[TANYA]
Mataman kong tinitigan ang note na iniwan ni Rann sa ref. Pansin kong napapadalas na ang pag-alis alis niya sa bahay nang maging "busy" na sila Master. Bumuntong hininga na lang ako saka naglakad papasok ng silid ko, pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ay nadatnan ko ang sarili kong nasa loob nang muli ng mansion. Inikot ko ang paningin ko, tahimik ang buong lugar at hindi ko maramdaman ang presensya nina Gael.
Tahimik kong tinahak ang pasilyo ng mansion patungo sa ikatlong palapag, sa silid kung saan hindi maaring pumasok ang kung sino lang maliban sa magkapatid na Donovan. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng sagot.
"Ano ang kailangan mo, Gaia?" Yumuko muna ako, tanda ng pag galang bago ko hinarap si Spyru na siyabg lumabas mula sa silid. "Kamusta siya?" tanong
[RANN] "Pakiramdam ko dumidistansiya na siya sa akin," anunsyo ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng lalaking kausap ko at saka nagpatuloy na sa pag kain ng tinapay niya. Agad naman akong napanguso sa naging reaksyon niya. "Ano ba Nathan, sabi mo pakikinggan mo ang kwento ko? Bakit parang mas importante pa iyang pagkain mo kesa sa akin?" Dinig ko pa ang pag buntong hininga niya bago niya itinuon sa akin ang atensyon niya. "Alam mo kasi, sinabi ko lang iyon out of concern, pero yung araw-arawin mo naman ang pakikipag kita sa akin para lang ilabas lahat ng hinaing mo sa asawa mo aba, ibang usapan na yan." Itinaas niya ang hintuturo niya sa harap ko at saka umiling iling pa. "Respeto naman, ako kasama mo tapos asawa mo iniisip mo?" Agad na nagsalubong ang kilay ko at saka ko sinipa ang binti niya sa ilalim ng mesa. Agad naman siyang napadaing dahil dito pero hindi ko iyon pinansin at mabilis kong hinila ang ilong niya. "Makikinig ka ba o hindi?" Inis na tanong ko. Tinaas niya ang par
[RANN] Nakatitig lang ako sa ibinigay na papel sa akin ni Nathan, nandito ako ngayon sa hospital kung saan niya ako dinala nang mawalan ako ng malay sa shop. Nakaupo ako sa kama habang si Nathan naman ay nakatayo lang sa gilid ng silid, nakasandal sa pader habang nakahalukipkip pa at masama ang tingin sa taong nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakaupo ngayon. Mataman akong tinignan ng taong nasa tabi ko ngayon, ramdam ko iyon pero sa papel lang ako nakatingin. Hindi ko pa kayang harapin ang mga mata niya, lalo na kapag naaalala ko ang mga pangyayaring nakita ko bago ako nawalan ng malay. Seryoso lang siyang nakaupo roon, walang imik na lumalabas sa bibig niya, pero alam kong sa akin lang siya nakatitig. Ramdam ko iyon. "What do you think you're doing, Rann Donovan?" Halos mapapitlag ako dahil sa talim ng tono niya, pero nanatili lang na sa papel ang tingin ko. Hindi na ako umiimik. Ayoko munang magsalita. "How many times do I have to tell you to stay away from that man?" si
[RANN] Nanatili pa ako sa hospital ng ilang araw, naroon nga at binibisita rin ako ni Nathan madalas. Nakakatawa lang na kung gaano kadalas bumisita si Natha ay ganun rin kadalang magpakita si Damon. Talagang iniiwasan niya na ako simula nang sabihin ko iyon sa kaniga, pero wala siyang magagawa. Nagkamali siya ng taong sinubukang linlangin. "Oh, ayan ka na naman. Nakakatakot ka kaya ngumisi. Itigil mo iyan, baka paglabas ng bata eh maging ganiyan ang mukha niya." Umirap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kinain ang mga pagkaing dala niya. Kung gusto kong mapa amin si Damon, dapat manatili akong malusog. "So? Alam na ba niya? Sana naman sinabi mo na sa kaniya ang rason kung bakit na nandito ngayon." Inilapag niya ang masanas na binalatan niya sa tray na nasa harap ko, iyon naman ang sumunod na nilantakan ko. Matapos ng ilang piraso pa ay saka ako umil
[RANN] Habang patagal nang patagal ang panahon, unti-unti na ring lumalaki ang umbok ng tiyan ko, maski ang sukat ng katawan ko ay bahagya na ring nagbabago, pansin ito ni Tanya dahil siya lang naman ang kasama ko sa bahay. Padami nang padami ang pagkaing kinakain ko at kapag tinatanong naman ako ni Tanya tungkol dito ay nagpapalusot na lang ako. Madalas na ring magpa bago-bago ang mood ko, mayroong mga oras na iritable ako sa mukha ni Tanya, mayroon rin namang halos si Nathan lang ang gusto kong makita. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Kaunti na lang at hindi ko na talaga maitatago pa ang pagbubuntis ko kay Damon, hindi ko rin naman gustong itago eh, lalo pa at gusto ko ngang aminin niya sa aking mahal niya rin ako. "Kanina pa bumubuntong hininga d'yan. Ano
[RANN] Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Damon nang ngumisi ako nang malaki sa harap niya. Pagod na hinilot niya ang mga sentido saka bumaling sa akin. "What now?" Tumikhim muna ako bago ko inilabas ang lunch box na dala-dala ko nang magpunta ako sa opisina niya. Dahil nga sa ginagawa niyang harapang pag-iwas sa akin ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan para makita siya. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya inaamin sa sarili niyang mahal niya rin ako. Desisyon ba masyado? Halos dalawang linggo ko na itong ginagawa at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko mula sa kaniya. "Niluto ko ito para sa iyo." Inilapag ko sa mesa niya ang niluto kong dinuguang baboy, tinitigan niya ng ilang saglit iyon bago nagsalubong ang mga kilay niya da
[RANN] Dumaan pa ang ilang araw na paghabol ko sa kaniya. Halos umiling na nga lang rin si Spyru habang pinapanood kaming dalawa ng kakambal niya. "Hindi ka ba napapagod?" tanong niya nang madatnan niya na naman akong nasa opisina ni Damon. Dumakong muli ang palad ko sa tiyan ko. Habang tumatagal ang araw ay lalo ring lumalaki ang tiyan ko. Kaunti na lang at mahahalata nang buntis ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Damon ito. "Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Damon," panimula ko saka nag-angat ng tingin at sinalubong ang tingin ni Spyru. "Pero hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko mula sa kaniya."Ngumisi naman nang malawak si Spyru at naglakad papalapit sa akin. "You really never fail to amaze me, Rann." Yumuko siya sa tapat ko. Suot pa rin ang ngisi niyang nakakainis titigan. "Why don't you use your child to win him back? Kating-kati na ako actually na sabihin sa kaniyang buntis ka sa kaniya." Agad
[RANN] Pareho kaming hindi umiimik ni Damon nang makarating na kaming parking lot. Kita ko pa rin ang pamumula ng mukha niya, marahil ay sa kahihiyan dahil maraming empleyado ang nanunuod sa amin kaninang nang sipain kami palabas ni Spyru. Kahit na naiinis ako sa katarantaduhan ni Spyru ay nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya kahit papaano. Binigyan niya lang naman ako ng rason para makasama ang masungit kong asawa. "So? Uuwi na ba tayo?" tanong niya. Ngumisi lang ako saka siya tinitigan sa mga mata. Nag-iwas naman siya ng tingin, maya-maya pa ay narinig kong kumukulo na ang sikmura naming pareho. Natigilan siya nang bahagya, namumula na namang muli ang buong mukha niya. "That d*mn bastard. Ni hindi niya man lang tayo pinakain muna bago palayasin sa mismong opisina ko." Ungot niya pero tinawanan ko na lang siya. "Kumain na lang tayo sa labas? Tapos pasyal tayo." "No.""Eeehh, sige na kasi? Please?" pangungulit ko. Bumuntong hininga naman siya saka ako tinignang muli. "Fine," talo
[RANN] "Mamahalin mo pa kaya ako kung alam mo kung sino talaga ako?"Tinitigan kong maigi ang mga mata niya, naroon ang sakit at lungkot. Mga bagay na hindi ko inaakalang makikita ko sa perpektk niyang mukha. Marahan kong inangat ang mga kamay ko ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinalubong kong muli ang mga mata niya at saka ako ngumiti. "Oo naman, hinding-hindi kita pakakawalan kahit na sekretong drug lord ka pala." Umikot bigla ang mga mata ni Damon, natawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya. "At saan mo naman nakuha iyan?" Natatawang tanong niya. "Sabi mo kasi eh, kung alam ko kung sino ka talaga, mamahalin pa ba kita?" pag-uulit ko sa tanong niya. Ngumisi ako ng malawak at saka hinila ang mukha niya palapit sa akin. Doon naglapat ang mga labi namin, pero saglit lang iyon dahil mas gusto kong titigan ang mukha niya ngayon. "Mamahalin kita kahit na anong mangyari."Tahimik lang siya, sa mga mata ko lang rin nakatitig. Maya-maya pa ay dahan-dahan na siyang ngumiti at