Share

CHAPTER 8

[RANN]

"You guys sure took your time eh?" Kusang gumulong ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Spyru nang makapasok kami sa bahay nila dito sa Maynila. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na sinundan si Damon nang maglakad siya papasok at naupo sa isang malaking sofa. "Hey! Don't just ignore me!" singhal ni Spyru sa aming dalawa habang nakapamewang pa. Umirap lang si Damon at saka bumuntong hininga. "Not now bro. I'm dead tired, " mahina at walamg buhay na sagot ni Damon. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Spyru saka humalukipkip sa harapan namin. Maski ako ay walang lakas na makupag argumento sa kaniya dahil sa haba ng naging biyahe namin. Gabi na rin kasi nang makarating kami ng Maynila at isama mo pa ang nakakairitang traffic sa daan papunta sa address nina Damon.

Nagpatuloy lang sa panenermon sa amin ni Spyru, palibhasa ay nauna siyang bumalik rito kesa sa amin ni Damon kaya ganun na lamg kalakas ang loob niyang sermunan kami. Bumuntong hininga naman si Damon sa tabi ko at saka tinignan nang masama si Spyru. "Let's just talk tomorrow okay? I'm seriously tired as f*ck right now bro," tumigil sa pagsasalita si Spyru at saka bumaling sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. Ayokong saluhin saluhin ang panenermon niya. Wala rin ako sa mood makipag-away sa kaniya.

Ilang segundo pa ay dinig ko na ang mga kalabog sa kusina. Mukhang mas pinili na lang niyang maghanda ng makakain kaysa ang awayin kaming mag-asawa. Nilingon ko naman ang katabi ko at nakapikit na siya. Hindi ko nanaman maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kaniyang mukha. Ibang-iba talaga ang ganda nilang magkapatid, maski ang mga modelo ay mahihiya sa kanilang ganda. Pansin ko ring mahaba ang kaniyang mga pilik mata at hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na hindi subukang paglaruan ang mga iyon. Dahan-dahan kong inilapit ang hintuturo ko sa pilik mata niya, pigil hininga kong inilalapit ito, gusto ko lang talagang mahawakan ang mga iyon kaso nagulat ako nang bigla na lang niyang sakmalin ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko kaya hindi ko maiwasang mapasinghap sa sakit. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya at bumaling sa akin. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya at saka ako nagtatakang tinignan.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya habang hawak pa rin nang mahigpit ang pulsuhan ko. Napakagat ako sa pang-ibababng labi ko dahil sa sakit. Nang mapansin niya iyon ay agad niyang binitiwan ang kamay ko at saka umayos ng pagkaka upo. "Sorry, ang ganda lang kasi ng mga pilik mata mo. Hindi ko maiwasang isipin na paglaruan iyon." Umiking lang siya saka dahan-dahang tumayo at naglakad na papuntang kusina.

Maghahating gabi na nang makapasok na kami sa kwarto dahil mas inuna pa ng magkapatid ang magbangayan tungkol sa niluto ni Spyru kesa ang makakain kaming tatlo. Nakaupo lang si Damon sa gilid ng kama habang nakasandal ang likod niya sa head board nito. Nagbabada nanaman siya ng libro. Tahimik lang rin akong nakahiga sa tabi niya at nagsimula na ring magbasa ng librong ibinigay niya sa akin. Kumpara sa pagtuturo ni Tanya, mas naiintindihan ko ang paraan ng pagtuturo ni Damon sa akin. Mas magaan, mas madaling maintindihan ng isang gaya ko. Bagaman kaunti pa lang ang alam kong intindihin, at least kaya ko nang magbasa at magsulat ng sarili ko lang. Tahimik lang ang paligid namin nang biglang nagsalita si Damon.

"Naaalala mo ba yung gabing napadpad ka sa mansion ko?" tanong niya. Napahuni na lang ako at sinubukang alalahanin ang eksaktong nangyari nang gabing iyon. Ilang buwan na simula nang manirahan ako sa mansion ni Damon bilang asawa niya at hindi ko alam kung bakit ngayon niya lang naisipang tanungin ako tungkol sa bagay na iyon. Hindi naman sa hindi ko gustong pag-usapan namin iyon ngayon, hindi ko lang kasi talaga maalala ang mga nangyari matapos akong makatakas sa kamay ng dati kong kasintahan.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko nanaman ang sinapit ko sa lalaking iyon. Hindi ko lubos maisip na dahil sa katangahan ko ay muntik na akong mamaalam dito sa mundong ito. "Rann?" dinig kong tawag sa akin ni Damon. Nilingon ko siya at kita kong nakatitig na pala siya sa akin. "Ah, ano kasi," hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin. Nahihiya rin akong ikwento sa kaniya kung anong klaseng tao ako bago niya ako naging asawa. Paano na lamg kung pandirihan niya ako? Paano na lang kung biglang maging iba ang tingin niya sa akin?

"Hindi naman ba magbabago ang tingin mo sa akin?" Napatakip ako sa bibig ko nang biglang lumabas ang mga salitang iyon. Nagtataka niya akong tinignan pero nawala rin iyon nang tumango siya ng dahan-dahan. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka humugot ng malalim na hininga at muling nagsalita. "Dati akong nagtatrabaho sa casa," panimula ko. Sinabi ko sa kaniya lahat ng nga nangyari sa akin. Mula sa ampunan hanggang sa pagpasok ko sa casa.

Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo bago bumuka ang labi niya. "So…, " hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya pero alam ko ang gusto niyang itanong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya. "Virgin pa ako, 'wag kang mag-alala." Natatawa kong sagot sa kaniya. Tinignan niya lang ako ng nagdududa kaya lalo akong natawa sa kaniya. Alam ko namang hindi siya basta-basta maniniwala. "Stripper lang ang trabaho ko doon. Sa casa, hiwalay ang trabaho ng stripper at prostitute. Hindi pwedeng i-table ang mga stripper sa casa na pinanggalingan ko. Hindi rin sila pwedeng makipagtalik. Sayaw lang at paggiling lang sa pole ng beywang ko ang naging puhunan ko sa casa. Hindi ako nagpagamit sa kahit na sinong costumer kasi," nahinto nanaman ako at napayuko. "Kasi?" tanong niya. Kinagat ko munang muli ang pang-ibabang labi ko saka muling ngumiti. "Sa magiging asawa ko lang ito ibibigay," sagot ko. Tinitigan niya ako nang saglit saka dahan-dahang inilapag ang libro sa bed side table niya at pinasadahan ako ng tingin.

"Kung ganon, ibibigay mo ba sa akin iyan?" Nakangisi niyang tanong na dahilan para halos pamulahan ako dahil sa sinabi niya.

"H-ha?"

***

Isang linggo.

Isang linggo simula nang nanirahan kami dito sa Maynila at wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng libro, manuod ng t.v, maglinis ng bahay. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nababagot dito. Halos nasa opisina rin kasi si Damon, hindi rin nabisita rito si Spyru dahil pinag bawalan siya ni Damon dahil baka daw mag-away lang kami ni Spyru pag nagsama kaming dalawa sa iisang bahay.

Naisipan kong magdilig na lang muna ng halaman na nakasabit sa bintana ng condominium dahil baka mabaliw na ako sa sobrang kabagutan, habang nagdidilig ay naalala ko ang naging usapan namin ni Damon noong gabinh nagkwento ako sa kaniya. Ang pangako niyang hindi niya ako pababayaang mag-isa at mapahamak. Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya. Walang sino man ang nagsabi sa akin ng ganon. Maski ang dati kong kasintahan, hindi niya sinabi sa akin iyon, bagkus ay pinag tangkaan niya pa akong patayin. "Kamusta na kaya ang lalaking iyon? Buhay pa kaya siya?" nagtataka kong tanong sa sarili ko. Napailing ako nang maalala kong sinubukan niya akong patayin noon. "Pero kung hindi niya ginawa iyon, baka hindi ko makikilala si Damon." Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang door bell. Agad akong tumakbo para mabuksan iyon.

"Yaho!" napangiwi ako sa lapad ng ngiti ng lalaking bumungad sa akin. Maputi siya na hindi naman ganon katangkaran pero sakto lang. Nakangiti siya sa akin habang halos nakapikit na ang singkit niyang mga mata. Kumaway pa siya sa akin bago niya inabot ang paper bag na hawak niya. "H-ha?" nagtataka kong tanong at saka tinitigan lang siya. Idinilat niya nang bahagya ang kaniyang singkit na mga mata at saka muking ngumiti. Mahihiya ata ang araw sa umaga dahil sa liwanag ng ngiti niya aba!

"I'm Yohan Lim. Master Spyru's servant. Although ngayong araw, dahil sa utos ng NAPAKABAIT kong boss, driver mo ako. Nice meeting you, mrs. Rann Donovan." Inilahad niya sa akin ang kamay niya upang makipag kamay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil talagang idiniin niya ang salitang "napakabait" na animo'y may halong sarkasmo. Tinanggap ko ang kamay niya at saka nag-bow sa harap niya. Sumipol lang siya sa akin saka inimbita ang sarili na pumasok sa loob ng bahay. "Teka lang!" sigaw ko pero nakapasok na siya at saka prenteng umupo sa sofa at itinuro ang bag na ibinigay niya sa akin. "Binili mismo ni Master Damon yan para sa iyo, dapat si Master Spyru ang magdadala pero dahil sa sobrang tamad ng boss ko na iyon, ako ang inutusan niya," paliwanag niya at saka tumingin sa relos niya at pinitik ang kaniyang mga daliri at muli akong itinuro. "You have fifteen minutes to make yourself presentable and I'll drive you to your dinner date with you lovely husband. How does that sound?" Nakangisi niyang sambit pero tinitigan ko lang siya.

Bwiset na Ingles yan!

Nang matapos akong mag-ayos ay muli nanamang sumipol si Yohan at pinasadahan ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa. "Wow, who would've thought that Master Damon would marry a hottie like you? If you weren't his wife, I'd love to have you for myself." Kinindatan niya pa ako bago niya inalok sa akin ang braso niya. Nag-aalangan naman akong kumapit sa kaniya at naglakad na kami papuntang elevator. Pasara na sana ang elevator nang biglang may kamay na humarang sa pinto nito, bumukas iyon at bumungad sa akin ang isang napaka gwapong lalaki. Nakagat ko nanaman ang labi ko.

"Lahat na lang ba ng makakasalamuha ko rito ay mga magagandang lalaki? Hindi ito patas!" Halos mapanguso ako dahil sa isiping iyon. Tinitigan ako ng lalaki at saka ngumiti. "Hey beautiful, I think you dropped this," sambit niya at iniabot sa akin ang isng panyo. Nagtaka naman ako dahil sa pagkakatanda ko ay wala akong panyong dala nang lumabas ako kasama si Yohan. Dinig ko namang may tumikhim sa tabi ko at mabilis na kinuha ang panyong hawak ng lalaki. "Thanks handsome. I'm the beauty who dropped this." Kumindat si Yohan saka ibinulsa ang panyong mukhang siya ang may-ari. Tumingin lang sa kaniya ang lalaki at saka umiling.

Nang makarating na kami sa ground floor ay inihagis ni Yohan ang panyo niya sa basurahan. "Bakit mo naman itinapon iyon?" tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang siya at agad na naglabas ng alcohol spray at naglagay nito sa kamay niya na akala mo dirinh diri. "Marumi na iyon, ma'am Rann. Ang mga bagay na marumi na ay hindi na dapat itinatago pa. Baka mangamoy eh," saad niya at saka binuksan ang pinto ng kotse niya.

Ilang minuto lang ang naging biyahe at nakarating rin kami sa destinasyon namin. Isang magarbong restaurant ito at puro mayayaman lang ang nakakapasok dito. Kaya naman pala ganoon na lang ka-ganda ang damit na ibinigay sa akin ni Damon. Nang makapasok na kami ay iginiya ako ni Yohan sa lugar kung nasaan si Damon. Halos mapanganga ako sa garbo ng kaniyang hitsura. Halos kumikinang na ang lahat sa paligid niya. Maski siya ay kumikinang sa pinaka sentro nito. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo at inalok ang kamay niya. Masaya kong tinanggap iyon.

"You look beautiful today, my wife." Nakangiting sambit niya at saka hinalikan ang kamay ko, kung saan naroon ang singsing ko. Agad na kumabog ng pagka lakas-lakas ang dibdib ko at biglang nag-init ang mukha ko. Madalas niyang gawin ang bagay na iyon pero hindi ko pa rin magawang kumalma sa tuwing dumadampi ang labi niya sa daliri ko. Pakiramdam ko kasi ako na ang pinakamahalagang babae sa buong mundo sa tuwing ginagawa niya iyon. Kung totoo lang kasi sana ang lahat.

Kumain kami, nag-usap. Nasa kalagitnaan kami ng masayang usapan nang may lalaking lumapit sa amin. Siya yung lalaki sa elevator kanina! Ngumiti siya sa amin, sa akin at saka nagsalita. "Fancy meeting you here, beauty. I'm Nathan Asenova." Nakangiti lang siya habang nakalahad ang kamay niya, dahan-dahan ko namang inabot ang kamay ko sa kaniya at saka sumagot. "R-Rann, Rann Donovan," sagot ko. Lumawak ang ngiti niya at saka hinalikan ang likod ng palad ko. "Nice meeting you miss Donovan," saad niya habang naroon parin ang ngiti niyang hindi maalis-alis. Dahan-dahan kong tiningnan si Damon at napalunok ako dahil madilim na ang awra niya. Salubong na ang kilay niya at masama na ang tingin niya kay Nathan.

"Misis." Pareho kaming napalingon sa nagsalita, si Damon iyon at masama na ang tingin niya sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Nathan. "Pardon?" tanong ni Nathan na mukhang walang balak bitawan ang kamay ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko!

"She's Mrs. Rann Donovan." Matalim na ang mga mata ni Damon na nakapukol sa kamay pa rin namin. "She's MY wife and it's seriously rude to interrupt our meal just because you saw her here. I don't care if you wanted to greet her or what but we're in the middle of our meal." Hindi ko masundan ang sinasabi niya pero alam kong hindi maganda ang patutunguhan nito. "Let go of my wife's hand mr. Eithan Asenova while I'm still asking nicely," halata na ang iritasyon sa boses niya. Pero teka, sino si Eithan?

"It's Nathan, mr. Donovan. And sorry for interrupting your meal, I really just wanted to introduce myself to Miss Donovan." Nakangiti lang siya habang sinasabi iyan. Lalong nagdilim ang awra ni Damon. Wala akong magawa kung hindi mapalunok na lang at titigan ang kamay kong hawak pa rin niya hanggang ngayon. Pero may bagay akong napansin sa pulsuhan ni Nathan. Pamilyar ang tattoo ng bulaklak na iyon. Hindi ko alam kung saan ko nakita iyon pero alam kong nakita ko na iyon noon.

"You're pissing me off right now mr. Jonathan, kindly get lost." Hindi ako makapag focus sa naging usapan nila dahil inaalala ko kung saan ko nakita ang tattoo na iyon. Pula ang kulay niya na may pattern ng gold. "It's Nathan but yeah. Sorry again," nang binitiwan ni Nathan ang kamay ko ay doon lang lumabas ang salitang nasa dulo na ng dila ko.

"tsveteto na smŭrtta?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status