[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
Dilim....Ang lahat ay nababalot ng dilim. Mula sa langit na tila ba'y isang entablado kung saan sumasayaw ang kidlat na sinasabayan ng kulog, sa lupa kung saan dama ng kaniyang h***d na mga paa ang mumunting tinik at mga sangang kaniyang naaapakan hanggang sa kapaligirang animo'y nilalamon ang kaniyang kabuuan. Pagod....Dama na niya ang matinding pagod na gumagapang mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang paa. Mistulang nagiging pabigat ito upang hindi na siya magpatuloy pa sa pag takbo.Takot...Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay, takot ang namutawi sa kaniyang kabuuan habang sinisikap na makalayo sa bingit ng kamatayan.Patuloy lang siya sa pagtakbo, hindi na iniinda ang mga matutulis na bagay na kaniyang natatapakan, tanging ang maka-alis lang sa lugar na iyon ang nasa isip niya."Hindi ako mamamatay dito…hindi," mariing anas niya habang pinipilit na hanapin
[RANN]"Sign this paper and you'll be legalized as Rann Donovan." Napatitig nalang ako sa papel na nakalahad sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan nang madinig kong nagsalita ang lalaking nasa harap ko habang nakaturo sa papel na nakalahad sa mesang namamagitan sa aming dalawa.Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa papel nang madinig ko nanamang magsalita siya."What's wrong?" Tanong niya, doon lang ako nagtaas ng tingin sa kaniyang mukha. Halatado ang iritasyon sa mukha niya at pagka-inip. Lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa iritasyong nakaukit sa mukha niya kundi sa unang sinabi niya. Ang tanging salitang naintindihan ko lang mula sa kaniya ay ang pangalan ko at ang salitang "Donovan" na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang apelyido.