[DAMON] [3 hours ago] "Mas nagiging tahasan na ang ginagawa nilang pagpasok sa bundok, Damon. Noong nakaraan, may mga dala pa ang iba na pangontra sa mga kagaya nina Gael at Mirai." Umiling si Tanya habang sinasabi ang mga detalye sa akin. Kakatapos lang ng meeting namin ng board at nang makalabas ang mga mortal na empleyado ko sa meeting room ay saka lang nagpakita si Tanya na dala ang mga larawan at impormasyong hinihingi ko mula sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago nagtaas ng tingin sa kaniya. "Hindi naman ba nila kayo nasaktan o ano? Kamusta sila Gael at Mirai?" tanong ko. Umiling lang siya saka tumikhim muna bago muling nagsalita. "Maayos lang sila. Hindi naman malala ang naging injury nila, although nabigla sila sa naging preparasyon ng mga taga clan, mukhang may idea na sila sa kung anong klase ng mga nilalang ang nagbabantay sa bundok." Dumiin ang pagkakahawak ko sa ballpen at marahas na bumuntong hininga. "Those bastards really are getting into my nerves." Nilingon
[RANN] Halos mamura ko ang sarili ko nang magising ako sa gitna ng gabi. Halos wala akong maalala sa kung anong sumunod na nangyari matapos akong gantihan ng halik ni Damon, pero kung pagbabasehan ko ang kalagayan ng katawan ko ay alam ko nang may nangyari na naman sa aming dalawa. Agad kong nahila ang kumot nang may marinig akong mahinang ungol sa tabi ko. Nilingon ko iyon at ramdam kong halos mapatalon na naman ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang natutulog na mukha ni Damin matapos naming magtalik. Noong unang beses kasi ay gumising akong wala siya sa tabi ko. Napangiwi ako ng bahagya nang mapansin kong salubong pa rin ang kilay niya kahit na natutulog lang siya. Bukod sa salubong niyang kilay ay kalmado na ang ibang oarte ng mukha niya. Marahan akong bumalik sa pagkakahiga at masuyong lumapit sa kaniya. Tinititigan ko lang ang mukha niya. "Bakit ang gwapo mo?" Pilya kong tanong habang sa mukha niya pa rin nakatitig. Maya-maya pa ay marah
[RANN] Nang sabihin ni Spyru na nagiging busy na si Damon ay hindi ko inakalang magiging ganoon siya ka-busy. Ni hindi na nga siya nakakauwi ng bahay at hindi man lang ako magawang kamustahin, maski ang batiin man lang ako ay hindi niya ginagawa. Inis kong sinaksak ng straw ang inumin ko nang inabot na ito sa akin ni Nathan. "Easy there, alam kong gutom at uhaw ka pero wag ko namang ipahalata na may sa patay gutom ka. Nakaka turn off," komento niya pero lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin. Nakakairita siya, inis sa kaniya ang asawa at bayaw ko, maski si Yohan ay ayaw sa kaniya. Pero hindi naman siya masamang tao, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang inis nila sa kaniya. "Matunaw ako niyan ah," sita niya dahilan para kusang gumulong ang mga mata ko dahil sa pagka irita. Tumawa lang siya sa tinuran ko at saka ako inayang maupo sa isa sa mga upuan sa loob ng shop. "So? Anong meron? Bukod sa presence ko, ano pang dahilan bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?" Sumim
[RANN]Matapos ang ginawa naming panunuod ng mga bituin kanina ay inihatid na rin ako ni Nathan sa unit ni Damon. Tahimik lang akong pumasok ng bahay, marahang naglalakad. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay, baka mamaya ay magising si Tanya, masermunan na naman ako.Nang mapansin kong tahimik ang buong salas ay bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang maglakad nang muli, pero bago pa ako makahakbang ay biglang umilaw ang buong salas. "Ano sa tingin mo ang oras na?" Halos mapatalon ako dahil sa boses na narinig ko, dahan dahan akong umikot at bumaling sa nagsalita muna sa likuran ko.Halos mapalunok ako nang makita ko si Damon na nakasandal sa pader kung nasaan nakainstall yung switch ng ilaw, nakahalukipkip siya at nakaipit sa braso niya ang librong madalas niyang basahi
[RANN]Halos mapamura ako ng malutong nang madatnan ko ang sarili kong naka upo sa loob ng pamilyar na café habang kasama sa iisang table si Tanya na malamig lang na nakatitig kina Nathan at Rain na parehong may malawak na ngiti habang nakaupo sa kasalungat na upuan sa table namin.Walang umiimik sa aming apat at hindi ko gusto ang tensyong nararamdaman ko. Bakit ba kasi nag-aya pa itong si Nathan na magmerienda? At bakit si Tanya ang nasunod noong sinubukan kong tumanggi?Ako ang asawa ng Master niya hindi ba? Dapat ako ang nasusunod, pero hindi. Tang*na lang naman oo."Ahmm e-eto na po yung order ninyo," kinakabahang saad nung waitress at saka nanginginig pang inilapag ang mga inorder namin. "E-enjo
[RANN]Dilim… inikot ko ang paningin ko upang obserbahan ang paligid ko. Madilim ito at tanging ang mga ilaw lang ng kandila na nasa bawat pader ang nagsisilbing liwanag na nakikita ko sa paligid.Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto namin ni Damon.Sinubukan kong tumayo mula sa kung ano mang hinihigaan ko pero hindi ko magawa. Agad akong napalingon sa mga kamay at paa ko, nakatali ito at pawa bang sinadya ang pagkakahigpit nito para hindi ako makawala. Sinubukan kong magpumiglas, pero walang nangyayari. "D-Damon…" tawag ko sa pangalan ng asawa ko, hindi ko alam kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko, pero alam kong siya ang kailangan ko ngayon.Nakaramdam ako ng pres
[TANYA]Mataman kong tinitigan ang note na iniwan ni Rann sa ref. Pansin kong napapadalas na ang pag-alis alis niya sa bahay nang maging "busy" na sila Master. Bumuntong hininga na lang ako saka naglakad papasok ng silid ko, pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ay nadatnan ko ang sarili kong nasa loob nang muli ng mansion. Inikot ko ang paningin ko, tahimik ang buong lugar at hindi ko maramdaman ang presensya nina Gael.Tahimik kong tinahak ang pasilyo ng mansion patungo sa ikatlong palapag, sa silid kung saan hindi maaring pumasok ang kung sino lang maliban sa magkapatid na Donovan. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng sagot."Ano ang kailangan mo, Gaia?" Yumuko muna ako, tanda ng pag galang bago ko hinarap si Spyru na siyabg lumabas mula sa silid. "Kamusta siya?" tanong
[RANN] "Pakiramdam ko dumidistansiya na siya sa akin," anunsyo ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng lalaking kausap ko at saka nagpatuloy na sa pag kain ng tinapay niya. Agad naman akong napanguso sa naging reaksyon niya. "Ano ba Nathan, sabi mo pakikinggan mo ang kwento ko? Bakit parang mas importante pa iyang pagkain mo kesa sa akin?" Dinig ko pa ang pag buntong hininga niya bago niya itinuon sa akin ang atensyon niya. "Alam mo kasi, sinabi ko lang iyon out of concern, pero yung araw-arawin mo naman ang pakikipag kita sa akin para lang ilabas lahat ng hinaing mo sa asawa mo aba, ibang usapan na yan." Itinaas niya ang hintuturo niya sa harap ko at saka umiling iling pa. "Respeto naman, ako kasama mo tapos asawa mo iniisip mo?" Agad na nagsalubong ang kilay ko at saka ko sinipa ang binti niya sa ilalim ng mesa. Agad naman siyang napadaing dahil dito pero hindi ko iyon pinansin at mabilis kong hinila ang ilong niya. "Makikinig ka ba o hindi?" Inis na tanong ko. Tinaas niya ang par