[RANN]
"Ayan, okay ka na?" nakangiti kong tanong saka ko hinalikan si Cerbe sa pisngi. Lalo namang inilapit ni Cerbe ang mukha niya sa akin, animo'y humihingi pa ng isa pang halik kaya ginawa ko. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang mabuhok na leeg. Ang ganda ng kaniyang kulay, matingkad ito kapag nasisinagan ng araw, mahahaba rin ito at malambot sa kamay. Niyakap ko siyang muli, buti na lang talaga at tanggap ako ni Cerbe dito sa mansion. "Kung iisipin mo Cerbe, unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa akin rito nina Tanya at Sebastian hindi ba?" tanong ko kay Cerbe, umungol lang siya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko at sinimulan akong dilaan roon. Natawa naman ako sa ginagawa niya.
"Ibig kong sabihin, sila Mirai at Gael ay mabilis akong natanggap. Mababait sila sa akin, ikaw rin. Maamo ka sa akin kahit na isang beses pa lang tayong nagkita noon." Ngumuso ako nang maalala ko kung paano ako lundagin ni Cerbe nang unang beses niya akong makita. Akala ko noon ay katapusan ko na dahil dinamba lang naman ako ng isang malaking aso, handa na rin sana si Damon na hilahin palayo sa akin si Cerbe kaso bigla akong pinag hahalikan ng isang ito."aaaaahh, ikaw lang ata ang nagmamahal sa akin dito, " bulong ko habang lalong humihigpit ang yakap ko sa kaniya.
"Mukhang nagsasaya ka rito sa hardin kasama si Cerbe ah, kamusta naman ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Nilingon ko si Damon na naglalakad na palapit sa akin. Nakangiti siya habang may dalang tray ng pagkain. Inilapag niya sa gazebo ang tray at saka tumungo sa damuhan kung saan kami naka pwesto ni Cerbe. Hinimas niya muna ang ulo ni Cerbe bago nagsalita. "Good boy Cerbe, " saad niya saka siya bumaking sa akin. Inalok niya sa akin ang kamay niya, tinitigan ko siya ng mga ilang segundo pa. Pamilyar ang postura niya, parang ang mga prinsipe sa mga panood na nakikita ko sa t.v noong nasa casa pa lang ako.
Prinsipe.
Hindi ko maiwasang hindi sermunan ang sarili ko. Isa ang pantasyang iyon sa mga dahilan kung bakit ako kamuntikan nang mamatay. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at saka muling ngumiti at tinanggap ang kaniyang kamay. Inalalayan niya akong maglakad palapit sa gazebo. Nang maka upo na kami ay inalok niya sa akin ang mga pagkaing nakahain rito.
"Cookies?" tanong ko at saka tinitigan ang mga ito na nasa maliit na lalagyan. "Hmm, sinubukan ko lang ulit kung alam ko pang mag-luto nito, " sagot niya at saka isinubo sa akin ang cookie na kinuha niya. Kumagat naman ako doon habang nakatitig lang sa kaniya. Halos manlaki ang mga mata ko nang malasahan ko ang kakaibang sarap nito. "So? How is it?" tanong niya, sa tagal ko nang nandito ay may kaunti na akong alam sa ingles kaya hindi na ako gaanong nahihirapang sundan siya sa tuwing nagsasalita siya nito. Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango ng paulit-ulit. "Masarap siya! Hala! Bakit ganun? Ang sarap!" excited kong sambit saka ako pumulot ng isa at isinubo rin sa kaniya. Tumawa naman siya ng bahagya at saka tinanggap ang inaalok ko. "Hmm, mukhang ayos pa naman ang pagluluto ko. Although matamis siya, " komento niya. Ngumuso naman ako sa tinuran niya. "Bakit? Hindi ba dapat matamis ang cookies?" Nakanguso kong tanong. Tumawa nanaman siya saka niya hinaplos ang ulo ko. Naka pan-de cuatro siya ng upo sa gazebo habang nakasandal ang kaniyang kanang kamay sa sandalan ng upuan at ito ang sinasandalan ng ulo niya ngayon.
"You're such a kid Rann. Ang cute mo, " nakangiti niyang sambit at saka muli akong sinubuan ng cookie niya. Dama ko ang titig niya sa akin habang kumakain ako, ilang segundo lang ang naging katahimikan namin nang bigla siyang magsalitang muli. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na bagay na lumabas sa bibig niya. "Balak kong bumalik na ng Maynila, " panimula niya dahilan para lumingon ako sa gawi niya. Mahigpit ang hawak ko sa baso. Hindi ko alam kung bakit pero aang isipin pa lang na mawawala siya sa tabi ko ay hindi na maganda para sa akin. Bukod kay Cerbe, siya na lang talaga ang alam kong kakampi ko sa mansion na ito. Paano na lang kung aalis siya? Paano na lang kung biglang bumalik sa dati ang trato sa akin nina Tanya at Sebastian? Iiwan niya na rin ba ako?
"Hey Rann, you're spacing out, " dinig kong saad niya, doon lang ako bumalik sa huwisyo ko at tintigan nanaman siyang muli. Dama kong hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinipisil-pisil ang likod ng palad ko. "A-aalis ka na? Maiiwan ba ako rito?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. "Bakit? Gusto mo ba?" balik tanong niya sa akin. Sino ba ako para sabihin ang talagang gusto kong mangyari? Hindi ako ang masusunod sa kasunduang ito. Pero bago pa man ako makapag salita ay kusa nang gumalaw ang katawan ko. Inilapag ko ang baso at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya at sunod-sunod na umiling. Animo'y bata na ayaw mahiwalay sa mga magulang nila. "Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" hindi ko alam kung bakit pero dinig ko ang panginginig ng sarili kong boses. Bumuntong hininga siya at saka masuyong hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko maiwasang hindi tumugon sa kaniyang hawak.
"I can't stay here forever, Rann. I have things I've left in Manila, " sagot niya habang patuloy pa ring nakahawak sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at saka marahang itinapat sa dibdib ko. Napapikit muna ako ng mariin bago nagsalita. "A-ayaw kong maiwan nanaman, Damon." Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Lumunok muna ako bago muling nagsalita. "Isama mo ako sa pagbalik mo sa Maynila. Pangako, hindi ako magiging pabigat doon! Pagsisilbihan kita bilang asawa mo, basta isama mo lang ako." Ilang saglit pa siyang tumitig sa akin bago siya muling ngumiti at marahang binawi ang kaniyang kamay, ngayon ay siya naman ang may hawak sa kamay ko at marahang inilapat ito sa labi niya, hinalikan niya ang singsing na ibinigay niya sa akin at saka masuyo akong tiningnang muli.
"Rann, sigurado ka ba? Maynila iyon. Malayo sa probinsiyang ito," tanong niya. Tumango ako ng paulit-ulit at saka ngumiti sa kaniya. "Kasama sa kasunduan na kung nasaan ka, nandoon rin dapat ako hindi ba?" natawa siya nang bahagya saka hinaplos ang ulo ko at dahan-dahan nang tumayo. "Then, it's decided. You'll go with me," ngumiti siya at saka naglakad pabalik sa loob ng mansion. Tinitigan ko ang pigura niya bago bumaling sa kamay ko kung nasaan naroon ang singsing na ibinigay niya sa akin, ang singsing na patunay na kasal kami sa isa't-isa. Mariin akong napapikit at inilapit itong muli sa dibdib ko. "Ano bang iniisip mo Rann? Bakit kung maka asta ka ay…, " natigil ako sa panenermon sa sarili ko nang hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Napayuko na lang ako at tinitiganh muli ang singsing ko. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam kong nang pirmahan ko ang kontratang iyon ay pagmamay-ari na niya ako, sabihin man niya o hindi, " mahinang bulong ko. "Pero kasi, " hindi ko namalayang may mga butil na pala ng luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
***
"Heeh, so talagang isasama mo siya?" tanong ni Spyru habang nakaturo pa sakin. Hindi ko nanaman maiwasang mapairap dahil sa inaasta niya. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy na lamang ang pagluluto sa hapunan namin. Nasa kusina kami ngayon, si Sebastian ang gumagabay sa akin sa pag gamit ng mga bagay-bagay dito sa kusina. Akala ko nga ay hindi niya ako papayagang maglutong muli pero hinayaan niya lang ako, at siya oa mismo ang nag-alok na tulungan akong magluto.
"Yup, she's my wife after all," sagot naman ni Damon habang sa laptop niya siya nakatingin. Hindi ko maiwasang mapatitig nanaman sa kaniya dahil suot nanaman niya ang salamin niya habang seryosong nakatitig sa laptop niya. Dito rin nila napiling manatili muna, kung ano man ang dahil, wala akong kaalam-alam. "Kung nakamamatay lang ang pagpapantasya at pagtitig, baka wala na akong kakambal ngayon, " nakangusong sambit ni Spyru na siyang sinamaan ko ng tingin lalo. Salubong rin ng kilay na tumingin si Damon sa kaniya. Tumawa lang si Spyru at nag taas ng parehong kamay niya. "Rann, ying niluluto mo," nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nasusunog na ang piniprito kong isda. Dahil sa pagka taranta ay aksidente kong nahawakan ang mismong kawali at napatili ako sa hapdi ng pagka paso ng kamay ko. Agad namang napatayo si Damon sa inuupuan niya at agad na kinuha ang kamay ko.
"The hell are you doing!? Hindi ka nag-iingat! Aish!" singhal niya at saka ako hinila sa lababo. "A-ah Master--," hindi natuloy ni Sebastian ang sasabihin niya nang bigla na lang buksan ni Damon ang gripo. Lalo akong napatili dahil pakiramdam ko ay lalong humapdi ang kamay ko. Pumasok naman sa loob sina Tanya, Mirai at Gael nang marinig ang tili ko pero hindi sila pinansin ni Damon at patuloy lang ang pagdampi ng panyo niya sa kamay ko. Halos maiyak na ako sa hapdi.
Ang tanga lang kasi, Rann.
Ilang segundo pa ang tinagal ng pagpapanic nila. Pagkatapos noon ay pinalayas ako ni Damon sa kusina at pinatambay na lang ako sa salas. Kasama si Tanya na ginagamot ang paso ko. "Ayan kasi, ano bang ginagawa mo doon?" inis na tanong niya habang marahang ginagamot ang kamay ko. Napayuko ako, ayokong sabihin sa kaniyang umiral nanaman ang kabobohan ko at baka masermunan nanaman niya ako. "Tss, eto lang ang meron sa mansion kaya magtiis ka," saad niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"So sasama ka kay Master sa pagbalik niya sa Maynila?" Nilingon ko siya nang magtanong siya. Marahan akong tumango at dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Bumubulong pa siya ngunit hindi ko marinig iyon. "Alagaan mo siya doon. Hindi kami pwedeng umalis ng mansion, lalo na ng bundok na ito nang walang permiso mula sa kaniya o kay master Spyru kaya hindi namin kayo msusundan sa Maynila. Siguraduhin mong maayos ang magiging buhay niya roon dahil kung hindi, talagang ililibing kita ng buhay, " halos napalunok ako sa sinabi niya.
"Hooh, scary ka naman Tanya. Baka mamaya bigla niyang hiwalayan si Damon ah, sana nga." Ngumiti siya pero dinig ang sarkasmo sa sinabi niya. Inirapan lang rin siya ni Tanya at saka padabog na tumayo at hinarap si Spyru. "Akala ko pa naman makukumbinsi mo na siyang bumalik ng tuluyan, pero mukhang hindi ka nanaman nagtagumpay." Irap niga at saka umalis. Nagtataka ko naman silang tinignan. "Anong ibig niyang sabihin, Spyru?" tanong ko. Binalingan niya lang ako ng saglit at saka nagkibit balikat at naglakad na para muling pumasok sa kusina.
May ilang bagay parin akong hindi alam tungkol sa asawa ko, pero lahat iyon ay isinantabi ko dahil sa utang na loob ko sa kaniya sa pagkakaligtas niya sa akin. Pero mukhang marami rin talaga siyang tinatago. Napayuko na lang ako, pakiramdam ko ay may hindi ako alam pero kailangan kong malaman. Kung ano man iyon, kailangan kong alamin.
[RANN] "You guys sure took your time eh?" Kusang gumulong ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Spyru nang makapasok kami sa bahay nila dito sa Maynila. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na sinundan si Damon nang maglakad siya papasok at naupo sa isang malaking sofa. "Hey! Don't just ignore me!" singhal ni Spyru sa aming dalawa habang nakapamewang pa. Umirap lang si Damon at saka bumuntong hininga. "Not now bro. I'm dead tired, " mahina at walamg buhay na sagot ni Damon. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Spyru saka humalukipkip sa harapan namin. Maski ako ay walang lakas na makupag argumento sa kaniya dahil sa haba ng naging biyahe namin. Gabi na rin kasi nang makarating kami ng Maynila at isama mo pa ang nakakairitang traffic sa daan papunta sa address nina Damon. Nagpatuloy lang sa panenermon sa amin ni Spyru, palibhasa ay nauna siyang bumalik rito kesa sa amin ni Damon kaya ganun na lamg kalakas ang loob niyang sermunan kami. Bumuntong hininga naman si Damon
[RANN] "Oya? Rann, anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ni Spyru nang nakasalubong namin siya sa lobby ng kumpanya nila ni Damon. Mahigpit ang hawak ko sa bag na lalagyan ng lunchbox ni Damon nang malipat doon ang tingin ni Spyru. "Ahm, hahatiran ko lang sana ng tanghalian si Damon?" patanong kong sagot, tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay at saka tumingin sa likod ko kung nasaan si Yohan na sumusipol sipol pa habang umiiwas ng tingin kay Spyru. "Nasa meeting pa lang si Damon, pwede mo siyang hintayin na lang sa loob ng opisina niya," saad ni Spyru saka sumenyas kay Yohan. Agad namang tumalima si Yohan at inaya na ako sa elevator papuntang opisina ni Damon pero bago pa man ako sumunod kay Yohan ay nilingon ko ulit si Spyru saka inabot sa kaniya ang isang mas maliit na lunch box. "Oh ayan, para hindi ka mainggit. Ginawan na rin kita," sambit ko saka ako nagmamadaling umalis. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya dahil alam kong puro lang naman kabulastu
[RANN]Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa kotse kahapon. Halos di ko tuloy matignan ng diretso si Damon simula nang makauwi kami galing sa arcade. Hindi ko ring maiwasang damhin ang labi ko dahil pakiramdam ko ay naroon pa rin ang pakiramdam ng labi ni Damon. Muli ko na namang nakagat ang pang-ibabang labi ko at niyakap nang mahigpit ang stuffed toy na ibinigay sa akin ni Damon.Damang-dama ko ang init ng mukha ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay umakyat sa mukha ko lahat ng dugo sa katawan ko. Maski ang tibok ng puso ko ay hindi rin maayos, masyadong mabilis at malakas, ayaw kumalma."Hoy babae! Kanina pa ako nagtatawag dito. Nakikinig ka bang babae ka?" napairap na lang ako dahil sa singhal ni Spyru. Hindi ko na lang siya pinansin at nag patul
[DAMON]"This isn't enough," saad ko habang nakatitig sa bangkay ng isang batang kamamatay lang dahil sa sakit na cancer. Masyadong puro ang kanyang kaluluwa, masyadong maliwanag. Walang ni isang bahid ng kadiliman ang mahihinuha ko mula sa kanyang kaluluwa. Ikatlong kaluluwa na ito ngunit halos hindi ko pa rin maramdamang humuhupa ang gutom ko. Inis kong binalingan ng tingin si Spyru na kaswal lang na nakasandal sa may pinto ng silid."Hindi ka pa rin ba kumakalma?" tanong niya habang nakapamulsa pa ring naka titig sa batang nakahimlay na lang ngayon sa hospital bed nito. Umiling ako at mariing ipinikit ang aking mga mata. Bumuntong hininga muna si Spyru bago ako iginiya palabas ng silid. Nang makalayo kami ng kaunti ay doon ko lang pinitik ang daliri ko at muling nagpatuloy ang kamay ng orasan para sa lahat ng mortal sa paligid namin. Dinig
[RANN] Nang sabihin niyang "spend the whole day with me tomorrow" ay date kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil masosolo ko na naman ang asawa ko. Malawak ang ngiti kong pinanood ang tanawin sa bintana ng kotse habang ang asawa ko naman ay nakangiti rin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Kasalukuyan kaming bumibiyahe pabalik ng probinsiya dahil sabi ni Damon ay gusto niya munang magpahinga kahit na sandali doon. Napangiwi na nga lang ako dahil alam kong gusto niya lang layasan si Spyru na walang ibang ginawa kundi ipilit sa kanya ang mga trabaho niya at si Nathan na walang ibang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya. Saglit akong natigilan nang maalala ko na naman si Nathan at iyong pinag-usapan namin na sasamahan ko siya sa isang pagsasalo ngayong araw. Umiling na lang ako, mas mahalaga ang masolo ko ang asawa ko ngayon dahil matagal tagal na rin simula nang ituon lang sa akin ni Damon ang kaniyang atensyon. Mabilis lang naman ang
[RANN]"Welcome back, master Damon, ma'am Rann," nakangiting bati sa amin nina Tanya, Sebastian, Gael at Mirai nang makarating kami ng mansion. Ngumiti ako sa kanila at agad namang lumapit sa akin sina Gael at Mirai para tulungan ako sa mga pinamili kong pagkain. Agad kaming natungo sa kusina para ihanda ang mga pinamili ko at para na rin makipag kwentuhan sa dalawang ito. Hindi man mahalaga na malaman nila ay inaamin ko pa ring sobrang na miss ko ang dalawang ito."Rann, anong ginagawa mo? Hayaan mo na si Mirai na gumawa niyan at magpahinga ka na lang sa kwarto. Alam kong pagod ka sa naging biyahe," sambit ni Damon at saka ako niyakap mula sa likod ko at saka hinalikan ang batok ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya at kabadong nilingon sina Mirai at Gael na pawang nakatingin lang sa amin na may gulat na ekspresyon. Pareho silang
[DAMON]"Hmmm," mahinang ungol ni Rann habang nakayakap pa rin sa beywang ko. Matapos ang naging kaganapan namin kanina ay siniguro kong dadaloy nang maayos ang mahika ko sa buong sistema niya at napangiti ako nang makita kong nagliliwanag ang singsing na ibinigay ko sa kaniya bilang wedding ring. Mahina kong pinisip ang braso niya at halos mamangha ako dahil sa lambot nito. Hindi siya maikukumpara sa mga braso ng ibang pangkaraniwang mortal na nagbebenta ng aliw sa mga kapwa nila mortal."Give me what I want, Rann. You're the only one who can grant my wish," bulong ko sa tenga niya at saka siya hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang siya sa kanyang pag tulog at mas lalong isiniksik ang kanyang katawan sa bisig ko. Hindi ko namalayan napapangiti na pala ako sa naging postura niya. Hahalikan ko pa sana muli ang kanyang pisngi nang marinig ko ang bos
[RANN]"N-nangyari na…" Agad akong nagtago sa ilalim ng kumot namin nang maalala ko ang mga naging kaganapan kagabi. Ang bawat kilos niya, bawat haplos at halik niya. Lahat iyon ay dama ko pa rin hanggang ngayon sa buong katawan ko. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at ibinaon ang mukha ko rito saka ako tumili. Alam kong hindi madidinig ng kahit na sino ang naging tili ko dahil sa unan pero agad ko ring inihinto ang ginagawa ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.Matapos naming parehong maabot ang limitasyon namin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Hindi man niya sabihin ay alam kong inasikaso niya rin ako matapos ang naging aktibidad namin na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako dahan-dahang lumabas mula sa pagtatago ko sa ilalim ng kumot. Dahan-dahan akong umupo sa kama, dama ko ang