[RANN]
"Welcome back, master Damon, ma'am Rann," nakangiting bati sa amin nina Tanya, Sebastian, Gael at Mirai nang makarating kami ng mansion. Ngumiti ako sa kanila at agad namang lumapit sa akin sina Gael at Mirai para tulungan ako sa mga pinamili kong pagkain. Agad kaming natungo sa kusina para ihanda ang mga pinamili ko at para na rin makipag kwentuhan sa dalawang ito. Hindi man mahalaga na malaman nila ay inaamin ko pa ring sobrang na miss ko ang dalawang ito.
"Rann, anong ginagawa mo? Hayaan mo na si Mirai na gumawa niyan at magpahinga ka na lang sa kwarto. Alam kong pagod ka sa naging biyahe," sambit ni Damon at saka ako niyakap mula sa likod ko at saka hinalikan ang batok ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya at kabadong nilingon sina Mirai at Gael na pawang nakatingin lang sa amin na may gulat na ekspresyon. Pareho silang
[DAMON]"Hmmm," mahinang ungol ni Rann habang nakayakap pa rin sa beywang ko. Matapos ang naging kaganapan namin kanina ay siniguro kong dadaloy nang maayos ang mahika ko sa buong sistema niya at napangiti ako nang makita kong nagliliwanag ang singsing na ibinigay ko sa kaniya bilang wedding ring. Mahina kong pinisip ang braso niya at halos mamangha ako dahil sa lambot nito. Hindi siya maikukumpara sa mga braso ng ibang pangkaraniwang mortal na nagbebenta ng aliw sa mga kapwa nila mortal."Give me what I want, Rann. You're the only one who can grant my wish," bulong ko sa tenga niya at saka siya hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang siya sa kanyang pag tulog at mas lalong isiniksik ang kanyang katawan sa bisig ko. Hindi ko namalayan napapangiti na pala ako sa naging postura niya. Hahalikan ko pa sana muli ang kanyang pisngi nang marinig ko ang bos
[RANN]"N-nangyari na…" Agad akong nagtago sa ilalim ng kumot namin nang maalala ko ang mga naging kaganapan kagabi. Ang bawat kilos niya, bawat haplos at halik niya. Lahat iyon ay dama ko pa rin hanggang ngayon sa buong katawan ko. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at ibinaon ang mukha ko rito saka ako tumili. Alam kong hindi madidinig ng kahit na sino ang naging tili ko dahil sa unan pero agad ko ring inihinto ang ginagawa ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.Matapos naming parehong maabot ang limitasyon namin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod. Hindi man niya sabihin ay alam kong inasikaso niya rin ako matapos ang naging aktibidad namin na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako dahan-dahang lumabas mula sa pagtatago ko sa ilalim ng kumot. Dahan-dahan akong umupo sa kama, dama ko ang
[RANN]"Madaya ka naman, ni hindi ka man lang nagsabi na hindi ka pala sisipot, nagmukha tuloy akong tanga doon sa event," nakangusong sambit ni Nathan habang umiinom ng milk tea niya. Nasa isang café kami ngayon at hinahayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob niya sa akin ngayon dahil nga hindi ko siya sinipot noong inimbitahan niya akong dumalo sa isang event. Napangiwi na lang ako at sumandal na glass wall ng café at walang ganang pinaglaruan ang straw ng inumin ko."Kaya nga tayo nandito ngayon hindi ba? Bumabawi na nga lang ako sa iyo andami mo pa ring reklamo," irap ko sa kanya pero lalo lang siyang ngumuso. "Malamang! Excited pa naman akong ipakilala ka sa mga kaibigan ko tapos malalaman ko na lang na you ditched me. That's a nasty move you know," pagmamaktol niya. Huminga muna ako ng malalim. Kababalik lang namin ni
[RANN]"So? What happened to that loser's face?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Spyru habang matamang tinitignan si Nathan na naglalakad na palayo sa amin. Bahagya kong nakagat ang labi ko nang maalala ko ang ginawa ko kanina sa café. Hindi ko naman kasi talaga inaasahang mapapalakas ang pagkakasuntok ko sa mata niya, ayun tuloy at namamaga na."Ah, may inaasar kasi siyang bata kanina sa labas. Nainis ata yung bata, ayun at binato siya. Sapul sa mukha," palusot ko na lang. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ako ang may gawa nun kay Nathan at baka lalo akong masermunan ni Spyru. Mataman niya rin muna akong tinitigan bago siya bumuntong hininga. "Whatever," sambit niya at saka muling pumasok sa loob ng unit. Tahimik lang naman akong sumunod sa kaniya at saka nag palinga linga pa sa paligid. Mukhang siya lang ang nandito sa bahay ngay
[RANN]Isang linggo ring hindi nagpakita si Spyru pagkatapos ng araw na iyon. Wala rin siyang naging paramdam sa aming dalawa ni Damon, hindi rin naman nagsasalita si Damon tungkol sa nangyari kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapa-isip sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ng kakambal ng asawa ko."Tulala ka na naman. Anong meron?" Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko na naman ang boses ng dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Spyru sa bahay. Masama ko siyang tinignan at inis na sinaksak ng stick yung fishball na nasa kawali ng manong na nakita naming nagtitinda ng fishball sa labas ng condominium building dahilan para may mga ilang patak ng mantika ang tumalsik mula sa kawali. Parehas tuloy na gulat na napatingin sa akin yung tindero at etong hudas na katabi ko.
[RANN] Hindi maalis sa isip ko ang kabaliwang sinabi ni Nathan. Pilit kong iniisip kung may posibilidad ngang may gusto sa akin ang kakambal ng asawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga irap niya, pasaring at tono ng pananalita niya sa tuwing magkaharap kami ay kinikilabutan ako. Mariin akong pumikit at umiling iling pa. "You look like a piece of sh*t. What happened?" Lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang boses ng bwiset na kanina lang ay iniisip ko. Masama ko siyang tinignan at saka tinanggap ang inaalok niya sa aking kape. "I know I did something, but you don't have to glare at me okay? Isang linggo lang akong nawala sobra mo naman ata akong na miss?" Ngumisi siya matapos niyang sabihin iyon at saka prenteng umupo sa sofa na kaharap ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng office ni Damon at hinihintay siyang matapos sa meeting niya. "Oh come on, I've already apologized." Humigop siya sa sarili niyang tasa at saka muling nag-angat ng tingin sa direksyon ko. Pinaningk
[RANN] Tahimik lang ang buong bahay nang makauwi kami ni Damon. Halos hindi ako makahinga dahil na rin sa sobrang kapal ng tensyong dala niya sa hangin. Masama na kasi ang naging timpla ng aura niya kaninang natapos ang meeting nila at maging si Mae na sekretarya niya ay naka distansiya na sa kaniya. Maski tuloy ako na asawa niya ay hindi siya nagawang batiin kanina. Hanggang sa biyahe namin pauwi ay hindi siya umiimik. Mahigpit ang naging hawak niya sa manibela at salubong ang kilay na sa daan lang naka focus. Hindi siya kagaya ng dati na makwento o kaya tatanungin ako kung kamusta naman ang naging araw ko. Tahimik lang siya kaya nadadamay ang paligid niya at nakakasakal iyon para sa akin. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng condo at saka pagod na sumapalampak sa sofa ng living room. Dinig ko ang mahihina at pagod niyang mga daing habang minamasahe ang sentido niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at saka dumiretso sa kusina para ipaghanda siya ng pampakalma. Nadinig ko sa
[DAMON] [3 hours ago] "Mas nagiging tahasan na ang ginagawa nilang pagpasok sa bundok, Damon. Noong nakaraan, may mga dala pa ang iba na pangontra sa mga kagaya nina Gael at Mirai." Umiling si Tanya habang sinasabi ang mga detalye sa akin. Kakatapos lang ng meeting namin ng board at nang makalabas ang mga mortal na empleyado ko sa meeting room ay saka lang nagpakita si Tanya na dala ang mga larawan at impormasyong hinihingi ko mula sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago nagtaas ng tingin sa kaniya. "Hindi naman ba nila kayo nasaktan o ano? Kamusta sila Gael at Mirai?" tanong ko. Umiling lang siya saka tumikhim muna bago muling nagsalita. "Maayos lang sila. Hindi naman malala ang naging injury nila, although nabigla sila sa naging preparasyon ng mga taga clan, mukhang may idea na sila sa kung anong klase ng mga nilalang ang nagbabantay sa bundok." Dumiin ang pagkakahawak ko sa ballpen at marahas na bumuntong hininga. "Those bastards really are getting into my nerves." Nilingon