[RANN]
"CERBE! WAG MONG HABULIN ANG MGA MANOK! GUSTO MO BANG TULUYAN KA NANG KATAYIN NI SEBASTIAN!?" Nakatitig lang ako sa kisame ng silid kung saan ako dapat na matulog ngayon. Malawak ang kama, malambot at komportableng higaan. Sino man ang mahiga rito ay tiyak na magiging masarap ang tulog na makukuha dahil sa kakaibang lambot ng kama.
"Ibang-iba sa papag na higaan ko noon sa kubo ni tatang," bulong ko sa isip ko at saka kinapa ang espasyo sa tabi ko. Dama ko pa ang natitirang init nito, patunay na mayroon pang natulog dito maliban sa akin kagabi. "Ibang-iba rin ito sa dati kong kama sa casa." Napabuntong hininga nalang ako at agad nang bumangon mula sa kama, inayos ko muna ang roba na ibinigay sa akin ni Damon kagabi at saka sumilip ng saglit sa malaking bintana sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Kita ko mula sa baba ang isang malaking itim na aso na ayon kay Damon ay bantay na aso ng mansion na ito. Hinahabol niya ang mga manok at ang isang tauhan naman nila, Gamaliel ata ang pangalan ay sinasaway ang aso sa ginagawa nito.
Nasa ikatlong palapag kami ng mansion ngunit dinig hanggang sa kinatatayuan ko ang sigaw ni Gamaliel at ang kahol ni Cerbe.
"Ma'am Rann? Gising na po ba kayo?" Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng mahihing katok mula sa labas. Boses ng babae, mukang si Mirai iyon. Agad akong nagtungo sa pinto upang pag buksan siya. Ngumiti naman siya at saka yumuko sa akin.
"Mag-ayos na po kayo ma'am at sabi ni miss Tanya ay tuturuan niya raw kayo na--"
"Hindi mo naman kailangang yumuko sa akin o kaya gumalang, mukhang magkasing edad lang naman tayo eh. Saka "Rann" na lang ang itawag mo sa akin. Hindi ako sanay na ginagalang ako eh." Kita ko ang pag ngiwi ni Mirai kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hindi ba pwede iyon?" Tanong ko at saka siya tinignan nang maigi. Alanganin siyang ngumiti at saka muling yumuko.
"Asawa ka na ngayon ng master ng mansion na ito, ma'am Rann. Ibig sabihin, bukod sa priority namin na si Master Damon, ikaw ang susunod na pinaka mahalaga sa mansion na ito," saad niya at saka ako iginiya patungo sa harap ng salamin at saka niya sinuklayan ang buhok ko.
"A-ako na, kaya ko namang ayusin sarili ko. Ayusin mo na lang ang iba mo pang kailangang gawin dito," nakangiting sambit ko saka ko kinuha ang suklay sa kaniya at itinuloy ang pagsusuklay sa buhok ko. Ngumiti naman siya saka yumukong muli sa akin.
"Bumaba na raw po kayo mamaya pagka tapos niyong ayusin ang sarili ninyo sabi ni miss Tanya. Bilin daw kasi ni master Damon na ituro sa iyo lahat ng dapat mong matutunan sa loob ng mansion." Ngumiti na lang ako at saka nagpa salamat sa kaniya.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na rin ako ng silid. Hindi ko maiwasang mapa isip kung bakit halos iilan lang ang tao sa loob ng napaka garbong mansion na ito. Apat na tauhan at isang master ng mansion. Kung idadagdag ko ang sarili ko bilang panibagong miyembro ng pamilya, anim lang kaming tao rito ngunit napaka raming silid at ang lawak lawak ng pasilyo nila.
"Iba talaga siguro kapag mayaman ka." Masarap sigurong mamuhay sa ganito kung marami ka lang makakasalamuha at perang hinahawakan. Hindi ko nanaman maiwasang mapabuntong hininga nang makarating ako sa kusina ng mansion. Nadatnan ko roon na nagluluto na ng kanilang almusal ang kusinero nilang si Sebastian.
"Magandang umaga," bati ko sa kaniya, lumingon naman siya ng bahagya sa akin at saka tumango lang. "Kanina ka pa hinihintay ni Tanya sa hardin. Bakit dito ka dumiretso?" Tanong niya na dahilan para mapa ngiwi ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil alam kong wala akong karapatang magreklamo ukol sa pakikitungo ng ibang tauhan dito dahil wala naman kaming malinaw na dahilan ni Damon para mag-anunsiyo ng pagiging mag-asawa namin ng biglaan maliban sa aming personal na rason at kasunduan.
"A-ano kasi, nais ko sanang gawan ng almusal si Damon? Gawain iyon ng pagiging asawa ko sa kaniya hindi ba?" Bahagyang natigil sa ginagawa niya si Sebastian at saka ibinaba ang sandok na hawak niya. Hindi siya lumilingon sa akin ngunit alam kong hindi magandang ideya na buksan ang bibig ko ilang segundo ang nakakaraan. Dinig ko ang malakas na pag buntong hininga niya at saka muling pinulot ang sandok na hawak niya at ipinag patuloy ang kaniyang ginagawa.
"Wala si master Damon ngayon. Maaga siyang umalis para magtungo sa kakahuyan." Malamig ang tono niya. Hindi na lang ako umimik kahit na nangangati ang mga labi kong tanungin kung bakit siya naroon. Ayaw ko nang dagdagan pa ang bigat ng kapaligiran ko dahil sa maaring maling salita na lalabas sa bibig ko.
"Gawain niya iyon tuwing umaga habang nasa bakasyon pa lang siya. Tinuturing niyang ehersisyo ang pangangaso sa loob ng kakahuyan dahil maraming mga ligaw na hayop ang gumagala dito sa bundok na ito. Huwag kang mag-alala, legal ang ginagawa niya dahil pag mamay-ari niya ang buong bundok na ito." Napalingon ako sa kinaroroonan niya nang magsalita siyang muli. Mukhang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "Mamayang tanghali pa ang dating niya, kung nais mong gawan siya ng pabor bilang asawa niya, maari kitang tulungang handaan siya ng tanghalian mamaya. After all, asawa ka naman na niya, hindi ba?" Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may hindi tama sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako at saka lumabas ng kusina at nag tungo sa hardin sa likod ng mansion.
"You're late. I sent Mirai to call you this morning and yet--"
"A-ano…pwedeng managalog ka na lang? Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi mo." Tintigan niya lang ako ng ilang segundo saka umirap. Hindi man lang niya itinago ang irap niya. Talagang pinakita niya sa akin ito. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa ipinakita niyang pakikitungo sa akin.
"Kalma, Rann. May kasunduan kayo ni Damon. Kumalma ka kung gusto mong manatili sa mansion na ito" pinipilit kong paalalahanan ang sarili ko dahil alam kong ano mang oras ay sasabog ako sa inis dahil sa hindi magandang pakikitungo sa akin ng babaeng kaharap ko ngayon. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi pwede. Dayuhan lang ako sa lugar na ito at alam kong nabigla lang din sila na isang araw ay mag-asawa na pala kami ng master nila.
"Figured." Naglakad siya paikot sa pwesto ko at saka inayos ang salamin niya. "Nabanggit nga sa akin ni master Damon ang issue na yan. Kaya pinakiusapan niya akong turuan ka ng mga bagay-bagay. Kasama na ang edukasyon mo, maari mo iyong magamit sa hinaharap. Pero…," huminto siya sa harap ko at saka ako tinitigang muli, naniningkit ang mga matang dinuro ako gamit ang kaniyang hintuturo. "Ayusin mo ang sarili mo, susundin mo ang sasabihin ko. Maaring asawa ka na ng master namin ngayon, pero hanggat hindi mo napapatunayan ang sarili mo sa amin, lalo na sa akin, hinding hindi kita matatangap bilang asawa ni master Damon," animo'y may kamandag ang bawat salitang binibitiwan niya. Nang lumayo siya sa akin ay saka siya ngumiti at tinapik ang balikat ko.
"Dito niyo ba balak gawin ang first lesson ng asawa ko? Tanya?" Napalingon kaming pareho ni Tanya nang marinig naming may nagsalita galing sa likuran ko.
Suot ang itim na t-shirt at saka itim na pantalon, naglakad papalapit sa amin si Damon na may dalang malaking ibon sa kanang kamay niya habang ang kaliwang kamay niya naman ay may hawak na malaking baril. Kita pa ang tunutulong dugo mula sa kawawang ibon na hawak niya. Huminto siya nang mga ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Dito sana, kaso maaga ka namang dumating so baka bukas na lang," walang ganang sambit ni Tanya saka nag-inat inat pa ng kaniyang mga braso. Tinaasan naman siya ng kaliwang kilay ni Damon at saka tumingin sa akin. "Pwede niyo namang ituloy dito ngayon ah? Huwag mong sabihing tinatamad ka nanaman Tanya," may pagbabanta niyang saad ngunit parang wala lang ito kay Tanya.
"Darating ngayong araw si master Spyru. Kailangang ayusin ang buong mansion dahil ayaw naming masermunan nanaman ng kapatid mo, makapag hihintay naman ang pag aaral niya eh." Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa loob ng mansion bago siya humintong muli at saka walang emosyong tinignan si Damon sa likod ko. "Ang aga mo namang makabalik ngayon? Wala ka bang mahuli?" Nagtatakang tanong niya. Ngumisi lang si Damon at saka biglang inihagis kay Tanya ang hawak niyang patay na ibon. Halos mapatili ako nang bigla may tumalsik pang dugo sa braso ko dahil sa ginawa niya.
***
"Pamilyar ka na ba sa mansion?" Nakangiting tanong niya nang makalabas siya sa banyo ng kwarto namin. Agad akong nag-iwas ng tingin at nang makita kong tanging ang baywang niya lang ang natatakpan ng tuwalya niya. "O-oo. Malawak ang mansiom at marami nga lang pasikot-sikot. Pero kaya ko namang maging p-pamilyar sa lugar." Hindi ko maiwasang kabaan dahil mag kasama kami sa iisang silid.
Nadinig ko namang bahagya siyang natawa, hindi ko na lang sana iyon papansinin nang bigla nalang umikot ang paligid ko hanggang sa maramdaman kong dama ko na sa likuran ko ang malambot na kama at ang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko. Agad akong napapikit dahil pakiramdam ko ay hindi parin siya nag susuot ng kahit na anong damit sa pang-itaas. Dama ko ang paghinga niya malapit sa leeg ko pero hindi ko pa rin magawang buksan ang mga mata ko dahil sa sobrang kaba.
"Kasama ba ito sa usapan?," mahinang tanong ko sa isip ko. Dama ko pa ang pagpatak ng nga gabutil na tubig mula sa basa pa rin niyang buhok. "D-Damon…" Mahinang pag tawag ko sa pangalan niya. Dama ko ang pag hinto niya sa kung ano man ang binabalak niyang gawin. Agad siyang tumayo sa kama, iminulat ko na ang mga mata ko at kita kong nagsusuot na siya ng damit niya.
Nang makapag bihis na siya ay malamig niya akong tinignan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Rann?," malamig na tanong niya habang nakahalikpkip na nakasandal sa pinto ng silid namin. Yumuko na lang ako at mahinang minura ang sarili ko.
Bumuntong hininga na lang siya at saka binuksan ang pinto. Bago pa man siya makalabas ay huminto siya at saka ako tinignan ng matalim. "Tandaan mo ang kasunduan, Rann," halos magdugo na ang labi ko dahil sa sobrang diin ng pagkaka kagat ko rito.
"Ano nga bang iniisip mo Rann? Wala kang karapatang tumanggi, nasa kasunduan iyon"
Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko bago ako nag desisyong lumabas ng silid at harapin nanaman ang kung sino mang dapat kong harapin sa ibaba.
"Oya? Hindi mo naman sinabing may panibagong miyembro ang pamilya natin, Damon" napatingin ako sa nag salita nang makababa ako sa hagdan. Hindi gaanong malalim ang boses niya ngunit hindi rin mashadong mababaw, sakto lang pero iyon yung boses na hinahanap at gustong gusto ng mga taga casa kapag may mga costumer na nagpupunta noon.
Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "I'm Spyru Donovan, pleasure to meet you, miss…?" Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero alam kong hindi siya iba kay Damon, bukod kasi sa pananamit niya ay iba rin ang pananalita niya.
"Ingles nanaman, bwiset na yan"
"She's Rann, Rann Donovan." Pakilala sa akin ni Damon at saka siya lumapit sa amin. Inakbayan niya ako at saka ipinakita ang mga kamay naming may magkaparehong singsing. "Rann, ito si Spyru, kapatid ko. Spyru, this is Rann." Pagpapakilala niya sa aming dalawang ng kapatid niya.
"Another Donovan huh. She's your what?," tanong ni Spyru. Ito ang mga panahong nais kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisipang mag aral ng kahit na ano.
"She's your sister-in-law." Iginiya ni Damon ang kamay kong may singsing namin at saka niya hinalikan ito. "My wife." Agad namang ngumisi ng makahulugan si Spyru at saka ako pinasadahan ng tingin.
"Hmm, interesting."
[RANN]Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin.Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko.Tahimik ko lang
[RANN]"At ayan." Pinunasan ko ang pawis na namuo sa leeg at noo ko gamit ang apron na pinahiram sa akin ni Sebastian matapos kong ihain sa mesa ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin. Sinilip ko ang reaksyon ni Sebastian na kanina pa pinapanood ang bawat kilos ko. Nakatitig lang siya sa mesa, sa pagkaing inihain ko habang nakapamewang pa."Ayos na ba? Mukha na bang karapat-dapat na kainin?" tanong ko habang pinapanood ang expresyon sa mukha niya. Naningkit ng bahagya ang kaniyang mga mata at saka tumango tango na para bang may naisip na hindi ko mawari kung ano."This is the first time na may naghanda ng almusal for Master, " anas niya at saka ako nilingon. "Well, let's just hope na kainin niya nga ang inihanda mo." Nakangisi na siya habang sin
[SPYRU]"Damon! Tignan mo! Naisulat ko na ng buo ang mga pangalan ng mga tao dito sa mansion!" Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilag ko nang marinig ko ang boses ng aking hipag habang tuwang-tuwa na ipinapakita kay Damon ang papel na sinulatan niya ng mga pangalan naming lahat na naririto sa mansion. Inayos naman ni Damon ang salamin niya at saka tinignan ang papel. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa papel na binigay ng kaniyang asawa."Heh? Not bad. Maayos rin ang hand writing mo," sambit ng kapatid ko at saka binigyan ang asawa niya ng head pat. Awtomatikong gumulong ang mga mata ko sa senaryong nakikita ko sa h
[RANN]"Inilabas na ang picture ng limang taong di umano ay nawawala matapos huling makita sa ibaba ng bundok ng sitio Las Flores. Hinihinalang ang mga ito ay illegal hikers at--""Rann." Nilingon ko ang boses ng tumawag sa akin at nakita kong nakatayo si Damon sa likuran ko habang dala ang mga pinamili naming mga "stocks" daw para sa mansion. Hindi naman dapat kami ang mamimili nito pero si Damon na mismo ang nag-ayang kami ang bumili kaya sumunod na lang ako.Ayos lang sana kung kami lang eh, kaso may damuhong nagpupumilit na sumama. "Now now, stop glaring at me like you're going to eat me alive, I know I'm a complete snack but you're not my type so pass." Nakangising sambit nitong si Spyru habang umaarte lang pinapaalis ako gamit ang kamay niya. Aba, awtomatikong gumulong ang
[RANN]"Ayan, okay ka na?" nakangiti kong tanong saka ko hinalikan si Cerbe sa pisngi. Lalo namang inilapit ni Cerbe ang mukha niya sa akin, animo'y humihingi pa ng isa pang halik kaya ginawa ko. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang mabuhok na leeg. Ang ganda ng kaniyang kulay, matingkad ito kapag nasisinagan ng araw, mahahaba rin ito at malambot sa kamay. Niyakap ko siyang muli, buti na lang talaga at tanggap ako ni Cerbe dito sa mansion. "Kung iisipin mo Cerbe, unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa akin rito nina Tanya at Sebastian hindi ba?" tanong ko kay Cerbe, umungol lang siya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko at sinimulan akong dilaan roon. Natawa naman ako sa ginagawa niya."Ibig kong sabihin, sila Mirai at Gael ay mabilis akong natanggap. Mababait sila sa akin, ikaw rin. Maamo ka sa akin kahit na isang beses pa lang tayong nag
[RANN] "You guys sure took your time eh?" Kusang gumulong ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Spyru nang makapasok kami sa bahay nila dito sa Maynila. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na sinundan si Damon nang maglakad siya papasok at naupo sa isang malaking sofa. "Hey! Don't just ignore me!" singhal ni Spyru sa aming dalawa habang nakapamewang pa. Umirap lang si Damon at saka bumuntong hininga. "Not now bro. I'm dead tired, " mahina at walamg buhay na sagot ni Damon. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Spyru saka humalukipkip sa harapan namin. Maski ako ay walang lakas na makupag argumento sa kaniya dahil sa haba ng naging biyahe namin. Gabi na rin kasi nang makarating kami ng Maynila at isama mo pa ang nakakairitang traffic sa daan papunta sa address nina Damon. Nagpatuloy lang sa panenermon sa amin ni Spyru, palibhasa ay nauna siyang bumalik rito kesa sa amin ni Damon kaya ganun na lamg kalakas ang loob niyang sermunan kami. Bumuntong hininga naman si Damon
[RANN] "Oya? Rann, anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ni Spyru nang nakasalubong namin siya sa lobby ng kumpanya nila ni Damon. Mahigpit ang hawak ko sa bag na lalagyan ng lunchbox ni Damon nang malipat doon ang tingin ni Spyru. "Ahm, hahatiran ko lang sana ng tanghalian si Damon?" patanong kong sagot, tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay at saka tumingin sa likod ko kung nasaan si Yohan na sumusipol sipol pa habang umiiwas ng tingin kay Spyru. "Nasa meeting pa lang si Damon, pwede mo siyang hintayin na lang sa loob ng opisina niya," saad ni Spyru saka sumenyas kay Yohan. Agad namang tumalima si Yohan at inaya na ako sa elevator papuntang opisina ni Damon pero bago pa man ako sumunod kay Yohan ay nilingon ko ulit si Spyru saka inabot sa kaniya ang isang mas maliit na lunch box. "Oh ayan, para hindi ka mainggit. Ginawan na rin kita," sambit ko saka ako nagmamadaling umalis. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya dahil alam kong puro lang naman kabulastu
[RANN]Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa kotse kahapon. Halos di ko tuloy matignan ng diretso si Damon simula nang makauwi kami galing sa arcade. Hindi ko ring maiwasang damhin ang labi ko dahil pakiramdam ko ay naroon pa rin ang pakiramdam ng labi ni Damon. Muli ko na namang nakagat ang pang-ibabang labi ko at niyakap nang mahigpit ang stuffed toy na ibinigay sa akin ni Damon.Damang-dama ko ang init ng mukha ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay umakyat sa mukha ko lahat ng dugo sa katawan ko. Maski ang tibok ng puso ko ay hindi rin maayos, masyadong mabilis at malakas, ayaw kumalma."Hoy babae! Kanina pa ako nagtatawag dito. Nakikinig ka bang babae ka?" napairap na lang ako dahil sa singhal ni Spyru. Hindi ko na lang siya pinansin at nag patul