mukha," palusot ko na lang. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ako ang may gawa nun kay Nathan at baka lalo akong masermunan ni Spyru. Mataman niya rin muna akong tinitigan bago siya bumuntong hininga. "Whatever," sambit niya at saka muling pumasok sa loob ng unit. Tahimik lang naman akong sumunod sa kaniya at saka nag palinga linga pa sa paligid. Mukhang siya lang ang nandito sa bahay ngay
[RANN]Isang linggo ring hindi nagpakita si Spyru pagkatapos ng araw na iyon. Wala rin siyang naging paramdam sa aming dalawa ni Damon, hindi rin naman nagsasalita si Damon tungkol sa nangyari kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapa-isip sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ng kakambal ng asawa ko."Tulala ka na naman. Anong meron?" Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko na naman ang boses ng dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Spyru sa bahay. Masama ko siyang tinignan at inis na sinaksak ng stick yung fishball na nasa kawali ng manong na nakita naming nagtitinda ng fishball sa labas ng condominium building dahilan para may mga ilang patak ng mantika ang tumalsik mula sa kawali. Parehas tuloy na gulat na napatingin sa akin yung tindero at etong hudas na katabi ko.
[RANN] Hindi maalis sa isip ko ang kabaliwang sinabi ni Nathan. Pilit kong iniisip kung may posibilidad ngang may gusto sa akin ang kakambal ng asawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga irap niya, pasaring at tono ng pananalita niya sa tuwing magkaharap kami ay kinikilabutan ako. Mariin akong pumikit at umiling iling pa. "You look like a piece of sh*t. What happened?" Lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang boses ng bwiset na kanina lang ay iniisip ko. Masama ko siyang tinignan at saka tinanggap ang inaalok niya sa aking kape. "I know I did something, but you don't have to glare at me okay? Isang linggo lang akong nawala sobra mo naman ata akong na miss?" Ngumisi siya matapos niyang sabihin iyon at saka prenteng umupo sa sofa na kaharap ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng office ni Damon at hinihintay siyang matapos sa meeting niya. "Oh come on, I've already apologized." Humigop siya sa sarili niyang tasa at saka muling nag-angat ng tingin sa direksyon ko. Pinaningk