[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
Dilim....Ang lahat ay nababalot ng dilim. Mula sa langit na tila ba'y isang entablado kung saan sumasayaw ang kidlat na sinasabayan ng kulog, sa lupa kung saan dama ng kaniyang h***d na mga paa ang mumunting tinik at mga sangang kaniyang naaapakan hanggang sa kapaligirang animo'y nilalamon ang kaniyang kabuuan. Pagod....Dama na niya ang matinding pagod na gumagapang mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang paa. Mistulang nagiging pabigat ito upang hindi na siya magpatuloy pa sa pag takbo.Takot...Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay, takot ang namutawi sa kaniyang kabuuan habang sinisikap na makalayo sa bingit ng kamatayan.Patuloy lang siya sa pagtakbo, hindi na iniinda ang mga matutulis na bagay na kaniyang natatapakan, tanging ang maka-alis lang sa lugar na iyon ang nasa isip niya."Hindi ako mamamatay dito…hindi," mariing anas niya habang pinipilit na hanapin
[RANN]"Sign this paper and you'll be legalized as Rann Donovan." Napatitig nalang ako sa papel na nakalahad sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan nang madinig kong nagsalita ang lalaking nasa harap ko habang nakaturo sa papel na nakalahad sa mesang namamagitan sa aming dalawa.Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa papel nang madinig ko nanamang magsalita siya."What's wrong?" Tanong niya, doon lang ako nagtaas ng tingin sa kaniyang mukha. Halatado ang iritasyon sa mukha niya at pagka-inip. Lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa iritasyong nakaukit sa mukha niya kundi sa unang sinabi niya. Ang tanging salitang naintindihan ko lang mula sa kaniya ay ang pangalan ko at ang salitang "Donovan" na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang apelyido.
[RANN]"CERBE! WAG MONG HABULIN ANG MGA MANOK! GUSTO MO BANG TULUYAN KA NANG KATAYIN NI SEBASTIAN!?" Nakatitig lang ako sa kisame ng silid kung saan ako dapat na matulog ngayon. Malawak ang kama, malambot at komportableng higaan. Sino man ang mahiga rito ay tiyak na magiging masarap ang tulog na makukuha dahil sa kakaibang lambot ng kama."Ibang-iba sa papag na higaan ko noon sa kubo ni tatang," bulong ko sa isip ko at saka kinapa ang espasyo sa tabi ko. Dama ko pa ang natitirang init nito, patunay na mayroon pang natulog dito maliban sa akin kagabi. "Ibang-iba rin ito sa dati kong kama sa casa." Napabuntong hininga nalang ako at agad nang bumangon mula sa kama, inayos ko muna ang roba na ibinigay sa akin ni Da
[RANN]Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin.Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko.Tahimik ko lang
[RANN]"At ayan." Pinunasan ko ang pawis na namuo sa leeg at noo ko gamit ang apron na pinahiram sa akin ni Sebastian matapos kong ihain sa mesa ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin. Sinilip ko ang reaksyon ni Sebastian na kanina pa pinapanood ang bawat kilos ko. Nakatitig lang siya sa mesa, sa pagkaing inihain ko habang nakapamewang pa."Ayos na ba? Mukha na bang karapat-dapat na kainin?" tanong ko habang pinapanood ang expresyon sa mukha niya. Naningkit ng bahagya ang kaniyang mga mata at saka tumango tango na para bang may naisip na hindi ko mawari kung ano."This is the first time na may naghanda ng almusal for Master, " anas niya at saka ako nilingon. "Well, let's just hope na kainin niya nga ang inihanda mo." Nakangisi na siya habang sin
[SPYRU]"Damon! Tignan mo! Naisulat ko na ng buo ang mga pangalan ng mga tao dito sa mansion!" Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilag ko nang marinig ko ang boses ng aking hipag habang tuwang-tuwa na ipinapakita kay Damon ang papel na sinulatan niya ng mga pangalan naming lahat na naririto sa mansion. Inayos naman ni Damon ang salamin niya at saka tinignan ang papel. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa papel na binigay ng kaniyang asawa."Heh? Not bad. Maayos rin ang hand writing mo," sambit ng kapatid ko at saka binigyan ang asawa niya ng head pat. Awtomatikong gumulong ang mga mata ko sa senaryong nakikita ko sa h