[RANN]
"So? What happened to that loser's face?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Spyru habang matamang tinitignan si Nathan na naglalakad na palayo sa amin. Bahagya kong nakagat ang labi ko nang maalala ko ang ginawa ko kanina sa café. Hindi ko naman kasi talaga inaasahang mapapalakas ang pagkakasuntok ko sa mata niya, ayun tuloy at namamaga na.
"Ah, may inaasar kasi siyang bata kanina sa labas. Nainis ata yung bata, ayun at binato siya. Sapul sa mukha," palusot ko na lang. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ako ang may gawa nun kay Nathan at baka lalo akong masermunan ni Spyru. Mataman niya rin muna akong tinitigan bago siya bumuntong hininga. "Whatever," sambit niya at saka muling pumasok sa loob ng unit. Tahimik lang naman akong sumunod sa kaniya at saka nag palinga linga pa sa paligid. Mukhang siya lang ang nandito sa bahay ngay
[RANN]Isang linggo ring hindi nagpakita si Spyru pagkatapos ng araw na iyon. Wala rin siyang naging paramdam sa aming dalawa ni Damon, hindi rin naman nagsasalita si Damon tungkol sa nangyari kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapa-isip sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ng kakambal ng asawa ko."Tulala ka na naman. Anong meron?" Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko na naman ang boses ng dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Spyru sa bahay. Masama ko siyang tinignan at inis na sinaksak ng stick yung fishball na nasa kawali ng manong na nakita naming nagtitinda ng fishball sa labas ng condominium building dahilan para may mga ilang patak ng mantika ang tumalsik mula sa kawali. Parehas tuloy na gulat na napatingin sa akin yung tindero at etong hudas na katabi ko.
[RANN] Hindi maalis sa isip ko ang kabaliwang sinabi ni Nathan. Pilit kong iniisip kung may posibilidad ngang may gusto sa akin ang kakambal ng asawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga irap niya, pasaring at tono ng pananalita niya sa tuwing magkaharap kami ay kinikilabutan ako. Mariin akong pumikit at umiling iling pa. "You look like a piece of sh*t. What happened?" Lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang boses ng bwiset na kanina lang ay iniisip ko. Masama ko siyang tinignan at saka tinanggap ang inaalok niya sa aking kape. "I know I did something, but you don't have to glare at me okay? Isang linggo lang akong nawala sobra mo naman ata akong na miss?" Ngumisi siya matapos niyang sabihin iyon at saka prenteng umupo sa sofa na kaharap ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng office ni Damon at hinihintay siyang matapos sa meeting niya. "Oh come on, I've already apologized." Humigop siya sa sarili niyang tasa at saka muling nag-angat ng tingin sa direksyon ko. Pinaningk
[RANN] Tahimik lang ang buong bahay nang makauwi kami ni Damon. Halos hindi ako makahinga dahil na rin sa sobrang kapal ng tensyong dala niya sa hangin. Masama na kasi ang naging timpla ng aura niya kaninang natapos ang meeting nila at maging si Mae na sekretarya niya ay naka distansiya na sa kaniya. Maski tuloy ako na asawa niya ay hindi siya nagawang batiin kanina. Hanggang sa biyahe namin pauwi ay hindi siya umiimik. Mahigpit ang naging hawak niya sa manibela at salubong ang kilay na sa daan lang naka focus. Hindi siya kagaya ng dati na makwento o kaya tatanungin ako kung kamusta naman ang naging araw ko. Tahimik lang siya kaya nadadamay ang paligid niya at nakakasakal iyon para sa akin. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng condo at saka pagod na sumapalampak sa sofa ng living room. Dinig ko ang mahihina at pagod niyang mga daing habang minamasahe ang sentido niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at saka dumiretso sa kusina para ipaghanda siya ng pampakalma. Nadinig ko sa
[DAMON] [3 hours ago] "Mas nagiging tahasan na ang ginagawa nilang pagpasok sa bundok, Damon. Noong nakaraan, may mga dala pa ang iba na pangontra sa mga kagaya nina Gael at Mirai." Umiling si Tanya habang sinasabi ang mga detalye sa akin. Kakatapos lang ng meeting namin ng board at nang makalabas ang mga mortal na empleyado ko sa meeting room ay saka lang nagpakita si Tanya na dala ang mga larawan at impormasyong hinihingi ko mula sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago nagtaas ng tingin sa kaniya. "Hindi naman ba nila kayo nasaktan o ano? Kamusta sila Gael at Mirai?" tanong ko. Umiling lang siya saka tumikhim muna bago muling nagsalita. "Maayos lang sila. Hindi naman malala ang naging injury nila, although nabigla sila sa naging preparasyon ng mga taga clan, mukhang may idea na sila sa kung anong klase ng mga nilalang ang nagbabantay sa bundok." Dumiin ang pagkakahawak ko sa ballpen at marahas na bumuntong hininga. "Those bastards really are getting into my nerves." Nilingon
[RANN] Halos mamura ko ang sarili ko nang magising ako sa gitna ng gabi. Halos wala akong maalala sa kung anong sumunod na nangyari matapos akong gantihan ng halik ni Damon, pero kung pagbabasehan ko ang kalagayan ng katawan ko ay alam ko nang may nangyari na naman sa aming dalawa. Agad kong nahila ang kumot nang may marinig akong mahinang ungol sa tabi ko. Nilingon ko iyon at ramdam kong halos mapatalon na naman ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang natutulog na mukha ni Damin matapos naming magtalik. Noong unang beses kasi ay gumising akong wala siya sa tabi ko. Napangiwi ako ng bahagya nang mapansin kong salubong pa rin ang kilay niya kahit na natutulog lang siya. Bukod sa salubong niyang kilay ay kalmado na ang ibang oarte ng mukha niya. Marahan akong bumalik sa pagkakahiga at masuyong lumapit sa kaniya. Tinititigan ko lang ang mukha niya. "Bakit ang gwapo mo?" Pilya kong tanong habang sa mukha niya pa rin nakatitig. Maya-maya pa ay marah
[RANN] Nang sabihin ni Spyru na nagiging busy na si Damon ay hindi ko inakalang magiging ganoon siya ka-busy. Ni hindi na nga siya nakakauwi ng bahay at hindi man lang ako magawang kamustahin, maski ang batiin man lang ako ay hindi niya ginagawa. Inis kong sinaksak ng straw ang inumin ko nang inabot na ito sa akin ni Nathan. "Easy there, alam kong gutom at uhaw ka pero wag ko namang ipahalata na may sa patay gutom ka. Nakaka turn off," komento niya pero lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin. Nakakairita siya, inis sa kaniya ang asawa at bayaw ko, maski si Yohan ay ayaw sa kaniya. Pero hindi naman siya masamang tao, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang inis nila sa kaniya. "Matunaw ako niyan ah," sita niya dahilan para kusang gumulong ang mga mata ko dahil sa pagka irita. Tumawa lang siya sa tinuran ko at saka ako inayang maupo sa isa sa mga upuan sa loob ng shop. "So? Anong meron? Bukod sa presence ko, ano pang dahilan bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?" Sumim
[RANN]Matapos ang ginawa naming panunuod ng mga bituin kanina ay inihatid na rin ako ni Nathan sa unit ni Damon. Tahimik lang akong pumasok ng bahay, marahang naglalakad. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay, baka mamaya ay magising si Tanya, masermunan na naman ako.Nang mapansin kong tahimik ang buong salas ay bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang maglakad nang muli, pero bago pa ako makahakbang ay biglang umilaw ang buong salas. "Ano sa tingin mo ang oras na?" Halos mapatalon ako dahil sa boses na narinig ko, dahan dahan akong umikot at bumaling sa nagsalita muna sa likuran ko.Halos mapalunok ako nang makita ko si Damon na nakasandal sa pader kung nasaan nakainstall yung switch ng ilaw, nakahalukipkip siya at nakaipit sa braso niya ang librong madalas niyang basahi
[RANN]Halos mapamura ako ng malutong nang madatnan ko ang sarili kong naka upo sa loob ng pamilyar na café habang kasama sa iisang table si Tanya na malamig lang na nakatitig kina Nathan at Rain na parehong may malawak na ngiti habang nakaupo sa kasalungat na upuan sa table namin.Walang umiimik sa aming apat at hindi ko gusto ang tensyong nararamdaman ko. Bakit ba kasi nag-aya pa itong si Nathan na magmerienda? At bakit si Tanya ang nasunod noong sinubukan kong tumanggi?Ako ang asawa ng Master niya hindi ba? Dapat ako ang nasusunod, pero hindi. Tang*na lang naman oo."Ahmm e-eto na po yung order ninyo," kinakabahang saad nung waitress at saka nanginginig pang inilapag ang mga inorder namin. "E-enjo